✔️Kabanata 17_Devil's Daughter

6 2 0
                                    

Alpha POV

Nagpatuloy narin ang nangyaring transaction. Mas lalo kaming naglakad papalapit kay Mr. Graziano. Nanatili naman ako sa likuran ni Viper, naka-alerto lamang. Hindi narin ako nag-aksaya ng oras na sulyapan si Kuya Zaxon na kasalukuyan naring nasa likuran ni Mr. Graziano, katabi ni Javy. Naging alerto narin ang mga ito, since wala namang makakapagsabi kung ano ang maaaring sumunod na mangyari.

Binuksan na ng mga tauhan ni Mr. Graziano ang mga naglalakihang contraband case at tiningnan ang mga nasa loob. They even brought two experts with them, they immediately checked the goods. After confirming ay kumuha si Mr. Graziano ng isang syringe at ito'y ini-angat, tinitigan at pinitik-pitik ng kanyang hintuturo.

"Haha, isn't this a heaven-level narcotic? Why didn't you name it Heaven? I wonder why. Right, Mr. Del Fuego?"

"Ugh!..."

Ang kaninang syringe na hawak ni Mr. Graziano, ngayon ay nakatarak na sa leeg ni Javy, sa kanyang gulat ay agad niya itong binunot, ngunit segundo lamang bago tuluyan siyang napa-luhod habang nangangatog na ang buong katawan.

Nang masaksihan ang pangyayaring naganap mismo sa aking harapan, biglang nanlamig ang buo kong katawan. The scene unfolding before me felt like a nightmare I couldn't wake up from. Ang tangi kong nakikita ay ang nangangatog na katawan ng taong mahalaga sa akin habang nakaluhod sa harapan ng taong isa ng bangkay sa aking paningin.

I forgot how to blink or breathe. Tears of anger mixed with worry unconsciously dripped from my eyes. Mabuti na lamang at nakasuot ako ng maskara, kaya walang ibang nakapansin sa aking ekspresyon. Sapagkat sa mga sandaling ito, I no longer know what kind of expression I'm making. All I could think about was the most torturous way to make this fucker suffer to the point where he would wish he was dead.

Umalingawngaw sa aking tainga ang tunog ng bawat tibok ng sarili kong puso. The air felt thick, almost suffocating, as if the weight of the situation was pressing down on me. Making it hard to focus on anything but the raw desperation in Javy's eyes, ayaw nitong lamunin ng droga ang kanyang buong sistema, pilit niyang nilalabanan.

Naitatago nga ng maskara ang aking mukha, but it couldn't hide the storm of emotions raging inside me. Anger, helplessness, and a burning desire for revenge all mixed into a boiling cauldron of hate. I wanted to make that son of a bitch suffer. Haaaa....fuck.

Nandilim ang aking paningin kaya mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Javy's suffering kept echoing in my ears. I could feel my body becoming colder and colder. I could no longer feel or hear my own heartbeat, as if I had just lost my humanity and my body was taken over by something beyond human understanding.

When I finally dared to open my eyes, the sight that greeted me was nothing short of horrifying. 'di mabilang na mga nilalang na may pigura ng tao ang nagtipon-tipon. Ang kanilang presensya ay pumupuno sa bawat sulok ng aking paningin.

Nakakapanindig balahibo ang kanilang katahimikan, nakatuon lamang sa amin ang kanilang mga walang kurap na mga mata. The air around us felt heavy with their scrutiny, as if their silent observation was a judgment upon our very souls.

Sigurado ako nang mga sandaling iyon that Mr. Graziano would not be the only one affected. Everyone here was going to die, including Javy. Just thinking about it sent shivers down my spine. It wasn't just fear for my own life, it was the knowledge that no one would be spared. Mas lalong nanlamig ang aking buong katawan na tila ba ay binuhusan ako ng nagyeyelong tubig.

Each breath felt like it could be my last.

"Hum!" Bigla akong natauhan nang may biglang gumalaw sa aking katawan, kaya napalingon ako sa isa sa mga bodyguard ni Viper na ngayon ay mahigpit nang hinawakan ang aking braso. Napatitig ako sa pamilyar na mukha ng lalaki. Pumapatak ang pawis nito, bakas ang kaba at takot sa ekspresyon ng mukha at patuloy lamang sa pag-iling habang nakatitig sa aking mga mata.

Mafia Series #1: Obsidian MasqueradeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon