✔️Kabanata 2_Got Kidnapped Part-II

19 6 0
                                    

Alpha POV

HABANG NAKAPIKIT Ang aking mga mata, nakayuko parin ang ulo at handang magpahinga. Ngunit maririnig ang nakakapangilabot na tunog ng walang tigil na pagkalmot sa sahig at pader, nakakapanindig balahibong paghihinagpis na sumasabay sa ihip ng hanging siyang bumubulong sa aking tainga. Ibat-ibang boses ang aking naririnig na nagmumula sa kahit saang sulok ng lugar na ito.

Nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata, bumungad sa akin ang walang emosyong mukha ng isang binata. Nakahiga ang kanyang ulo sa aking kandungan na tila ba ay nais na nitong magpahinga. Maputla ang kulay ng kanyang balat, tuyong mga labi, at duguang ulo. Nakatitig lamang ako sa kanyang itim na mga matang tila ay pinapakita sa akin ang kadilimang kanyang naranasan.

Mula sa aking likuran, ramdam ko ang marahang haplos ng mga kamay sa aking balikat at tagiliran, dala ng mga ito ang bigat ng alaala at emosyong 'di malilimutan.

Nakaluhod lamang ako, naghihintay na maka-alis sa lugar na ito, habang ang mga ito'y pinapalibutan ako, ang iba'y nanatili sa sulok, naghihintay sa kanilang pagkakataon.

Ilang sandali pa ay unti-unting naglaho sa paningin ko ang binata sa aking kandungan, bago ito tangayin ng hangin ay pansin ko ang simpleng ngiti na sumilay sa kanyang labi. Ganoon rin ang nangyari sa iba pang 'di mabilang.

Sa tuluyang paglaho ng presensya ng mga ito. Mararamdaman ang biglaang pag-aliwalas ng paligid, ngunit kapalit naman noon ay ang pagtulo ng pulang likido sa aking ilong at panlalabo ng aking paningin.

Gayon pa man ay nakikita ko parin ang paglalakad ng Boss patungo sa aking direksiyon, batid kong hinawakan ako nito ngunit masyado pa akong wala sa sarili, hindi ko na nagawa pang umimik, tila kasi ay lumisan sa aking katawan ang tanging lakas na natitira.

Ang malaking kamay ng lalaking iyon ay mahigpit na nakahawak sa aking panga, iniaangat ang aking tingin sa kanya. I can feel the calluses in his hand, mga kalyo na makukuha lamang mula sa matagal ng paghawak ng baril at iba pang sandata. I don't know if he's going to help or not, wala kasing pinag-bago sa klase ng titig na ibinibigay nito sa akin. Nanatiling malamig.

Kami lamang dalawa ang kasalukuyang nandito, my hand and feet are still tied. I don't know what's this guy is going to do next. Ngunit wala sa sitwasyon ko ngayon nakatuon ang aking buong atensiyon, ngunit sa sitwasyon ng lalaking ito.

He's going to die in a few days.

"...---careful....be...careful..." Hindi ko magawang magsalita ng maayos kaya paputol-putol ang pagbigkas ko ng bawat kataga. It doesn't matter what this guy did to me, I just don't want anyone dying while I know that I can do something to help. I don't want to repeat the same mistake.

Babalik rin itong lakas ko ilang minuto lang, all I have to do is to wait. But, before that, habang wala pa ang mga tauhan niya Dito, I have to talk to him.

Ngunit Hindi ko pa alam kung paano, you see, this guy is quite peculiar. Kanina noong hinampas niya ako at dumugo ang ilong ko, he didn't even give a shit, tapos ngayon na kusang dumugo ang aking ilong, he's paying attention! Like, what the hell?! Seriously?!

"Disgusting."

"---huh?" Nang marinig ang kanyang sinabi. Biglang bumalik sa katawan ko ang aking nagbakasyon na lakas, muling kumulo ang aking dugo, uminit ang aking ulo, at umigting ang panga. Mapakla na lamang akong natawa. Is my face really that disgusting for him?!

"Punasan mo 'yang ilong mo." Marahas ang kanyang ginawang pagbitaw sa akin, tinapunan ako ng panyo bago umayos ng tayo.

"Ha!" Tuluyan na ngang may ingay na lumabas sa aking bibig. Ngunit iyon lang, sigurado kasing tatamaan na naman ako kapag inilabas ko ang hinanakit sa lalaking ito. Sa kaloob-looban ko ay walang tigil ang pagmumura ko sa kanya.

Mafia Series #1: Obsidian MasqueradeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon