JADE
This is it Pancit. Kusa na lang nagising yung katawang lupa ko. At agad ko chineck yung cellphone ko. Siguro dahil sa excitement dahil adventure to.
1 Unread Sms
Time :: 1:30am
From :: AltheaHi Lablab ko :* Sleep well, i think my insomia ia active tonight. Im having a hard time to sleep. I love you Lablab.
Aweeee ang sweet ng Lablab ko. Sana tuwing umaga ganito siya lage. Or sana araw-araw ganito kami kasweet.
To : Althea
Good Morning Lablab ko. Bumawi ka na lang ng tulog mo today ha? I'm going to take my breakfast first. I love you Lablab ko.Lumabas na ako agad ng kwarto ko, mahirap na mahuli. Paglabas ko agad ko nakita si Yaya.
"Good Morning Yaya" masayang bati ko.
"Aba ang ganda ata ng gising ng alaga ko" takang sabi ni Yaya.
"Lagi naman maganda gising ko po eh. Wala pa sila?" Tanong ko.
"Wala pa,mga tulog pa ata, o siya maiwan muna kita jan at yun almusal niyo iaayos ko na" paalam ni Yaya.
Nagpunta muna ako ng terrace, ang lamig ng hangin, siguro kung pinayagan ko si Althea sumunod dito baka punong puno na ng langgam yung bahay namin.
"Insaaaaan!" Narinig kong tawag sakin ni Ralph, siya lang natawag sakin niyan eh
"Oy Ralph, sasama ka ba mamaya?" Pasigaw kong tanong.
"Oo naman yes, mahirap maiwan dito sa Bahay nuh" sagot naman niya habang pinapakaen niya yun mga siberian husky niya.
Sila ang namamahala sa minning dito sa Bicol, at ewan ko ba dito kay Ralph ayaw tumira sa Manila, samantalang andun yun buhay na pwede sakaniya.
"Ma'am Jade, kakain na po" aya ng isang kasambahay namin.
Agad naman ako nagtungo sa dinning. Di ko maiwasan na di mangiti dahil sa kilig na binibigay sakin ni Althea.
"Jade, ang ganda ng ngiti mo" si ate pearl.
"Nako inlove kase yang si Lil Sis" si Kuya Paul. Pinanlisikan ko nga ng mata, babalian ko na talaga mg buto itong baklitang to eh.
"Jade, kanino naman? Kay David na ba?" Tanong ni Dada.
"Dada,let's not talk about David, it makes me irritable" cold kong sabi.
"So who is the reason behind that sweet smiles?" Si Mama naman.
"Is it necessary to answer those question? Mama, im just happy because we already gave ourselves a break from a stressful life of business and studies" sagot ko habang kumukuha ako ng veggie salad.
"If you say so" tipid na sagot ni Dada.
Hay salamat, di ko pa kase alan kung ano magiging reaksyon nila pag nalaman nila na katulad ako ni Paul. Specially dada, he has my words, na di ko siya bibigyan ng sama ng loob. Napabuntong hininga na lang ako.
"May problema ba Lil Sis?" Mahinang sabi ni Kuya Paul.
"Later" i mouthed.
Nag nod lang siya bilang pagsagot.
Nang matapos yung breakfast as usual kanya-kanyang libangan na. Ako ito pupunta na muna ako sa mga bahay ng iba ko pang pinsan. Halos mga kapitbahay lang kase, ang kaso mga busy sa business.. Tanchingko yan eh.
"Lil Sis, saan ka punta? Sama ako, di ako tinetext ni fafa Pi eh" malungkot na sabi nito. Yun yung crush niya na may gusto sakin.
"Jan sa bahay ng mga pinsan natin. 2 days na tayo dito, di ko pa sila nakikita ule" paliwanag ko
"Sige-sige masaya to" masayang sabi ni Kuya Paul.
Habang naglalakad kami papunta sa bahay nila Steff mga limang bahay ang agwat mula sa rest house namin. Napansin ko na umiiyak si Kuya Paul.
"Kuya, umiiyak ka?" Tanong ko.
"Ay hinde tumatawa, tears of joy yan eh" sarcastic nitong sabi.
"Babalian kita ng buto umayos ka" takot na yan dahil nag-aral ako ng martial arts.
"Eh kase naman simula nung nagpunta tayo dito di na nagtetext si fafa Pi, miss ko na siya, di nasagot ng tawag, tapos siniseen lang lahat ng message ko sa facebook" naluluha nitong kwento.
"Tigilan mo na kase yang si Polo, si Andrew na lang, yun anak nun isa nating investor, may lihim na pagtingin sayo yun eh" natatawa kong sabi.
"Ayoko dun, mayabang yun eh" inis na sabi ni Kuya Paul.
"Mamaya ka na drumama, andito na tayo sa tapat ng bahay nila Steff" ako.
Dingdong ! Dingdong!
"Sandali" narinig naming boses sa kabila.
At ilang sandali pa ay nagbukas na yung gate at iniluwa nito si ... Steff? Bakit itsurang lalake? Bakit mas pogi siya kesa kay Kuya Paul?
"S-steff?" Tanong ko.
"Oo ako na to,tara pasok. Nako pasensya na di ako makapunta sa rest house niyo nun dumating kayo, andito din kase si girlfriend eh" natatawa niyang sabi.
"So you mean, you're a ..." Natigil ako sandali. Di pa makasink sa utak ko lahat eh.
"Yes Im a Lesbian" nakangiti niyang sabi.
Puro kwentuhan na walang humpay ang inabot namin dun nila Kuya Paul at Steff tungkol nun mga bata pa kami.
"Di ka ba sasama Steff sa Island?" Tanong ko.
"Sawang sawa na ako sa island pero dahil andito yun pinakapaborito kong pinsan, sasama ako, sama ko din girlfriend ko para makilala niyo" mayabang na sabi ni Steff.
"Paano naging kayo? Daya mo di mo kinukwento ha" sabay palo ko sa braso niya
"Aray ko! Paul, pagsabihan mo nga tong kapatid mo,ang brutal eh" inis na sabi ni Steff.
"Here's your snack" narinig naming sabi nun isang hot chix na nasa harap namin na naglapag ng pagkain.
"Hi Mahal, sila Paul at Jade ng pala pinsan ko, and cous si Zyrine girlfriend ko" pakilala ni Steff.
"Hi Zyrine... Hmmm steff may taste ka ha" malanding sabi ni Kuya Paul.
"Okay lang kela Tito Jasper?" Tanong ko.
"Anong okay? Marami kami nilagpasang pagsubok bago kami maging maayos nuh" then umupo si Zyrine sa lap ni Steff. Ang cute nilang tingnan.
"Ayieeee si Lil sis naiinggit, yaan mo magkikita din kayo nun" pang-asar talaga to si Kuya Paul..
"May jowaers ka na din Jade?" Oo ba ako o hinde?
=============================
A/N :: YUNG FEELING NA HINDI NA AKO IIYAK TUWINg SINUSULAT YUN MGA CHAPTER NG KWENTONG TO. SORRY READERS MASAYA LANG AKO .
P.S DONT FORGET TO VOTE OR COMMENT
#LETSGOREBELSSSS
BINABASA MO ANG
Till It's Time
RomanceLove will conquer everything, sabi nga hahamakin ang lahat para lang sa iniibig. Mahirap dahil puro sakripisyo pero yun ang pag-ibig kailangan mo maging matatag sa mga darating na pagsubok. Disclaimer : This is a work of fiction. Unless otherwise i...