Chapter 36 - Promotion II

286 8 0
                                    


Vega Beatrice's POV

Parang may piyestahan sa opisina ngayon, as in namangha kami sa dami ng pagkain at drinks na halos masakop na yung kalahati ng buong 4th floor.

"This is a triple celebration- despedida for Juliet, celebration for Vega's promotion, and also a welcome party for our new junior financial analyst, Allison Mendez."

Ms. Juliet gave a message because it's officially her last day. Nag resign na siya dahil magma-migrate na sila ng asawa niya sa US. After that, pinag-message ako rin ako. Syempre pinasalamatan ko siya sa opportunity at sa tiwala.

"...and of course, lastly, thank you to Sevyn na mukhang pinartidahan ako sa promotion. Haha. This doesn't mean I'm better than you. Well, yes, mga 80%. Haha." Sevyn gave me a side hug and we all laughed.

"At dahil na-promote si Vega, we now have a new JFA. Welcome to the family, Allison!"

Siya yung papalit sa position ko na nabakante dahil sa promotion ko. She stepped in the middle and introduced herself.

"Oh by the way, meet our other JFA... Sevyn." Our boss introduced Sevyn and Allison to each other. "He's one of the best employees here so you're in good hands, Allison. He'll guide you sa mga dapat gawin kaya for sure masasanay ka din agad sa work. Sana nga lang hindi ka nito mahawaan sa pagka workaholic dahil lang mo 'tong makakasama. Haha."

"Hi." Mahinhin na sabi ni Allison kay Sevyn na speechless lang na nakipagkamay.

"Oops, bawal po ang workplace romance!" Pang aasar ni RJ kaya nagtilian at nagtawanan ang lahat.

(2 months later...)

"Mmm." A little moan escaped my mouth as Sevyn bit my lower lip.

"Galit ka pa?"

Mas lumala yung mga pag aaway namin simula ng ma-promote ako. Of course Sevyn hates it when I make him feel like nakakataas ako sakanya. Ako naman, I hate it when he doesn't follow me.

Tulad ngayon. May pinapatapos akong trabaho pero di niya tinapos para lang inisin ako dahil hindi niya daw ako boss.

"M-hmm. So keep going."

I wrapped my arms around his neck, pulling him closer so that he could kiss me harder.

"Touch me, baby." Sabi ko sakanya, guiding his hands to my breast.

"Inuutusan mo ba ako?"

"Yes."

"Well..."


Nagulat ako nang agad niyang alisin yung mga kamay niya sa dibdib ko saka tumigil sa paghalik.

"You're not the boss of me, babe."

Natawa nalang ako. Aba, may nalalaman na rin siya na pambibitin sakin ah.

He winked and fixed his polo na nagusot ko sa kakahawak ko sakanya, tapos nauna na siyang lumabas ng janitor's closet.

Goodnight and GoWhere stories live. Discover now