Alpha POV
NANDITO Ngayon sa bahay si Thaddeus, kasalukuyan kaming naguusap tungkol sa grupo na may tattoo ng dragon sa batok.
"Mga tauhan ng malaking Loan Company ang mga taong ito, ang Boss nila ay nag ngangalang Mr Alejandro Javier Del Fuego. Ang taong ito ay hindi lamang isang Boss ng laon company kun'di isa ding underworld Boss ng malaking Mafia organization." May inilahad siyang litrato kaya kinuha ko at tiningnan. Ito nga iyong barakong lalaking siyang tinatawag nilang Boss. Pati dito sa litrato ay nakakatakot parin itong tingnan, ang seryuso ng mukha, aakalain mong kahit na minsan ay hindi pa ngumingiti buong buhay niya.
"Lux, malaking organisasyon 'to." Tunog nagbibigay babala ang boses ni Thaddeus.
"Sa tingin mo may pakialam ako?" Mahinahon kong tanong at muling inilapag sa mesa ang litrato. Sumandal na muna ako sa sofa bago muling nagsalita. "Thaddeus, kailan ka pa ba masasanay sa klase ng trabaho mayroon tayo? Alam mong hindi na bago sa atin ang ganitong mga sitwasyon."
"Alam mo minsan, kinakabahan talaga ako sa lakas ng loob na mayroon ka. Ibang klase ka rin eh 'no? 'di porque malakas ang kapit mo sa organisasyon ay okay lang na kontrahin ang Mafia." Bakas ang pagkairita sa kanyang mukha dahil narin sa pag-aalala.
Ang tinutukoy niyang organisasyon ay ang Triple X organization-kung saan kami nabibilang. Ito ang lihim na organisasyon sa likod ng Real state company kung saan kami pumapasok. Bawat agents ng kompanya ay tauhan ng organisasyon, kapag walang misyon na gagawin ay isa lamang kaming mga ordinaryong ahente.
May kinalaman at alam ng Triple X organization ang halos lahat ng illegal na transaction ng ibat-ibang illegal na organization sa buong Mundo. Ang organisasyon na ito ang siyang umaalalay sa ibang organisasyon pagdating sa kanilang mga illegal na gawain upang hindi matunugan ng mga kapolisan.
Isa sa mga malalaking organisasyon na nahawakan at kasalukuyang pinoprotektahan ng Triple-X ay ang Mafia organization na pinamumunuan ni Mr Del Fuego. Narinig ko lamang ang pangalan ng Big Boss na ito mula sa ibang mga Agents ngunit wala akong aydeya sa hitsura nito.
Ngayon ko lang napagtantong ito Palang lalaking ito ang tinutukoy nilang Big Boss. 'di narin masama, makikita talaga sa hitsura at kung paano ito hindi nagdadalawang isip na gawin ang isang bagay.
Marahan na lamang akong napahimas sa aking pisngi. fuck that asshole!
"Nakaharap mo na ba si Mr Del Fuego dati?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah, noong sinama ako ni Boss Xevion sa isa sa mga transaction ng Mafia na pinamumunuan ni Mr Del Fuego." Sagot niya. Binanggit ang pangalan ng isa sa mga kinakatakutang tatlong Boss ng Triple-X.
"What do you think about him?"
"Teka lang, ba't ka pa nagtatanong, eh 'di ba nakaharap mo na siya, dapat alam mo na iyon." Kunot-noong aniya dahilan upang walang gana kong titigan. Nais ko lang naman kunin ang kanyang opinyon.
"Ito na! Tch." Bakas sa Mukha ang kanyang pagka-irita. "Tunay na nakakatakot ang Big Boss, bukod sa awrang taglay nito ay maroon rin itong mala-halimaw na lakas. Kahit matanggalan pa ako ng trabaho, ayow ko ng makaharap ang taong 'yon."
"Don't be like that, tao parin naman iyon." Nakangiti kong sabi gamit ang malambing na tono ng boses, ngunit makita pa lang ang ngiti sa aking labi at marinig ang boses ko ay tumatayo na ang mga balahibo niya sa katawan.
BINABASA MO ANG
Mafia Series #1: Obsidian Masquerade
Random🔞🔞🔞 Kakarating pa lang ni Alpha sa pilipinas nang sa kalagitnaan ng kalsada ay tinambangan siya ng pangkat ng mga barakong lalaking nakasakay sa itim na mga motor, pinapalibotan ang taxi kung saan siya nakasakay. kinuha siya ng mga ito at dinala...