Alpha POV
ILANG ARAW Rin akong hindi lumabas ng hotel. Hinihintay ko parin ang balita mula kay Kuya Xevion patungkol sa explosion. Iilang tao lamang ang nakaka-alam na parte ako ng flight na iyon. Si Kuya Xevion, Kuya Zaxon, si Thaddeus, si Javy at iyong mga tauhan niyang malapit sa kany----"Hum..."
Agad akong napabangon at malalim na nag-isip habang naka-kunot ang noo. Impossible na sina Kuya o Thaddeus ang nais magpapatay sa akin, malabo namang si Javy. Posible kaya na nasa mga kaibigan ni Javy? But why?
Alam ko namang hindi boto sa akin ang mga iyon ngunit hindi naman siguro sapat na dahilan ang mga flaws ko para gawin nila iyon. Sigh, ngunit kailangan ko paring mag-ingat sa mga 'yon.
Lumabas na muna ako ng room habang nakasuot lang ng pambahay, facemask at itim na sombrero. Habang nasa loob pa ako ng elevator patungo sa first floor, narinig kong nag-usap ang dalawang employee ng hotel na kasama ko ngayon. They are talking about a big party that is currently happening on the first floor, and most of the attendees are powerful individuals.
Nang makarating sa first floor ay tila napunta ako sa ibang lugar sapagkat hindi ito ang first floor na naalala ko noong huli kong pagbaba. Everything just looks extravagant.
Habang naglalakad papalapit sa entrance ng hotel ay natigilan ako matapos makita si Javy, wearing a formal suit, maayos ang hitsura at may kausap na ibang mga businessman. Segundo lang ay may babaeng lumapit at kumapit sa kanyang braso, kaya agad kong napagtanto that she must have been the said fiancée of Javy. What was her name again? Nah, I forgot. Tuluyan narin akong lumabas at naghintay ng taxi na dumaan.
"Keep an eye on that bitch." Seryuso kong sabi kay Tres bago ako pumasok sa taxi at umalis na. I won't just let that woman touch what's mine. Not in this fucking lifetime.
Alejandro Javier POV
Nasa kaarawan ni Chairman Del Fuego ako ngayon, ngunit ang isip ko’y hindi nakatuon sa kasalukuyang nangyayari sa paligid. Iniisip ko kung ibang tao nga ba ang naglagay ng sulat sa bedside table o si Alpha ba talaga mismo. Nandito pa ba siya? Maayos lang ba siya? Ang dami kong katanungan na hindi masagot hangga't hindi kami nagkakaharap muli.
Nang malaman kong sumabog ang eroplano na sinasakyan niya, i had a breakdown. Naisip ko, baka hindi ko na siya muling makita, labis 'yong takot ko nang malaman ang balita, kaya nang makakita ako ng sulat sa aking paggising, tila ay nabunutan ako ng tinik sa leeg.
Ngunit may isa pang gumugulo sa aking isipan—iyong riddle na ibinigay ni Prime tungkol sa isang traydor. Maaaring alam ng traydor ang koneksyon ko kay Alpha at may galit ito sa akin, kaya ang eroplano ng asawa ko ang pinonterya. Pero sino naman ang putanginang iyon?!! Napahimas na lamang ako sa aking batok sa labis na pagka-irita.
Napansin ng mga businessman sa harapan ko ang biglaang pag-igting ng aking panga at ang panlilisik ng aking mga mata. Agad silang na-ilang at napa-atras, iniisip na baka dahil sa mga pinagsasatsat nila ako umaakto ng ganito. Ngunit kahit na ganun ay patuloy na nag-uusap ang mga negosyante sa harapan ko, umaaktong kasali ako sa usapan, ipinapakita sa lahat na malapit ako sa kanila. Ginagamit ang aking presensya bilang sandata.
It didn’t take long before I openly distanced myself, tired of hearing their nonsense. Ayaw ko ng marinig ang mga mababaw nilang usapan, usapang nagpapasakit lamang ng aking ulo. Naglabas ako ng mabigat na buntong hininga at naglakad patungo sa direksiyon ni Chairman Del Fuego.
"Dad," tawag ko, loud enough for him to hear but calm enough to mask the irritation still boiling inside me. Agad namang nagdistansya ang mga kausap ni Chairman, as if the word alone gave them reason to vanish from his presence. Napunta narin sa akin ang buong atensiyon ni Chairman.
BINABASA MO ANG
Mafia Series #1: Obsidian Masquerade
Random🔞🔞🔞 Kakarating pa lang ni Alpha sa pilipinas nang sa kalagitnaan ng kalsada ay tinambangan siya ng pangkat ng mga barakong lalaking nakasakay sa itim na mga motor, pinapalibotan ang taxi kung saan siya nakasakay. kinuha siya ng mga ito at dinala...