✔️Kabanata 12_Date at Home

17 6 0
                                    

Alpha POV

NANDITO KAMI Ngayon ng lalaking ito sa isang maliit lang na coffeeshop, kaya bilang lamang ang mga customer na nandito, 'di bababa sa Lima.

"Ano pong sasabihin ninyo, Kuya?" Inosenteng tanong ng Gaga. May bobolahin na naman.

"Lumayo ka sa taong iyon." Biglang aniya. Tumagilid naman ang ulo ko sa pagtataka. I still don't have any idea what's his motive.

"Sino Po?"

"Iyong nakakatakot na lalaking kasama mo sa restaurant, I heard his also a gangster."

"At bakit ko naman po gagawin 'yon?"

Nang itanong ko iyon ay doon na siya tuluyang natigilan. Pinanood ko lamang siya na hindi na nagiging komportable, nag-uumpisa na itong mas lalong mailang, at tila ba ay may nais itong sabihin ngunit nag-aalangan.

Maamo lamang akong naghintay kung kailan siya magsasalita hanggang sa ginawa na nga niya. "Alam kong mahirap paniwalaan itong sasabihin ko, ngunit nakikita ko ang malas at swerteng taglay ng bawat tao."

Kuminang bigla ang aking mga mata nang sabihin niya iyon. Hindi naman iyon mahirap paniwalaan kung ako ang kanyang sinabihan. "Tagala?"

"Ssh.." napalingon-lingon siya sa paligid, tinitingnan ang mga taong napatingin sa aming direksiyon dahil sa biglaang paglakas ng aking boses. Pansin ko namang mas lalo niyang nais itago ang kanyang pagka-kilanlan, dahilan upang lihim akong natawa.

"Nababaliw ka ba!" Iritable niyang bulong habang naka-kunot na ang noo. Hindi makapaniwala sa aking ginawa. "Huwag ka na ulit sumigaw!

Parang tanga lamang akong ngumiti sabay tango-tango.

"Iyong lalaking kasama mo kanina, nababalutan siya ng kamalasan, samantalang kabaliktaran ang sa iyo, tanging swerte ang nakikita ko sa'yo. At sa tuwing lumalapit ka sa kanya, kinukuha niya ang swerte na mayroon ka."

Malalim naman akong napaisip. Ang tinutukoy ba niyang swerte na kinukuha ni Javy mula sa akin, ay kapag inaalis ko mula sa kanya ang Itim na enerhiya, at ang pag-bawas ko ng porsyento ng kapahamakan na mayroon siya. It does seem like he's getting my luck, however, it's me who's giving it to him. Walang kinukuha si Javy sa akin sapagkat kusa kong ginagawa ang mga bagay na iyon.

"Sigurado akong may mga sandaling hindi nagiging maganda ang pakiramdam mo, it's because he's taking your luck. At naaapektuan no'n ang katawan mo."

"Tama ka nga po." Marahan akong tumango. Kanina, matapos kong bawasan ang porsyento ng kapahamakan mula kay Javy, hindi ko ipinakitang naging hindi maganda ang pakiramdam ko, upang hindi mapansin ni Javy ay agad kong iniba ang usapan.

Noong pumunta ako sa banyo, ay doon lamang ako tuluyang napasuka ng dugo, pilit kong pinipigilan ang reaksiyon na iyon ng aking katawan habang kasama ko si Javy. I don't want him to worry, baka dalhin pa ako sa hospital. But that's all, it's just a side effect, palagi naman iyong nangyayari sa akin sa tuwing ginagawa ko iyon sa ibat-ibang mga tao. It's not because I'm out of luck, it's just because pwersahan kong kinukuha ang kapahamakang hindi naman para sa akin. Pino-proseso iyon ng aking katawan,

Nagpakonsulta narin ako kay Prime about it, and she said, It is happening because of the law of equivalent exchange, in order to gain something, kailangan rin ay may handa kang ibigay bilang kapalit.

I just have to suffer a little bit during the process of accepting. Ngunit sinigurado naman sa akin ni Prime na hindi apektado ang kalusugan ko. I am perfectly healthy.

Mafia Series #1: Obsidian MasqueradeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon