Alpha POV
May mga ingay pa akong naririnig mula sa itaas, ganoon din sa kusina. Walang gana kong pinasadahan ang sariling buhok at tumayo na. Tahimik na naglakad papalapit sa isa sa kanila at tumayo sa likuran nito. Mabilis na kinuha at pinatay ang kanyang flashlight na hawak bago hinawakan ang kanyang kamay at walang ano-anong binali ang kanyang braso dahilan upang Malakas itong napasigaw. Maririnig sa tahimik na Bahay na ito ang lakas ng paglagutok ng kanyang nababaling buto.
Ngunit bago pa man siya lingunin ng isa niyang kasamahan ay wala na ako sa kinatatayuan ko kanina. Agad siyang nilapitan ng kasamahan niya, Saka lamang ako tumayo sa likuran nito.
Napansin ang pigura ko ng lalaking lumuluha na sa sakit ngunit hindi ito magawang makapagsalita. Sa pagkakataong ito ay muli ko na namang ginawa ang ginawa ko sa nauna kaya pareho na silang sumisigaw sa sakit. Wala ding takas sa akin ang isa pang lumabas mula sa kusina.
Pansin kong nagkagulo na sa itaas ang mga kasamahan nila. Nakatayo lamang ako sa gilid ng hagdanan, sakto lang na matatakpan ako, hinihintay ang pagbaba ng iba. Ilang minuto lang ay may dalawang lalaking bumaba habang may bitbit ng mga malalaking bag.
Nilampasan ako ng naunang bumaba, dumiritsu ito sa kanyang mga kasamahan, ang isa namang nakasunod ay pinatid ko dahilan upang mawalan ng balanse, ngunit bago pa man ito matumba ay mabilis kong kinuha ang flashlight at pinatay bago iyon hinampas sa kanyang ulo. Agad itong bumagsak.
Habang nakatayo parin sa gilid ng hagdanan ay naisipan ko na lamang bigla na takutin ang mga ito, kaya nagumpisa akong pabulong na kumanta gamit ang nakakapanindig balahibong tono ng boses.
"Ding dong, Here I come to find you, Hurry up and run, Let's play a little game and have fun...."
Batid ko ang kaba at takot na bumabalot sa mga ito. Lahat sila ay nagmamadaling makalabas sa loob ng bahay ngunit naka-lock ang front door kaya nataranta na sila.
Habang ako naman ay patuloy lang sa pag-ugong at pagkanta, walang patawad na tinatakot ang mga ito. Tumigil lamang ako sa oras na tuluyan ng nakalabas ng bahay ang mga ito. Sinira nila ang doorknob ng front door para lamang makalabas.
Nasanay na ang mata ko sa dilim kaya nagawa ko ng bumalik sa sofa at umupo doon habang iniugong ang tono ng pareho paring kanta. Nababalutan ng katahimikan ang buong bahay kaya umaalingawngaw ang boses ko sa lahat ng sulok.
Habang ginagawa ko iyon ay naririnig ko ang pagkabasag ng glass ng frame mula sa side table na nasa aking likuran nang mahulog ito sa sahig.
"Ding dong, You can't keep me waiting, It's already too late, For you to try and run away..." Muli na naman akong nakarinig ng nabasag sa kusina at pagkahulog ng ilang mga gamit. Nagpatuloy ang pangyayaring iyon hanggang sa tuluyan na ngang naka-alis ang taong kanina pa nagtatago sa ilalim ng side table. Tumigil narin ang pagkabasag ng iilang mga gamit. Nang ipitik ko ang aking daliri ay muli ng bumalik ang ilaw.
"You can leave now." Mahinahon kong pahayag sa mga kasalukuyang nakaupo sa sofa dito sa aking tabi, sa aking tapat at nakatayo sa aking likuran.
"Tawagin mo lang kami kapag kailangan mo ng tulong, Ms Lux."
Isa-isa nang naglaho ang mga ito. Bumalik narin ako sa paghiga sa sofa at bumalik na sa pagtulog na tila ba ay walang nangyari.
[Day 2]
Alejandro Javier Del Fuego POV
Mag-isa lamang akong umiinom habang nakaupo sa bench sa gilid ng pool dito sa bahay. Nakatingin lamang sa kawalan habang malalim ang iniisip. Isa sa mga tauhan ko ang nagbigay ng report na nakita nila si Ms Lianne McKellen na kakalabas lamang sa airport kaninang 4pm, kaya kasalukuyan ko pang pinapaimbistigahan ang mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
Mafia Series #1: Obsidian Masquerade
Rastgele🔞🔞🔞 Kakarating pa lang ni Alpha sa pilipinas nang sa kalagitnaan ng kalsada ay tinambangan siya ng pangkat ng mga barakong lalaking nakasakay sa itim na mga motor, pinapalibotan ang taxi kung saan siya nakasakay. kinuha siya ng mga ito at dinala...