JADE
"Lil Sis kanina ka pa jan di mapalagay, nahihilo na ako sayo" inis na sabi ni Kuya Paul. Halos maikot ko na kase tong bahay namin kakalipat ng mauupuan.
"Kuya Paul, magkikita kase sila ni Wila, yun gf ni Althea, paano kung baliktad mangyare?" Naiiyak ako anu ba yan.
"Diba nga binigyan ka niya ng assurance, siguro naman di ka niya bibiguin" sagot naman ni Kuya.
"Kuya, pero iba talaga kutob ko eh" di ko maiwasan mag nail bite. I hate being stressed and nervous
"Alam mo Lil Sis tara sa may swimming pool,magswimming tayo, tawagan mo yun mga kaibigan at papuntahin dito,sabihin mo may pool party" suggest ni Kuya Paul.
"Kuya, kahit ano gawin ko para malibang ako, yun resulta lang nang pag-uusap nila Althea anh kailangan ko" naluluha kong sabi.
Paranoid na kung paranoid. Natatakot ako. Ayoko iwan ako ni Althea.
Kriiiiiing ! Kriiiiiiiing !
Althea Calling ...Ayan tumawag na.
"hello lablab"
(Lablab, usap tayo laterl
"S-sige po!"Agad niya pinatay yun tawag. Iba tono ng pananalita niya. Ito na yun kinakatakot ko.
"Lil Sis, maiwan muna kita jan ha? Matutulog muna ako, antok na antok ako, lakas makapuyat ni fafa Pi eh" nag nod na lang ako kay Kuya Paul.
Feeling ko ako din inaantok anu ba yan. Makatulog nga muna. Baka mamaya maging okay na din naman ako.
Agad ako pumunta sa kwarto at nahiga. Bago ako pumikit, tiningnan ko muna yun mga picture namin ni Althea. Punong puno ng kasweetan. Sana di natapos yun oras na to.
Sinubukan ko pumikit, baka sakali dalawin ng antok.
.
.
..
.
..
WAAAAAAAAAH dalawang oras na akong pikit,walang antok na dumadalaw sakin.Wag mo isipin kase si Althea, remember kasama niya girlfriend niya.
Usong manahimik! Anong oras na ba ?
Time Check : 7:30pm Tuesday
Grabe di gabi na pala... Di kase ako nagbubukas ng bintana dito sa kwarto. Mas madalas aircon gamit ko. Chineck ko yun cellphone ko walang Althea na nagtetext or tumatawag. Kinakabahan na ako sa magiging resulta.
! Knock ! Knock!
"Pasok" ako
"Ma'am Jade hinahanap po kayo ni Sir Paul" tawag nun isa naming kasambahay.
Kung napansin niyo kami lang dito ni Kuya Paul sa bahay. Sila dada kase nasa business tour, kasama si Mama si Kuya Gabby at Ate Pearl. Kami iwan.
Agad ako pumunta sa may terrace, dun naman tambayan ni Kuya Paul. At di nga ako nagkamali, andun yun maganda kong kuya.
"Kuya Paul, hanap mo daw ako" masayang sabi ko.
"Oo, kumusta? May balita na ba?" Tanong ni Kuya.
"Wala pa kuya, kinakabahan na ako" takot kong sabi.
"Learn to face your fears lil sis, kase thru that pwede ka maging strong pa" masayang sabi ni Kuya Paul.
"Ou nga kuya, salamat kuya anjan ka, kahit lagi tayo nag-tatalo" natatawa kong sabi.
"Ikaw lang naman kasi itong mahilig mang-asar" sabay gulo sa buhok ko.
"Mahilig ka naman pumatol" paluin ko nga sa braso.
"It hurts you know" pataray nitong sabi.
"Arte eh.." Tarayan ko nga din.
"Aba!aba marunong na magtaray" sabay kiliti sa tagiliran ko e malakas ang kiliti ko jan.
"K-kuya Hahahaha t-tama na" nang-aasar lang tong si Kuya Paul eh.
"Walaaa talo ka" lakas maka kiliti ni Kuya Paul, ayoko na nga eh.
Sorry siya nag-aral ako ng martial arts, nang makakuha ako ng tiempo hinawakan ko ng madiin yun vital point niya sa may braso.
"Araay naman Lil sis masakit kaya yun!" Inis nitong sabi.
"Sabi ko sayo eh wag mo ko kikilitiin kung ayaw mong masaktan" sabay belat ko sakaniya.
"Ge, wag kang magdadrama sakin pag nabroken ka jan sa Lablab mo" inis nitong sabi.
"Joke lang, pero kuya wag mo na ako kikilitiin ha?" Pagmamaka-awa ko sakaniya.
"Halika na nga kumain na tayo, di na natin napapanuod yung TRMD" aya ni Kuya Paul.
Agad kami nagpuntang dinning, at tahimik kaming kumain. Pero dahil worried ako kahit masarap yun ulam di ko nagawa kumain ng marami.
"Lil Sis wag magdiet" poker face na sabi ni Kuya Paul.
"Wala ako gana kuya, kakaen na lang ako mamaya" cold kong sabi.
Tumayo na ako agad. At nagpunta na ng sala para manuod ng t.v.
Habang nanunuod panay sulyap ko sa cellphone ko. Pero wala pa dinh Althea na nagpaparamdam.
"Lil sis, naiintindihan mo na pinapanuod mo?" Narinig kong tanong ni Kuya Paul.
" hindi nga eh, nalipad yun isip ko" walang gana kong sagot.
"Sir Paul, si Sir Oscar po gusto kayo maka-usap" narinig kong sabi nun kasambahay namin. Business na naman niyan.
TRMD na, wala pa ding Althea na nagtetext or tawag man lang sobra na ako nag-aalala. Baka kase magkasama pa sila. Kaya di ko magawa tawagan.
! Kriiiiiiiing ! Kriiiiiing !
Althea Calling ..."Lablab, saan ka na? Kanina pa ako worried sayo"
(Okay lang ako,bukas usap tayo)
"Lablab, lasing ka ba? Bakit parang iba boses mo ngayon?"
(Nakainom ng konti)
"Ooh sige mag-ingat ka jan, i heart you lablab"
(I h-heart you Lablab)*toooooot * tooooot*
Agad niya na pinatay yun phone. Lasing yun lablab ko. Anu ba yan, lalo tuloy ako nag-aalala. Naiiyak na ako.
"Lil sis hindi nakaka-iyak yun eksena, bakit ka umiiyak?" Tapos na pala sila ni Dada mag-usap.
"Eh kase naman, lasing si lablab ngayon, pauwi pa lang ata, parang nasa labas pa siya eh nun tumawag"naluluha luha kong kwento.
" kumusta yun resulta?" Tanong ni Kuya Paul.
"Ayun, bukas daw mag-usap kami. Kuya natatakot ako, feeling ko talaga iba ang nangyare"
"Itulog mo na lang kaya yan Lil Sis"
"Dun ka sa kwarto ko matulog" request ko kay Kuya.
"Sige, basta sagot mo kwento ha?"
"Kwento ka jan? Matutulog tayo" sabay irap ko kay Kuya Paul.
"Ikaw Lil Sis marunong ka na umirap aa" inis na sabi ni Kuya Paul.
"Mana lang sayo Kuya, ganda mo kase eh" natatawa kong sabi.
Then natahimik na kami ni Kuya Paul. Naalala ko na naman yun mga moments namin kahapon. Yun ang saya-saya namin. Walang hadlang.
Napapikit na lang ako para pigilan yun mga luha na gusto kong ilabas.
==============================
A/N :: the following chapters will be the P.O.V of Jade ... Salamat po sa pagbabasa sa mga votes ang comments :)
P.S. VOTE AND COMMENT :)
BINABASA MO ANG
Till It's Time
RomanceLove will conquer everything, sabi nga hahamakin ang lahat para lang sa iniibig. Mahirap dahil puro sakripisyo pero yun ang pag-ibig kailangan mo maging matatag sa mga darating na pagsubok. Disclaimer : This is a work of fiction. Unless otherwise i...