✔️Kabanata 7_In Denial

16 6 0
                                    

Alejandro Javier Del Fuego POV

KANINA PA Ako tapos na kumain ngunit hindi parin tapos ang babaeng ito, balak yata na ubusin lahat ng in-order na pagkain. Nakasandal lamang ako sa inuupuan habang naka-kros ang braso at pinagmamasdan ito na tumaba na ang pisngi dahil sa pagkaing ipinapasok niya sa kanyang bibig.

Hindi ko talaga makuha kung ano ang tumatakbo sa isipan ng babaeng ito. Walang dudang nagulat talaga ako at natigilan noong sinabi nito na asawa niya ako sa harap ng ibang tao, hindi ko alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob at kakapalan ng mukha meron siya.

Hindi ko maikakaila na nakakairita talaga ang babaeng ito. However, sa bawat sandaling nagkikita kami, there's really something about her na nakaka-agaw ng atensiyon ko.

Marahil ay dahil siya lamang ang nagiisang weirdo na ganito makitungo sa akin.

At sa totoo lang ay unang beses akong nakatagpo ng babaeng ipinagtanggol ako kahit na hindi ko naman kailangan. And it was such a pleasant feeling....I guess.

There's really something about her that's still a mystery to me.

Ilang minuto rin ang lumipas bago ito tuluyang natapos sa pagkain, halata sa kanyang kontentong ekspresyon na busog na busog na ito. Tinatapik-tapik pa niya ang kanyang bloated na tyan which I find kinda.....cute.

"Hum!" Matapos mapagtanto kung ano ang iniisip ko tungkol sa kanya ay agad akong nag-iwas ng tingin. Fuck, nababaliw na ako.

Dahan-dahan ko ring ibinalik ang tingin sa kanya. Hindi ito umaakto katulad ng ibang mga babaeng nakikita ko na palaging composed, elegant at gusto palaging mukhang mamahalin. Ang babaeng ito sa harapan ko ay ginagawa lang ang kung ano ang gusto niyang gawin.

"Let's go." Sabi ko at tumayo na ngunit hindi ito gumalaw at tinitigan lang ako kaya kinunutan ko ng noo. Napapatanong kung ano na naman ang problema ng babaeng ito.

"Masyado pa akong busog." Nakangusong anito dahilan upang blanko akong napatitig sa kanya. Seryuso ba ang weirdong ito!

"That's no longer my problem." Sabi ko at tinalikuran na ito. Papaalis na sana ako ngunit natigilan nang marinig ang sinasabi ng babaeng ito. Fuck...

"Sweetheart, Honey, Sweety, Dear, Love, honeybunch, baby bear, hubby, popcorn----"

"Shut the fuck up." Pilit kong hininaan ang boses ko na ngayon ay napaharap na sa kanya matapos marinig ang huling katagang kanyang binanggit na nagpapasakit sa aking tainga.

"......Oh~popcorn." Lumapad ang ngiti nito lalo noong makita ang ekspresyon ko ngunit hindi ko naman magawang pakalmahin ang sarili. Hindi ko talaga alam kung bakit pagdating sa babaeng ito ay hindi ko nako-kontrol ang emosyong ipinapakita ko. Damn, she's fucking annoying!

Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay habang binibigyan ako ng inosenteng tingin, may nais ipahatid. Iritable ko na lang na pinasadahan ang sariling buhok at nilapitan, maingat siyang hinawakan bago binuhat. Panandalian itong natawa bago matamis na napangiti at kumapit na sa leeg ko, natutuwa sapagkat nangyari ang gusto nya. Annoying!

"Ang sweet talaga ng lovydabs ko." Naramdaman ko ang marahang paglapat ng kanyang malambot na labi sa aking pisngi dahilan upang muntikan ko itong mabitawan, dahil sa gulat. Seryuso akong napatingin sa kanya na umaktong parang walang nangyari.

"Don't mess with me." Seryuso kong sabi dito at tuluyan ng lumabas ng restaurant. Pumasok narin kami sa loob ng kutse, nakaupo ito sa tabi ko at muli na namang nakahawak sa aking kamay. It's.......warm.

Mafia Series #1: Obsidian MasqueradeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon