✔️Kabanata 11_True Feelings

18 8 0
                                    

Alpha POV

NAKATINGIN Lamang ako sa ibaba, nakatitig sa aking mga kamay habang seryuso lamang ang ekspresyon ng mukha.

Ngayon ko lang napagtanto, na baka isa nga ito sa rason kung bakit ako muling pumasok sa restaurant na iyon. O baka naman ito nga ang tunay na rason kung bakit ako bumalik. Baka Palusot ko lamang lahat ng mga rason ko kanina.

You see, aalis na ako sa susunod na araw, at hindi ko man lamang alam kung bibisitahin pa ba ako ng lukong ito bago ako umalis. Bakit ko kailangang maghintay? Kung kaya ko namang kusang lumapit, saka iyon naman ang palagi kong ginawa 'di ba?

I didn't realize that I've become overly dependent on him for my enjoyment. Siya ang dahilan kung bakit hindi naging boring ang bakasyon kong ito. Ngunit iyon lang ba talaga ang rason? Siguradong hindi. But for now, Isa lang ang sigurado, sa tuwing kasama ko ang lalaking ito, hindi ko kailangang umaktong matapang, hindi ko kailangang umaktong malakas, nagagawa kong ipakita ang aking pagiging mahina, sapagkat alam kong po-protektahan ako ng taong ito.

And you know what? This fucking feeling, I hate It! Hindi ako sanay na umasa sa iba, at kailanman ay hindi ko iyon ginawa. But now, without even realizing it, I've been doing it all this time. Like, what the hell!"

"I just want to see you. Masama ba 'yon..." Mariin kong bulong habang mahigpit ng naka-kuyom ang dalawang kamay.

Habang nilalamon ako ng sarili kong emosyon, maririnig naman ang pabulong at mariing mura na kumawala sa labi ni Javy. Siguradong napahawak na ito sa kanyang noo. Naiirita sa mga kalokuhang pinagsasabi ng gagang ako.

Mariin akong napa-pikit, naka-yuko parin ang ulo.

Nauubusan na ito ng pasensya sa akin, mukhang magiging hindi maganda ang huling sandali naming dalawa. This really sucks.

"Daniel, get out." Seryuso niyang sabi dito na nakaupo lamang sa driver seat. Walang imik naman itong lumabas kaya kami na lamang ni Javy ang nandito sa loob.

"Come here."

Nagulat ako at natigilan ng bigla niya akong binuhat at ipina-upo sa kanyang kandungan. Gulat parin akong nakatitig sa kanya. Batid ko namang malakas talaga ito, ngunit hindi ko alam na dumating na sa puntong pasimple niya akong bubuhatin ng gano'n gano'n lang. Alam ko kasing mabigat ako, kaya nakakagulat talaga na binuhat niya ako na parang isang Bata.

Naka-upo ako sa kanyang kandungan paharap sa kanya. Habang nakahawak ang isa niyang kamay sa aking tagiliran, at ang isa ay maingat na nakahawak sa aking pisngi.

"Alam mo ba kung gaano sumasakit ang ulo ko ngayon dahil sa'yo." Dahil sa sinabi niyang iyon habang suot ang problemadong ekspresyon, Hindi ko siya magawang tingnan ng diritsu sa mata, napatingin na lamang ako sa ibaba. "Hindi ko alam kung saan mo nakuha iyang kakulitan mo, you seem like an open book ngunit sa totoo lang, napaka-hirap mong basahin. Naiinis ako sa kabaliwan mong ito, sa trip mo, lahat ng ginagawa mo naiinis ako. Ginagawa mo exactly ang kabaliktaran ng gusto ko."

Ito iyong unang pagkakataon na narinig ko si Javy na nagsalita ng lampas sa sampong kataga. Nanibago ako.

Sumikip ang dibdib ko dahil sa ginawa niyang pag-kompronta sa akin. Harap-harapan na talaga niyang sinasabi kung gaano niya ka-ayaw sa akin. Marami ng taong ayaw sa akin, maaaring hindi kawalan kung madagdagan ng isa, ngunit ayaw kong madagdag sa listahan ang lalaking ito, kaya nakakaramdam ako ng ganito.

"Pasensya na." Hindi ko alam kung bakit, ngunit naluluha ako habang ibinubulong ang mga katagang iyon. Nakakainis kasi eh, Hindi kay Javy, kun'di sa sarili ko.

Ang alam ko lang kasi ay ginagawa ko lang ang mga ito upang maiwasan ang pagka-bagot, ngunit kung iisiping mabuti, tila nasasanay ako. Natutuwa ako kapag nandyan siya, kapag wala naman ay mas malala pa kaysa sa pagka-bagot, tila ay nalulungkot na.

Mafia Series #1: Obsidian MasqueradeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon