✔️Kabanata 13_His Declaration

8 6 0
                                    

Alpha POV

Kahit sabihin pa ng ibang tao na ikaw ang malas sa buhay ko. Para sa akin, you'll never be one. What we have right now might not last, at least in this moment, solo kita. Sapat na 'yon.

"Balita ko aalis ka na." Mahinahong aniya. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko nakikita ang ekspresyon ng kanyang mukha, balak ko siyang lingunin ngunit hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin na tila ba ay pinipigilan ako. But I really want to see his face. Hump!

"Hum." Umugong lamang ako bilang tugon. Siguradong kay Ma'am Sol niya nalaman ang impormasyon na dalawang linggo lang ang pananatili ko dito.

Marahan akong napa-ugong at napahawak sa kanyang braso na mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin. Napatanong na lamang ako. "You don't want me to leave?"

Nanatili naman siyang tahimik. Kaya marahan akong natawa at naisipan siyang hamonin. "Make me stay then."

"Wala akong karapatang pigilan ka." Kalmadong aniya kaya natigilan ako. Saka lamang napagtantong wala naman talagang kung anong mayroon kami. Just me forcing myself to him, and just him na tinitiis ang kakulitan ko.

"Javy, gusto kitang makita." Bulong ko habang. Sumisikip na ang dibdib. Ayaw kong naguusap kami na hindi ko nakikita ang ekspresyon ng kanyang mukha. I want to look at him, see him. At alamin kung ano nga ba ang kahulugan sa likod ng mga katagang kanyang binibitiwan.

Unti-unti naring lumuluwag ang pagkakayakap niya sa akin kaya gumalaw na ako, at paharap na umupo sa kanyang kandungan. Bigla naman itong nagiwas ng tingin na tila ba ay may tinatago, ayaw nitong malaman ko.

"Call me wife." Banayad kong Sabi habang nakahawak na sa kanyang pisngi. Hindi siya umimik kaya nanatili lamang din ako, hinihintay ang kanyang tugon, hanggang sa tuluyan na nga niya akong tiningnan, diritsu sa mata.

"Wife." Halo-halong emosyon ang aking natagpuan sa kanyang mga mata. Ngunit Isa lang ang sigurado, ang tingin na ibinibigay niya sa akin ngayon ay malayong malayo kumpara sa malamig at nahihiwagaang titig na ibinibigay niya noon.

Iyon ang naging mitya upang siya'y aking halikan. Humigpit ang kanyang pagkakahawak sa aking tagiliran na tila ba ay hindi niya inaasahan iyon.

Inilayo ko narin ang mukha sa kanya at matamis siyang nginitian, hindi binigyan ng pagkakataong tumugon. Tulala itong nakatingin sa akin, segundo lang ay kumawala ang pabulong na mura sa kanyang bibig, naisandal na lamang ang kanyang ulo sa aking dibdib habang nakahawak parin sa aking tagiliran.

Marahan kong hinihimas ang kanyang buhok habang nakalapat na ang aking labi sa kanyang ulo. "Aalis na ako bukas. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik, but if ever there will come a time na magkikita tayo, kung ang nararamdaman mo ngayon ay ganyan parin sa panahong iyon....."

Nang huminto ako sa pagsasalita, ay iniangat niya ang kanyang tingin sa akin. Naghihintay ito.

"Let's just look forward to it." Hindi ko na binanggit ang balak kong sabihin. Tingnan na lamang natin kung ano ang mangyayari sa mga panahon na iyon, saka tayo gagawa ng desisyon.

Saka, Hindi naman talaga ako bukas aalis. 14 days ang stay ko dito, ika-11th day ko pa ngayon. Sadyang may mga bagay lamang akong kailangang gawin bago ako aalis. Kaya instead of saying na sa susunod na araw pa ako aalis, better to say na bukas na, para saan pa ang natitirang araw kung 'di naman kami magkikita? Sigh.

"Hindi ka ba dito magpapasko?"

I'll think about it.







Alejandro Javier POV

NANG MATAPOS Ang aming pinapanood, aakma na sana akong tatayo upang patayin ang TV, ngunit bigla namang nawala ang balanse sa pag-upo ni Alpha, agad ko siyang inalalayan, doon ko napagtantong nakatulog na pala ito.

Mafia Series #1: Obsidian MasqueradeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon