JADE
Pasukan na. Tinatamad ako bumangon. Paano ba naman kase, first day for sure maaga magpapauwi,dahil magpapakilala pa lang.
!knock! Knock!
"Sino yan?" Tanong ko habang nakadapa sa kama
"Ma'am ready na po yung breakfast" say nung isa naming kasambahay.
Chineck ko yun phone ko kahit pikit pa ng konte. Nakakdismaya naman, wala man lang good morning greetings. Gusto ko ibato yun phone ko. Kaso di na lang, baka pagalitan ako ni Dada.
Tumayo na ko agad sa pagkakahiga ko. At agad dumiretso sa C.r.
Two days nang di kami nagkakausap nang maayos, di tulad dati na umaabot kami ng 4hrs sa pag-uusap ngayon wala na. Di na din siya tulad nung dati.
Pagbukas ko ng shower, sabay na bumuhos yun iyak ko. Sobra na ako nasasaktan.
Baliw, inend na nga niya yun sainyo diba? Antayin mo yun panliligaw na gagawin niya.
Ou nga pala, wala nga pala kami ngayon. E bakit kase ganun? Nag i heart you siya sakin nun last time na magka-usap kami sa phone. Bakit ganun? Hopia on mode na naman ba? Naiinis na ako promise.
Di ko alam. Try mo tanungin si Althea ng di ka nanghuhula.
Ayoko. Takot ako sa magiging sagot niya. Titiisin ko na lang lahat.
Wag Tanga!!
Di ko na pinansin yun sinasabe ng konsensya ko. Nagmadali na ako mahirap malate sa first day ng school. Agad ko naman chineck yun phone ko pagkatapos ko maligo.
1 unread sms
From :: Althea
Jade, Im sorry... Yun break up namin ni Wila di talaga yun totally break up. Parang binigyan ko lang siya ng space. Nagkabalikan na uli kami. Sorry Jade. Di ko agad nasabi sayo.
After reading the message, I feel like Im stun where Im standing. Parang ginagrind yung puso ko. Ang sakit-sakit. Di ko namalayan umiiyak na ako. Parang ayoko pumasok sa school. Magkukulong na lang ako sa kwarto ko.
Nagbihis na ako ng uniform kaso wala talaga ako sa wisyo pumasok.!knock! Knock!
"Anaak, papasok ka ba?" Narinig kong tanong ni Mama.
"Hi-opo papasok po ako" sagot ko. Haaay oo na papasok na lang ako. Wala naman mangyayare kung magkukulong ako sa kwarto.
Inayos ko mukha ko para di magmukhang umiyak. Kaso magang maga mata ko. Hayaan na nga. Ready ako ipatapon sa mainland pag nagkataon.
Lumabas na ako at nagbreakfast, pero wala akong gana kumain. Tahimik lang ako sa kainan. Ramdam ko yun mga mata nilang nakatitig sakin.
"Lil sis okay ka lang?" Narinig kong tanong ni Kuya Paul. Tiningnan ko lang siya, agad ko din naman binalik yun tingin ko sa pinggan ko na ang tanging laman ay isang bacon at tinapay.
"Jade, kumain ka! Mag-usap tayo mamaya pag dating mo" narinig kong sabi ni Dada.
"Kung ipapatapon niyo po ko sa mainland, okay lang po sakin" say ko kay Dada habang nakatingin sa mga mata niya. Nakita ko ang pagkabigla niya.
"Bakit mo naman yan nasabe?" Tanong ni Mama.
"Long story ma" tipid kong sagot.
Pinilit ko na lang ubusin yun nasa pinggan ko.
"Ma,Dada alis na po ako" then nag kiss ako sa forehead nila.
"Lil Sis hatid na kita, paalis na din ako eh" si Kuya Paul.
Nag nod na lang ako. Okay to feeling ko kase wala din ako sa wisyo mag drive.
Pagkasakay ko sa sasakyan ni Kuya Paul,unti-unti namang tumulo yun luha ko.
"Lil Sis, okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala, tapos ngayong umiiyak ka na, nag-away ba kayo ni Althea?" Nag-aalalang tanong ni Kuya Paul.
"Hindi kuya, wala na. Wala ng Althea. Mas pinili na niya si Wila" garalgal yun pagkakasabe ko.
"Ssssh, tahan na, may mas deserving pa para sayo, wag ka na umiyak jan. Ito tissue ooh" abot ni Kuya.
"Salamat kuya. Paano kaya kung wala akong kuya na kagaya mo siguro di ko agad makakaya yun mga pain" pinilit kong ngumiti kay Kuya.
"Lil Sis, yun natural na ngiti dapat, di yun plastic di bagay sayo" sarcastic na sabi ni Kuya Paul.
"Gora na Kuya, malelate ako sa first subject ko" pinilit ko na lang maging masaya. Kahit mahirap go lang.
Ngayong araw na to. Uumpisahan ko ng sanayin na wala ng Althea sa buhay ko. Walang Althea na dumatin at dadating.
Paano pag hinabol ka?
Yun ay kung hinabol ako.pwede pa din naman bumalik si Althea. Pwedeng pwede dahil siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Si Althea lang ang taong nagpapasaya lage sakin.
"Lil Sis, tulala ka na naman" nag-aalala na si Kuya sakin.
"Kuya, wag ka mag-aalala sakin. Kaya ko sarili ko" -ako.
Tahimik lamg kami sa byahe. Mas okay na din to. Nag soundtrip na lang ako. Gusto ko marelax.
*******
ALTHEA"Batchi, ang sakit!" Say ko kay Batchi habang nakayakap sakaniya. Andito ko sa bahaynniya. Alam kong bubungangaan ako ng mga tao sa bahay eh.
"Ikaw kase sinabihan na kita noon pa. Di ka nakinig. Ngayon ayan nasasaktam ka" inia na sabi ni Batchi.
"Eh kase naman, nakaka konsensya tong si Wila. Di ko siya kaya iwam mg basta-basta dahil sa sitwasyon niya" naluluha kong sabi.
"Althea, iba ang mahal sa awa. Kung naawa ka na lang kay Wila. Aba mag-isip ka. Isa pa wila sa sasaktan mo, sabihin niyan kaya mo siya binalikan or kaya mo inayos yung sainyo dahil sa awa, magpakatotoo ka Althea" si Batchi.
"Naguguluhan ako" saka ako kumalas sa pagkakayakap ko sakaniya.
"Iisa lang kase ang puso natin Althea. Di ka pwede mamangka ng sabay sa dalawang ilog." Seryosong sabi ni Batchi.
"Ou na sige. Mag-iisip muna ako, uwi muna ako. Salat sa pagdamay" nakangiti kong sabi.
"Ou na ge. Ayusin mo ha. Pero kung ako sayo kay Jade na lang" sabay bato sakin ng unan e kaso naka ilag ako.
Ano ka ngayon? Ilang araw ka na di mapalagay. Sabi sayo eh.
Isa pa tong konsensya na to. Sinermonan na ako ni Batchi. Ilang araw na din ang lumilipas simula nung tinext ko si Jade. Ngayon ko naramdaman yun halaga niya. Miss na miss ko na si Jade. Miss ko na yun lahat sakaniya.
Pag-isipan mong maigi. Minahal ka ni Jade ng buong buo. Pero nagawa mo pa din siyang saktan. Is it Wila or Jade?
Isip.isip.isip.isip.
Jade Tanchingko. Gotcha!
Jade oo ikaw nga.. Ikaw yun totoong mahal ko.
Let's have a formal plan.
"Hoy ate Thea, para kang timang na nakangiti jan mag-isa!" Nandito na pala ko sa tapat ng bahay namin. Lumilipad kase isip ko habang naglalakad eh.
=============================
A/N :: SORRY PO LATE UD :( MEDYO NABUSY LANG PO :(
MALAPIT NA PO ANG ENDING, SIGURO 5 CHAPTERS TO GO ...
DON'T WORRY MAY NAKA LINE UP NA PO AKONG STORY PARA SA DALAWANG TO. AS IN SI GLAIZA AT RHIAN NA PO ANG GAGAMITIN KONG CHARACTERS
P.S DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT.
BINABASA MO ANG
Till It's Time
Roman d'amourLove will conquer everything, sabi nga hahamakin ang lahat para lang sa iniibig. Mahirap dahil puro sakripisyo pero yun ang pag-ibig kailangan mo maging matatag sa mga darating na pagsubok. Disclaimer : This is a work of fiction. Unless otherwise i...