ALTHEA
Nandito na kami sa bahay nila mama. Ang lamig ng kamay ni Jade. Kabado siguro. Di ko naman siya masisi dahil first time nga pala niya ...
Ano natigilan ka? Di mo alam status mo ngayon sakaniya? Lagot ka ...
Shit! Ou nga! Alangan ipakilala ko siya bilang girlfriend ko, eh alam nila mama na kami pa ni Wila. Bahala na nga.
"Altheaaa!!" Narinig kong tawag ni mama
"Ma, andito na kami" sagot ko.
"Siya na ba Althea?" Sabay ngiti ng nakakaloko ni Kuya Angelo.
"Oo kuya, Jade si Kuya Angelo siya yun pinaka panganay saming 5 na magkakapatid" pakilala ko
"Hi Ms. Jade" then kiniss ni Kuya yung kamay ni Jade. Lokong lalaki to. Pero kay Wila di siya nag ganyan.
"Kuya, wag mo na taluhin ha? Akin na yan eh" sarcastic kong sabi. Natawa lang ng mahina si Jade.
Maya-maya pa ay dumating na sa sala si mama.
"Ma, si Jade po, special friend ko po" naramdaman kong bumitaw si Jade sa kamay ko, pero pinigilan ko yun. I'm sorry Jade. Di pa tayo official nasasaktan agad kita.
"Hi Jade, I like you for my daughter" nakangiting sabi ni Mama.
"T-thanks po, pero we're just FRIENDS lang po" talagang inempahsize niya yung salitang friends
"Anyways ano pala buo mang pangalan, medyo may kamukha ka kasi eh" si Mama.
"Jade Tanchingko po ma'am" magalang na sabi ni Jade.
"Jade Tanchingko? Kmag-anak mo ba yung mga Tanchingko na may malalaking business dito sa Pilipinas?" Tanong ni Mama.
"O-opo ma'am" nahihiyang sabi ni Jade, nakakatuwa nman parang ayaw niya malaman kung saan galing siya na pamilya.
"Wag mo ko tawaging ma'am, mama na lang, alam mo bang bagay kayo ng anak ko?" Masayang sabi ni Mama.
Hala ka sige nakalimutan na ata nila ako na andito pa ako. Pero okay lang, atleast close na sila.
"Ma, punta muna ako kela Angeline" paalam ko.
"Wag ka na umalis, paalis na din tong si Jade ooh" si Mama.
"Aa ganun ba? S-sige" nagiguilty ako sa ginawa ko.
"Mag-usap tayo mamaya" bulong ni Mama sakin.
"Sige po m-mama, alis na po ko. Thanks po sa warm welcome" masayang sabi ni Lablab ko.
"I bet Jade than Wila, she's formal than Wila" masayang sabi ni Mama.
Lumabas na kami ng bahay, kinuha ko yun kamay ni Lablab ko pero bumitaw siya. Di niya ako iniimik. Hawak ng kanan niya yun phone niya, dinadial siguro yun number ni Kuya Paul.
Napabuntong hininga na lang ako. Shit kase Althea di ka nag-iisip eh.
"Nasa Landmark na uli si Kuya Paul" cold na sabi ni Jade.
"Lablab, Im sorry kanina. Im really sorry" pagmamaka-awa ko.
"I understand Althea, you dont have to apologize, its my fault, I know that you have a girlfriend but I still choose to fall inlove with you" basag na boses ni Jade, alam ko paiyak na siya.
"Jade please, tomorrow magkikita kami ni Wila, sisiguraduhin ko bukas na break na kami" binigyan ko siya ng assurance dahil sa totoo lang nasasakal na ako kay Wila.
"nag-aantay na si Kuya Paul, siguro pwede mo na ako ihatid?" Cold na sabi ni Jade.
Wala ako nagawa kundi ihatid siya. Habang naglalakad kami, alam kong sinusubukan niya maging okay.
"Lablab, alam ml sobra saya ko ngayon" narinig kong sabi ni Jade.
"T-talaga Lablab?" Sagot ko naman.
"Oo lablab, kase kasama ko yun taong mahal na mahal ko" nakakataba ng puso yun sinasabe niya. Pero di nawawala sa isip ko yun guilt. She don't deserve this.
Inakbayan ko siya then niwrap niya yun kamay niya sa waist ko.
"Ang sweet talaga ng Lablab ko" masayang sabi ko.
"Tuwa ka naman? Malapit na tayo, natatanaw ko na yun main road" si Jade.
Ilang sandali pa ay narating na namin yun main road. Ayoko pa bitawan yun kamay ng Lablab ko.
"Ang sweet ha" narinig namin na sabi ni Kuya Paul.
"Inggit ka naman kuya" pang-asar ni Jade kay Kuya Paul.
"Ooh siya tara na Lil Sis. Next time na yun iba niyong moments" then sumakay na si Kuya Paul sa sasakyan.
"Lablab, hanggang dito muna, good luck bukas ha? Aasahan ko yan" maluha-luhang sabi ni Jade.
"Opo, ingat kayo sa pag-uwi" then I gave her a quick kiss sa lips.
"I'll call you when I got home. I heart you Lablab" si Jade habang pasakay siya ng sasakyan.
"I heart you Lablab" sagot ko naman.
Then umalis na sila. Saka ako naglakad pauwi ng di ko na matanaw yun sasakyan nila Jade. Kabitin yun araw na to. Tas may nangyare pang coldness. Epic lang eh.
JADE
"Lil Sis may problem ba? Bakit di maipinta yang mukha mo?" Tanong ni kuya Paul.
"Wala to kuya" sagot ko.
"Hmmm, saakin ka pa nag lihim e alam ko na yang ganyan mo, go spill it" may magagawa pa ba ako? Kuya Paul pa yan eh.
"May girlfriend si Althea Kuya, nasasaktan ako pag naiisip ko na feeling ko na saling pusa lang ako kay Althea" di ko na napigilan sarili ko, naiyak na ako.
"Sige sis, iiyak mo lang yan" say ni Kuya Paul habang hinahagod yun likod ko.
"Kuya, mali ba yun taong minahal ko?" Tanong ko.
"No, she's the right person for you, yun nga lang wala sa tamang oras, dahil may girlfriend pa siyang kailangan ibreak" explain ni Kuya.
"Nakakatuwa yun pamilya nila, akala mo magkakasing edad lang sila. Si mama Riza, parang di nalalayo sa edad ni Althea" iniba ko na yun atmosphere, kailangan ko harapin yun pain.
"Talaga? Kwento ka pa dalee" masayang sabi ni Kuya Paul.
"Alam mo yun nakakahiga sila sa sala ng walang pakundangan? Grabe nakaka inggit, tas dalawa bahay nila Althea yun isa puro sila magpipinsan.4 sila dun tapos yun isang bahay andun nakatira yung parents and ibang siblings ni Althea" masayang sabi ko.
"Independent na si Althea?" Tanong ni Kuya.
"Siguro nakabukod na siya eh" sagot ko.
Natahimik uli kami sa sasakyn, nag flashback agad ang lahat ng nangyare kanin kasama na yun mga mapapait na memory.
=============================
A/N :: WAAAAAAH ITO NA PO :) HEHEHE SINISIPAG AKO MAG U.D NEXT CHAPTERS MEDYO MALUHA-LUHA PO SA READY NIYO LANG TISSUE ...
P.S SALAMAT SA MGA NAG-AADD SA KANILANG READING LIST NG KWENGO KO PO :) YOU ARE VERY MUCH APPRECIATED. SA MGA VOTES AND COMMENTS WHICH INSPIRES ME MO MOST :) TULOY TULOY PO NATIN SUPPORTAHAN ANG TRMD PARA MAEXTEND
P.P.S. VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
Till It's Time
RomanceLove will conquer everything, sabi nga hahamakin ang lahat para lang sa iniibig. Mahirap dahil puro sakripisyo pero yun ang pag-ibig kailangan mo maging matatag sa mga darating na pagsubok. Disclaimer : This is a work of fiction. Unless otherwise i...