ALTHEA
Halos isang araw ng wala akong Jade na kausap, nakakamiss. Yun huli naming usap eh kahapon pa bago siya umalis papuntang Calaguas Island.
"Waaaaaah ayoko ng ganitoo" sigaw ko sa kwarto ko.
!knock! Knock!
"Hoy ate Althea, si Batchi nasa baba, sigaw ka ng sigaw jan, asikasuhin mo bisita mo" narinig kong sabi ni Kathleen
Ano na naman ginagawa ni Batchi dito. Makikipag-inuman na naman ba? Agad ako bumaba sa sala. Para ientertain tong bwisita ko.
"Dude, kakatapos mo lang noh?" Natatawang sabi ni Batchi.
"Anong kakatapos lang? Ikaw nga Batchi ayusin mo pagiging berde mo" inis kong sabi.
"Anong berde sinasabe mo? Ang sinasabe ko kung kakatapos mo lang maglinis ng kwarto? Dumi ng isip mo, ikaw ang mag-ayos sa pagiging berde" inis na sabi ni Batchi. Bwiset to aa, napahiya ako dun. Yun tawa kase niya nakakaloko.
"Ano makikipag inuman ka na naman?" Tanong ko.
"Baliw, hindi, wala lang ako matambayan, gusto ko pumuntang Runners Kitchen, samahan mo ko, libre kita" masayang sabi nito.
"Ikaw na lang, wala ako sa mood gumala" cold kong sabi.
"Wala sa mood o namimiss mo lang si Jade?" Sabay tawa ng pang-asar.
"Alam mo Batchi kung andito ka para asarin ako, malaya ka ng umalis" cold na sabi ko ule.
"Alam mo, ikaw na nga tong dinadalaw ganyan ka pa, pasalamat ka bestfriend kita, kung hindi kanina pa basag mukha mo sakin" galit na sabi nito.
"Kaya mo? E hanggang balikat nga lang kita eh" bigla tuloy ako natawa..
"Yan dapat ganyan, tara sa third floor may pag-uusapan tayo" feel at home talaga tong Batchi na to sa bahay namin.
"Bahay mo? Nahiya yun may-ari" sarcastic kong sabi.
"Tama si Kuya Batchi ate, dun na kayo sa taas, ingay niyo eh" si Leslie kelan pa to natuto sumagot ng ganun.
Agad naman kami umakyat sa third floor, ay sobra sarap ng hangin.
"Dude, kumusta kayo ni Wila?" Tanong niya.
"Di kami masyado nag-uusap ngayon. Di ko alam kung kami pa ba or what? Dahil bihirang bihira kami mag-usap, ayoko na ng ganito" kwento ko kay Batchi.
"Si Jade? Dont tell me, gagawin mong panakip butas si Jade?" Aba ume english ang lolo mo.
"Saan mo naman natutunan yang 'Dont tell me' na yan?" Natatawa kong tanong sabay batok sakaniya.
"Kay Jade, kausap ko kasi siya minsan, tapos ume english, hep! Wag mo ibahin ang usapan. Ano si Jade?" Balik seryoso na naman.
"Si Jade, siya yun taong nagpapasaya sakin ngayon, siya yun nagpupuno ng pagkukulang ni Wila. Si Jade ang taong mahal na mahal ko ngayon" napapangiti na naman ako.
"Halata nga, yun ngiti mo oh abot langit" asar ni Batchi
"Di ko alam dude, ang lakas ng tama ni Jade sakin, feeling ko nga ang tagal na namin magkakilala eh"
"Alam mo Althea, okay lang naman yun ganyan basta alam mo harapin yun mga magiging problema mo." Napaka seryoso ni Batchi. Nakakainis pero may point siya.
"Mag-uusap kami ni Wila pagbalik niya, at sisiguraduhin kong break na kami after namin mag-usap"
"Dude, praning si Wila, alam natin yan. Paano na lang kung bigla magsuicide yun tao? Alam mo namang mahal na mahal ka nun, at sige nga anong ireason out mo kay Wila sa pakikipagbreak mo?"
"Dude, ako bahala dun, di niya gagawin yun. Alam mo naman pamilya nun,sakaniya naka depende, dahil siya lang ang may matinong trabaho, kaya di yun magsuicide" dahilan ko.
"If you say so" cold nitong sabi.
"Alam mo kanina ka pa ume-english, nakakabaliw ka." Binatukan ko nga uli.
"Alam mo ikaw din kanina ka pa nabatok sakin e kung tadyakan kita jan" sarcastic nitong sabi.
"Sorry na!" Sabay yakap sakaniya.
"Pwede ba, di tayo talo. Nga pala anak pala ng may-ari ng Tanchingko Shoe Factory si Jade eh, bigatin yun nabingwit mo aa"
"Oo... Haaaay kinakabahan ako sa pamilya niya, baka di kami matanggap. Yung tipong tulad nun story ni Glaiza at Rhian" paranoid mode on.
"Alam mo wag kang paranoid, sa palabas lang yon" sarcastic na naman tong si Batchi eh.
"Okay fine, pero yun kapatid niyang Paul ba yun? Bakla daw" kwento ko.
"Oo si Paul Tanchingko, kilala ko yun,alam mo bang pumupunta yun sa mga exclusive party ng LGBT" mahinang sabi ni Batchi.
"Bakit bigla ka bumulong?" Takang tanong ko.
"Lapit ka sakin dali may bubulong ako" sinunod ko naman siya.
"WAAAAAAAAAH"
*paaaak*
"Bwiset ka talaga Batchi, wag kang magpapahuli dahil lagot sakin yang buto-buto mong katawan" galit kong sabi.
Tama bang sigawan ako. Bwiset yun,akala ko kung anu na. Di pa din ako makarinig sa isa kong tenga. Damn you talaga Batchi.
"Akala ko ba hahabulin mo ko?" Tanong ni Batchi.
"Wag na lang pala" sagot ko tapos umupo na siya sa tabi ko. Bigla ko inakbayan. Tapos niwrap ko yun braso ko sa leeg niya sabay sakal.
"A-althea l-loko l-loko ka pag ako namatay, ikaw una kong mumultuhin" kala mo ha, sobra sakit kaya ng tenga ko sa pagkakasigaw. Pinakawalan ko na baka matuluyan.
"Bruha ka talaga, lintik lang ang walang ganti" inis na sabi nito. Kinindatan ko na lang siya.
"Kadiri ka Althea di tayo talo,kita mong parehas babae gusto natin gaganyanin mo ko" nakakatawa talaga tong si Batchi.
"Babae naman ako aa" seductive voice mode is on. Hahaha
"Lesbian ka, di ka babae" inis nitong sabi.
"Alam mo Batchi, sobrang saya ko nun makilala ko si Jade, yung tipong nakumpeto ako bigla" errrr this slow motion smile tama na please.
"Alam mo Althea, inlove ka talaga noh? Yun tipong ang layo-layo na natin sa pinag-uusapan, binalik mo na naman yan" natatawang sabi ni Batchi.
"Try mo kase magseryoso ng malaman mo" naiiling na lang ako kay Batchi. Pogi kase eh. Kaya habulin ng babae, kaya lahat ng babae ayan pinaglalaruan niya.
"Masisisi mo ba ako? Eh yun sineryoso kong babae, pinagpalit din naman ako. Tanggap ko sana kung sa lalake ako pinagpalit eh. Eh ang kaso sa butch din eh" maluha luhang sabi ni Batchi.
"Ganyan talaga dude, yaan mo na makikita mo din yun para sayo"
==============================
A/N :: YEY DUMADAMI READS AND VOTES :) SALAMAT PO SA PAG SUPPORTA NG STORY KONG TO.
P.S DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT :)
BINABASA MO ANG
Till It's Time
RomanceLove will conquer everything, sabi nga hahamakin ang lahat para lang sa iniibig. Mahirap dahil puro sakripisyo pero yun ang pag-ibig kailangan mo maging matatag sa mga darating na pagsubok. Disclaimer : This is a work of fiction. Unless otherwise i...