Chapter 2

6.9K 203 19
                                    

JADE

"Hui Jade!" Storbo naman tong si Kuya Paul. Kita ng tulog pa yun tao eh. Di ko pinansin, bahala siya jan.

"Anak gising na" si Dada naman.

"Inaantok pa ko Dada, mamaya niyo na ako gisingin" sagot ko.

"AY PALAKAAA!" Muntik na ako malaglag sa pagkaka-upo ko, tama bang buksan yun pinto dito sa side ko.

"Hahaha na-na- Adhrueywjvgshubsn ..." Ano daw? Di ko naintindihan yun sinabe ni Kuya Paul. Puro tawa kase ang ginagawa.

"Ewan sainyo!" At ngayon lang nag sink sa isip ko na nasa Bicol na pala kami. Weeeeh namiss ko tong province ni Dada.

"Ooh ano nahimasmasan ka na?" Tanong ni Kuya Gabby.

"Tse! Magsama nga kayo ni Kuya Paul. Lagi niyo na lang ako inaasar" inis kong sabi.

"Tama na nga yan Hon, hayaan mo na si Jade" si ate Pearl. Maganda siya pero parang ang layo ng loob niya sakin. Well I don't care. Basta maayos pakikitungo ko sakaniya.

"Kumusta Oscar?" That familiar voice. It looks like Tito Alvin. Papunta na sana ako sa rest house namin, but I have to give respect kay tito kahit super pagod ako.

"Hi tito Alvin" then nag mano ako sakaniya.

"Ito na ba si Jade?" Masayang tanong ni Tito Alvin.

"Oo ayan na yung bunso ko" masayang sabi naman ni Dada.

"Ooh siya magkita na lang tayo mamayang lunch, magpahinga muna kayo" at umalis na din agad si Tito Alvin. Ako naman nagpunta na agad sa kwarto ko. Agad ko binuksan yun bintana dito para naman fresh air agad di tulad sa Cavite mala Manila na din yun hangin.

!Kriiiiiiiiing ! Kriiiiiiing !

David Calling ...

"Hello"
(Hi Princess ko)
"David pwede ba? Tigilan mo nga kakatawag ng ganyan sakin"
(Bakit? Masama ba ? Eh princess naman talaga kita eh)
"Psh, ano problema mo at napatawag ka?"
(Wala kinukumusta ka lang,masama ba?)
"Hinde, mamaya na tayo mag-usap medyo pagod ako"
(Okay sige, pahinga ka na muna jan, i love you princess)
"Daviiiiiiiiiiid!"
(Oooh sorry na)
"Ewan sayo!"

*toooooot*tooooooot*

Patayan ko nga. Nakaka-inis talaga tong si David. Alam ko may gusto siya sakin. Pero siya di ko magustuhan. Siguro dahil nasanay lang ako na parang kapatid lang ang turing ko sakaniya.

Makapag-open na nga lang uli ng facebook. Nakahiga lang ako dito sa bed ko habang soundtrip. Sa ganitong way narerelax na agad isip ko. Dami agad notification, for sure puro galing to sa Rastro Rebels.

Althea Guevarra and 5 others posted in Rastro Rebels.

Masyadong active tong si Althea Guevarra ha.

Tinignan ko agad yun mga post nila.

Althea Guevarra

[Insert photo here]
Ikaw na nga ginagalang ayaw mo pa!

45Likes 56Comments

Makigulo nga din.

Jade Tanchingko :: Grabe naman si ate, choosy pa? Siya na nga tong ginagalang, siya pa galit.

Mga ilang sandali pa ay marami na nag comment. Nakakatuwa, talaga pa lang gingawang chatbox nila yun isang post.

Khriselle Reyes :: hahaha ou nga choosy pa.
Enzy Villanueva :: kung mababasa niyo kase yung mga nauna naming convo maiintindihan niyo yun side ko.
Althea Guevarra :: manahimik ka jan Enzy ha.
Jade Tanchingko :: Ayieee may nabubuong ...
Batchi :: hi Jade :)
Jade Tanchingko :: Hi Batchi :)
Althea Guevarra :: Batchi, ano na naman yan? Galawan mo ha?

Nakakatuwa sila kausap. Grabe di ako mapigil kakasagot sa mga usapan nila or should I say usapan namin.

!Knock ! Knock!

"Jade, kakaen na ng tanghalian" si yaya.

"Opo yaya, sunod na lang po ako", sagot ko naman. This conversation is inevitable. Lalo na yun asaran namin nila Althea,Khriselle,Enzy and Batchi.

Sakit na ng tiyan ko kakatawa. Nagawa pa yun bagyong Enzy. Ang gulo kase kausap. Kung sino-sino yung pinagpapartner.

Batchi :: si Althea natahimik sinabe lang na crush niya si Jade eh.
Khriselle :: lam na this.
Enzy :: hahaha ano ? Sakin niyo pa ipinapartner yang Althea na yan.
Jade Tanchingko :: hui grabe kayo wag niyo awayin si master Althea, lalo ka na Bagyong Enzy.
Batchi :: ayieee pinagtatanggol.
Jade Tanchingko :: bahala kayo. Haha out muna ako. Happy Lunch.

Haaaay grabe, ang tindi ng mga to. Walang patawad. Mga di ata nagtatanghalian tong mga to eh.

Lumabas na ako ng kwarto at agad dumiretso sa dinning. At ayun kumakain na sila.

" Oh Jade,akala namin wala ka balak kumain eh" cold na sabi ni Dada.

"Sorry po Dada" malungkot kong sabi.

"Nako for sure, nakipagchitchat na naman yang si lil sister sa Rastro Rebels" si Kuya Paul.

"Rastro Rebels? Ano yun?" Tanong ni Mama.

"Mother, yun yung fans club nila Glaiza at Rhian dahil dun sa bago nilang palabas. Yung pang mga kalahi ko" malanding sabi ni Kuya Paul. Sipain ko nga yung paa niya at pinandilatan.

"Jade, tigilan mo nga yang panunuod ng Richman's Daughter ba yun? Baka mamaya matulad ka sa mga yon" si Mama.

"Ma, grabe ka naman po, di ako matutulad sakanila. So means pag nanuod ako ng Tom n' Jerry, pusa na din ako o kaya daga? Ang cute kaya ng Chemis--"

"Enough, kumain na tayo at dadalaw pa tayo sa puntod ng Ama at Angkong" si Dada.

Binelatan lang ako ni Kuya Paul. Minsan di ko maintindihan yun ugali ni Kuya Paul. May pagka-isip bata na ewan.

Althea Guevarra. Zup bakit ka nagflash sa isip ko? Naiiling na lang ako.

"Hui Lil Sister, di mauubos yang pagkain mo kung titigan mo lang yan" puna ni Kuya Paul.

"Humanda ka sakin mamaya" bulong ko kay Kuya Paul.

"Paul at Jade, di ba kayo titigil?" Si kuya Gabby na nagsalita.

Nang matapos ako kumain agad ako dumiretso sa kwarto ko, to check kung anu na nangyayare sa mga baliw kong bagong kaibigan.

Flood na flood na yun post ng comments xD

Althea Guevarra

[Insert photo here]
Ikaw na nga ginagalang ayaw mo pa!

234Likes 546Comments

Ganon na ba kami katinde mag-usap. Then clinick ko yung Comments. Wala ng Althea Guevarra na nag-iingay. Hmmm ano nangyare dun. Maicheck nga yung profile nito.

........

So there she is. Oo nga kamukha niya si Glaiza De Castro, specially yun cheek bone nila may similarities. Nakakatuwa naman.

Althea Guevarra
[Insert photo here]

Add Friend +      Message

I-add ko ba? Sige na nga. Friends na din naman kami eh.

==============================

A/N :: HELLOOOOO REBELSSS AYAN SUPER THANKS PO SA MGA NAGBABASA NG STORY KO :) SANA MAGUSTUHAN NIYO PA PO YUNG MGA NEXT CHAPTERS :)

LET'S CONTINUE TO SUPPORT THE TRMD :) PARA MAIEXTEND NILAAAA

#LABLAB
#THERICHMAN'S DAUGHTER .

P.S DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT :)

Till It's TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon