Chapter 7

3.8K 128 2
                                    

JADE

Di mawala sa labi ko yun mga ngiti na si Althea ang dahilan. Para tuloy akong ewan.

Lumabas na ako ng kwarto at agad dumiretso sa Dinning. Ako na naman ang huli. Anyways di naman ako affected dahil okay na kami ni Althea ko. Ang cute nun tawagan namin Lablab.

"Lil sis ang ngiti" makahulugang sabi ni Kuya Paul.

"Dada si kuya ooh" sumbong ko.

"Paul, mamaya na yang asaran na yan. Ou nga pala Jade,napansin ko lang,sino yun lagi mong kausap sa phone?" Tanong ni Dada habang kumakain.

"Si Althea po, new friend ko po" masaya kong sagot.

"Ang saya mo ata ngayon?" Si mama naman.

"Paano po kas-- Araaay" kala mong baklita ka ha.

"Okay ka lang kuya Paul?" Sarcastic kong tanong.

"O-oo lil sis okay lang ako. Para lang ako sinipa ng kabayo" naluluhang sabi ni Kuya Paul.sinipa ko kase yung binti niya.

"Inlove ka ba Jade?" Tanong ni Kuya Gabby.

"Baka nga inlove" inis kong sagot.

"Hmmm Jade okay lang naman mainlove ka basta alam mo ang limitasyon mo at ipapakilala mo samin" seryosong sabi ni Dada. Parang gusto kong tumalon sa tuwa sa sinabe ni Dada. Pero dada matanggap mo kaya kung babae ang kinababaliwan ko ngayon?

"Lil Sis, tulaley again, wag mo isipin yun. Mahal ka nun" pabulong na sabi ni Kuya Paul.

"May chikas ako sayo mamaya kaya tumahimik ka jan" pabulong na sagot ko sakaniya.

"Push mo yan lil sis" malanding sabi ni Kuya Paul.

"Ou nga pala tumawag sakin kanina ang Tito Alex niyo. After lunch tayo alis papuntang Calaguas Island. So icharge niyo na ang mga power banks niyo at lahat ng gadgets niyo dahil walang kuryente dun" si Dada.

"Yes Dada" sagot naman namin.

"Dada, may signal po ba dun?" Tanong ni Kuya Paul.

"Wala,simpleng pamumuhay" answered dada.

Medyo exciting kaso mamimiss ko si Althea. Kaya medyo malungkot din. Pagkapasok ko sa kwarto ay agad ko chinarge yun iPad ko, yun DSLR ko at yun power Bank ko. For 2days. Sana kayanin ko.

!knock ! Knock!

"Sino yan?" Tanong ko.

"Lil Sis?" Si kuya Paul pala. Agad ko pinagbuksan ng pinto.

"Ang bilis mo talaga pag may chika ako" asar kong sabi.

"Ganun talaga, chika na" malandi talaga tong baklang to, babalian ko na ng buto to eh

"Nagka-aminan na kami" ako.

"Yun lang pa- what? Talaga lil sis? OMG Im so happy for you. Tapos ano nangyare?" Masayang tanong ni Kuya.

"Ayun the feeling is mutual pala" masayang sabi ko.

"Kaya pala ganun yun ngiti mo pagdating sa dinning area"

"Yeah, grabe kuya, first time ko to" ako.

"Lil Sis, take it simple, wag masyadong pressured" may gesture pa na ginagawa si Kuya habang nag-explain.

!Kriiiiiiiiing ! Kriiiiiing !

Althea Calling ...

"sagutin mo na yan, matutulog na ako, see ya tomorrow" paalam ni Kuya, saka lumabas ng kwarto ko.

"Hello Lablab"
(Hello, busy ka ba? Tagal mo sagutin yun call eh)
"Andito kasi si Kuya Paul kanina, alam na niy kase"
(Yun about satin? Ano sabi niya? Di ba nagalit?)
"Nope, he's very happy for me"
(Talaga? Napaka supportive nang Kuya mo ha)
"Sa 3 naming magkakapatid siya yun pinaka close ko, yun panganay kasi namin nag-asawa na"
(Oooh I See)
"Lablab, habang nasa Island ako, magbehave ka ha"
(Opo, lablab ko)
"Baka pagbalik ko may bago ka na namang kafling?"
(Luh, hindi po lablab ko. Ikaw lang po)
"Good, gusto ko yun malinaw na usapan"
(Wag ka mag-alala sakin Lablab ko)
"Lablab, medyo antok na po ko, sleep na tayo"
(Ooh sige po Lablab ko, naka-ayos na ba mga damit mo papuntang island?)
"Opo naka-ayos na"
(I love you Lablab ko)
"I love you more Lablab ko"
(Good Night, dream of us)
"Sure Lablab ko,good night sweet dreams"

*tooooot* toooooot*

Yun sana ganito lagi? Haaaay parang ayoko tuloy sumama sa Calaguas. Pero once a year lang to at once in a blue moon lang to dahil puro negosyo at aral na naman ang aasikusuhin pagbalik ng Cavite.

Althea Guevarra, what have you done to me? Why Im so deeply inlove with you? Like I wanted to talk with you every second. I've always wanted to hear your sweet voice, specially your laughs that made my heart fell for you.

May girlfriend siya.

Fuck off you conscience. Alam ko yun. Kaya nga dapat kayanin ko to. Dahil di magiging madali sakin to.

Kahit alam mong mali? Alam mong mapapasama kayo? Tuloy pa din?

Oo dahil mahal ko siya, mahal niya ako. At nako pwede ba wag kang nega, makakaya namin to. Hahamakin ang lahat maisalba lang tong pagmamahalan na to.

Pag-ibig nga naman. Kahit alam ng mapapasama. Tuloy pa din.

Gusto ko naman maging masaya, nakakapagod na magsakripisyo. Simula nung bata pa ako lagi ko na lang piniplease sila dada, lahat ng kasiyahan ko isinet-aside ko para sa kasiyahan nila dada.

Flashback

"Jade anak?" Narinig kong tawag ni Dada.

"Bakit po Dada?" Tanong ko kay Dada, na kasalukuyang kami ay nasa opisina niya dito sa bahay.

"Jade I want you to meet David, David this is Jade my youngest daughter" masayang sabi ni Dada. Hindi siya ang gusto ko. Unang kita ko pa lang sakaniya mukha na siya paranoid.

"Hi Jade" masayang sabi nung David tapos nilahad niya yung kamay niya para makipag-shakehands.

"H-hello" nagresponse na lang ako sakaniya.

"You too , I want you to become friends and become lovers then become Husband and wife" seryosong sabi ni Dada.

"But dada, kilala niyo yun gusto ko diba?" Naluluha kong sabi.

"The Decision is final, its for your own good Jade" seryoso pa din si Dada.

"Okay" malungkot kong sabi ...

End of Flashback

That was 4 years ago, bata pa ako ang gusto ko nun si Demnver, pero ayaw ni Dada dahil walang dugo ng Chinese, ngayon may girlfriend na si Demnver nasa Harvard na sila nag-aaral, kasama yun girlfriend niya.

It's my time para ipaglaban yun nararamdaman ko kay Althea

=============================

A/N :: HELLOOOO SABI SAINYO EH WITHIN THIS DAY AKO MAG UD EH ... PASENSYA NA PO KUNG GABING-GABI NA ... MAY LOVELIFE NA INAASIKASO NA INAAYOS DIN PO KASE :)

YUN NEXT CHAPTER POV NAMAN PO NI ALTHEA

P.S DONT FORGET TO VOTE / COMMENT

Till It's TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon