But I can't let you ask me why,
Coz words won't able to define
The happiness I feel when you're aroundJADE
Nandito na ako sa kwarto ko, almost 10pm na din. At medyo antok na ako. Naalala ko yun sweet moments namin ni Althea kanina, di ko inexpect na mangyayare yun ganung bagay, or sadyang pag mahal mo talaga yun isang tao, magagawa mo yun mga di mo kayang gawin.
Ou nga pala sabi ko tatawagan ko siya pag naka-uwi na ako ..
! Kriiiiiiiing ! Kriiiiiing
Althea Calling ...Naunahan pa ako.
(Hello Lablab)
"Hi lablab ko, nakauwe na po ako"
(Buti naman, pahinga ka na)
"Nawala nga pagod ko eh"
(Paano nawala?)
"Marinig ko lang boses mo po eh na nafu-full charge na uli ako"
(Asuuuus bumanat na naman ang Lablab ko)
"Hahaha sorry na. Last ko na yun"
(Hahaha sige na bukas na uli tayo mag-usap para makapahinga ka na)
"Sige po"
(I heart you Lablab ko)
" i heart you more lablab ko"*toooooooot* tooooooot*
Di pa ako inaantok. Makapag facebook na lang muna. Dami post about sa TRMD sa group ng Rastro Rebels nakakatuwa
*messenger*
Althea Guevarra :: lablab matulog na.
Jade Tanchingko :: ikaw din lablab matulog na.
Althea Guevarra :: matutulog ako pag natulog ka na.
Jade Tanchingko :: wait lang mag post lang ako sa group. Tag kita ha?
Althea Guevarra :: hahaha sige po. Oooh siya mauna na ako matulog sayo. Good night lablab ko.
To :: Rastro Rebels
Jade Tanchingko is feeling inlove with Althea Guevarra
Hi Lablab ko, im so happy today, dati sa skype at call lang tayo magka-usap pero ngayon sa personal na. You made my day Lablab ko. Im hoping for the second time around. I heart you Lablab ko.
[Insert Photo Here]
Ready na ko makatulog. Haaaay ang sweey ng picture namin. Sana di na to'matapos.
May girlfriend pa yun tao.
Please, manahimik ka muna jan. Di kailangan ng opinion mo. Magkikita sila bukas, saka nag promise siya sakin na hindi niya ako iiwan.
Promises are meant to be broken.
Di niya gagawin yun. Mahal ako nun eh, at ramdam ko yun pagmamahal niya sakin. Itutulog ko na nga lang to ...
****************
ALTHEAThis is the day tatapusin ko na kung ano meron samin ni Wila. Sigurado na ako sa sarili ko na mas mahal ko si Jade.
"Ate, may lakad ka?" Tanong ni Leslie sakin.
"Oo eh, magkikita kami ni ate Wila mo" nakangiti kong sabi.
"Diba si Ate Jade yung Lablab mo?" Takang tanong ni Leslie.
"Hahaha mahirap pa iexplain kasi bata ka pa, maiintindihan mo din to pag malaki ka na" then tinap ko yun ulo niya.
Nagpaalam na ako kela Kathleen, at agad pumunta sa meeting place namin ni Wila. Sa Starbucks Sucat.
To :: Jade
Lablab, magkikita kami ni Wila ngayon, text kita after neto. I heart you :*Sent.
This is it Pancit! Nandito na ako sa Starbucks at agad ko siya nakita. Di ko maintindihan yun sarili ko. Bakit ganun? Parang ang saya ng pakiramdam ko? Bigla tuloy ako naguluhan.
"Babe!" Narinig kong tawag ni Wila sakin. Agad ako lumapit sakaniya, at sa di ko inaasahang pagkakataon bigla na lang ako napayakap sakaniya ng sobrang higpit. Yun feeling ng miss na miss ko siya.
"I missed you so much babe" out of the blue bigla lang lumabas sa bibig ko.
"I missed you too babe" then binigyan niya ako ng quick kiss sa lips saka kami umupo. At umorder ng pagkain.
Ayan nagulo na. Bakit ganito nararamdan ko? Bakit nawala sa isip ko yun pakikipagbreak.
"Im sorry babe, kung di ako nakakakapagtext or call sayo ng nun mga nakaraan, ang laki kasi ng problema sa bahay eh" naiiyak na sinabe nito. Parang dinudurog yun puso ko sa nakikita ko. Di ko kaya iwan si Wila ng ganito ang kalagayan niya.
Tinuloy-tuloy niya yun kwento, niyakap ko siya at hinayaan ko na lang na umiyak siya ng umiyak. Sa kabila ng pagiging matapang niya, ito siya isang Mahinang Wila pala ang nakatago.
"Ssssh andito na ako Babe, di kita iiwan" malumanay kong sabi.
Paano si Jade? Nagbigay ka ng assurance tapos ganyan.
Shut up! Maiintindihan naman siguro to ni Jade.
"Salamat babe, di ko alam gagawin ko pag nawala ka pa sakin" naiiyak na sabi ni Wila.
"Tahan na Babe, di ako mawawala sayo" then kiniss ko siya sa forehead.
"Tara padiz tayo" aya niya.
"Ayoko"
"Eee babe naman eh. Please? Inom tayo" makakatanggi pa ba ako dito? Ginamit niya yun pag pout niya.
"Okay sige pero di tayo magtatagal ha? Wait c.r lang ako" paalam ko. Pero ang totoo tatawagan ko si Jade.
Pagdating ko sa c.r agad ko dinial yun number ni Jade.
Calling Jade ...
( hello lablab)
"Lablab, usap tayo later"
(S-sige po!)*toooooot* tooooooot*
Pinatay ko na agad. Sana kayanin ko tong mga pain na mararanasan ko.
Agad ako lumabas ng c.r at nagpunta sa table namin ni Wila."Babe, may problema ba?" Tanong niya.
"Wala po" cold kong sabi.
"Kulang lang sa inom yan" pabirong sabi ni Wila.
"Ikaw puro inom ka" natatawa kong sabi.
"Hahaha ganun talaga" proud pa tong babaeng to.
Masyado ka nasisiyahan kay Wila. Si Jade paano? Ginawa mo lang rebound.
Mamaya ko na yun poproblemahin. Mahal ko din si Jade, pero di ko naman kaya iwan si Wila ng hindi siya okay.
So ibig sabihin iiwan mo si Wila pag okay na problema niya? Eh diba mabigat problema niyan?
Ako na bahala dun, manahimik kang Konsensya ka kung ayaw mo prituhin kita.
"Babe, kanina pa ako nag kukwento dito di ka naman ata nakikinig eh" inis na sabi ni Wila, habang nasa Taxi kami papuntang Padiz.
"Sorry, inaantok kasi ako" palusot ko, pero ang totoo nababagabag yun kalooban ko. Si Jade ang magsa-suffer.
"Sige sleep ka muna jan sabihin ko pag nasa Padiz na tayo" pinikit ko na lang yun mata ko. At nag-isip kung ano dapat gawin. Althea ano ba tong pinasok mong problema? Para kang timer tuloy! I hate myself.
==============================
A/N :: HABANG GINAGAWA KO TONG CHAPTER NA TO' MAY MGA NAGPAFLASHBACK SA ISIP KO. KAYA YAN HABANG TINATYPE KO TO. IYAK AKO NG IYAK
SALAMAT SA MGA VOTES AT COMMENTS :)
SANA PO AY PATULOY NIYO ITO SUPORTAHAN ...
P.S VOTE AND COMMENT.
BINABASA MO ANG
Till It's Time
RomanceLove will conquer everything, sabi nga hahamakin ang lahat para lang sa iniibig. Mahirap dahil puro sakripisyo pero yun ang pag-ibig kailangan mo maging matatag sa mga darating na pagsubok. Disclaimer : This is a work of fiction. Unless otherwise i...