Chapter 22 - Sayo Parin Uuwi

369 10 7
                                    


Andrei Sevyn's POV

Vega was sitting on the bed pagdating ko. Parang batang bagong gising na nakatulala lang.

"Babe." Bati ko pagpasok ko. Agad nagsalubong ang kilay niya. She looked like she was about to eat me- in a bad way.

Pero pagkalabas ko ng dalawang paper bag ng pagkain na tinatago ko sa likod ko, biglang bumait na parang kumikinang pa ang mata.

"San ka galing?"

"Somewhere."

She rolled her eyes. "Napaka fuck boy mo talaga."

"Pero sayo parin uuwi. Haha."
I joked. She acted like she was about to vomit.

Sosyal sosyal 'tong si Vega, pero ngayon, parang patay gutom. Sa Pilipinas pa kasi yung huling kain nito.

"Musta tulog mo?"


"Okay lang. Ikaw nakatulog ka na ba?" Tanong niya. "Ay nevermind. Alam ko na sagot."

"Haha. Nakatulog na ako ng konti."

She was surprised. "Oo? Edi ba't bumalik ka pa dito?"

"Hinanap mo 'ko eh. Tska sabi mo nagugutom ka."

She rolled her eyes tapos binato ako ng plastic na kutsara. "Bumalik ka nalang dun, Sevyn. Di ka makaka score sakin."

"Tanga. Nagtatanong ka edi sumagot ako. Yun naman talaga dahilan ba't bumalik ako dito."

Inabot ko yung remote and I started scrolling through netflix. "Ano gusto mo panuorin natin? Kasi for sure di kana makakatulog. Sabayan nalang kita."

I prefer watching a movie with her than having sex with Isabella. Kahit horror ang gusto panuorin ng baliw na 'to ng gantong oras.

Sa kalagitnaan ng pangalawang movie na pinapanuod namin, napansin kong medyo nakaka-idlip na si Vega.

"Tulog na tayo?" Tanong ko. Tumango naman siya so I turned off the TV and put the leftover food on the table.

"Tulog lang ah?" Pang aasar niya even though she could barely open her eyes sa sobrang antok.

Natawa ako kasi nakangisi niya na parang linya nalang yung mga mata niya.

"Oo. Tangina mo."

I took a deep breath bago bumalik sa kama at tumabi sakanya.

"Goodnight, Vega."


"Goodnight. Wala munang 'go' ngayon dahil walang choice." Pang aasar niya. "But you can go if you want to." She said, meaning she knows I can sleep somewhere else.

"Nah. I'll stay with you. Tulog na tayo."

God. It feels weird sleeping and waking up next to a girl I didn't have sex with.

Goodnight and GoWhere stories live. Discover now