Prologue

94 1 0
                                    

"Doc, uuwi ka na ba?" Clint asked as soon as he entered my office na kinatango ko naman.

"Bakit?" Tanong ko pabalik.

"Sabay ka na sa'kin." He said as I sighed and nodded.

"Nice, hindi ka na tumatanggi ah." Sabi niya na kinatawa ko.

"Paano pa tatanggi Dr. Torres kung palagi ka namang nag-aaya. Okay na din yun nakakatipid na ako." Sabi ko naman na kinatawa niya.

We walked out of my office as he was carrying my bag and his other hand was resting on my shoulder. In our position we look like a couple but actually we're just really close friends. Ka block ko siya nung college, we went to the same med school and now we work in the same place so we're really so close. There's no romance involved though.

"Naku, bagay na bagay po talaga kayo." A nurse said as we just laughed. Sanay naman na kami sa mga ganyan. May mga nagsasabi pa nga na kami na daw.

When we arrived at the parking lot of the hospital, he opened his car door for me as I just shaked my head laughing.

"Alam ko kaseng wala kang boyfriend na gagawin kang passenger princess kaya ako nalang." Sabi niya tsaka naman ako ngumisi.

"Wala ka din namang girlfriend na gagawin mong passenger princess kaya ako nalang." I countered and we both laughed.

"How's Ian already?" He asked referring to my dog.

"Come see for yourself." I replied as he nodded.

"You know what Des ang famous ng ex mo. Baka naman pwede mo akong hingan ng autograph?" He said as I glared at him and that made him laugh.

"Don't even mention that asshole." I said and that made him laugh even more.

"Bakit ba hanggang ngayon ang lakas ng sama ng loob mo sakanya. Kala ko ba naka move on kana?" He said as I scoffed.

"Excuse me Clint Alejandro Torres but I've already moved on. The thing is it's hard to forget about it. Hanggang ngayon the hatred I have for him is still here. He hurt me like I was nothing, he fucking cheated once yet he didn't tell me about it. You know playboys don't really change. Lahat sila pare pareho, nananakit din sa huli. There's always another girl." I explained as he nodded.

"Wag na pala yung autograph. I don't idolize cheaters." He said and we both laughed.

"Isang true ka diyan." I replied as he just laughed and shaked his head.

"Nga pala. Uwi muna ako sayo. Yoko pumunta sa condo ko diko pa nalilinis." He said as I scoffed.

"Kaya pala gusto mo ako ihatid ha? Eh ano nalang gagawin mo sa condo mo? Ano ba yun lilinisin niya sarili niya?" Sabi ko naman na kinanguso niya.

"Basta." He said as I rolled my eyes. Lakas ng amats neto. Baka tatawag na naman ng housekeeper tapos yun na maglilinis ng condo niya.

"Halu, Ian." He pet my dog.

"Buti nalang hindi ko pinangalan sa nagbigay pucha." I said as he laughed and picked Ian up.

"Parte padin naman ng pangalan niya eh." He said as I rolled my eyes.

"At least hindi yung pangalan niyang talagang nickname niya." Sabi ko naman na kinatango niya.

"Ang astig din niyang ex mo ano? Sarap patayin." He laughed as I tilted my head in confusion. Gusto ko ding patayin pero bat parang nakikisama na to sa sama ng loob ko?

"Bakit?" Tanong ko na kinatawa niya pero sarcastic yon.

"Nung nagkakilala kayo may ibang babae tapos nung nag break kayo may ibang babae din. Ganoon pala yon." He said as I scoffed.

"Yes, ganoon yun. Kapag playboy, playboy hindi na magbabago. Siya na yung patunay non." I said as he shrugged.

"Jerks will be jerks I guess. Kala ko noon titino na yun. I mean nag iba ng bio nung nakilala ka eh. Yung bio na 'Available anytime, for anyone' naging 'Only for one' nung makilala ka. Taga subaybay din ako ng love life niyo eh. Ang saya saya mo sakanya." He teased as I smacked his arm.

"Excuse me pero pinagsisihan ko yung tatlong taon na yun. Diko din alam kung paano nagtagal eh. Yun pala may kinahalikan na iba nung 2 years na kami di lang sinabi." I said and laughed bitterly.

"Oks lang yan. Ang dami daming iba diyan sa tabi tabi." He consoled me as I looked at him.

"Bakit di ka kaya maghanap ng girlfriend? Ang tagal na nating magkakilala hanggang ngayon wala ka pang jowa. Bakla ka ba?" I accused kaya naman tinignan niya ako ng masama.

"Gago ka ba? Diba pwedeng may hinihintay lang? Gago neto kitang kita mo naman na lalaking lalaki ako tapos sasabihin mong bakla ako?" He said as I just shrugged.

"Gaga, you can't blame me. Wala ka pang jowa hanggang ngayon kahit fling wala." Sabi ko naman na kinairap niya.

"Diba may kaibigan ka na engineer?" Tanong niya na kinatango ko naman.

"May jowa yun gago." Sabi ko kaya naman tinignan niya ako ng masama.

"Tangina ka ba? Tatanungin ko lang kung saan nagta trabaho. Masyado kang assumera." He said as I rolled my eyes.

"May pagka assumera talaga ako. Pero bakit mo ba tatanungin kung saan nagta trabaho?" Tanong ko naman.

"Magpapagawa ako ng bahay. Sawang sawa na ako sa condo ko gusto ko na ng bahay." Sabi niya tsaka ko siya inirapan. Putragis na lalaking to masyado naman pinapamukha na sobrang yaman niya.

"Tangina edi ikaw na may pera." I muttered and that made him laugh and he ruffled my hair. Ikaw ba naman kase anak ng may ari ng hospital.

"Clint pag ikaw na naging tagapamahala sa hospital wag mo akong kalimutan ha?" I said as he shaked his head laughing. He's the only heir kase ayaw naman nung nakababatang kapatid niyang mamahala.

"How can I even forget you, Des? You're special to me." He said as I smacked his arm.

"Daming ebas. Ano gusto mo kainin?" Tanong ko naman para makaluto na ako ng hapunan namin.

"Ayaw mo mag restau?" Tanong niya.

"Ayoko. Mamaya mas mapagkamalan na naman tayong mag jowa eh." Sabi ko na kinatawa niya.

"Oo nga no." He said as I rolled my eyes.

"Bilis na ano kase gusto mong ulam?" I demanded as he looked at me.

"Wait lang, demanding ka teh?" Sabi naman niya. So paano nga na hindi ko pagkakamalan na bakla to?

"Para nga makaluto na ako. Ina naman neto ang bagal bagal mag isip. Wag masyado yung mga high class diko kaya yung mga yon." Sabi ko naman na kinatawa niya.

"Adobong manok o kaya naman Sinigang na baboy." He said as I nodded.

"Tawagin nalang kita mamaya pag natapos ko na." Sabi ko tsaka naman siya tumango at inopen yung TV.

Clint Alejandro Torres, ang kulit niya nung college kaya wala akong nagawa kundi ang i accept ang offer niya noon na maging kaibigan niya. Halos tuktukan ko na yan everyday noon eh. Ang kulit kulit kase walang araw na hindi ako niyan inasar. Siya lang naman nagpapaubos ng pasensya ko everyday. Pero he was there through my tough times, nandoon siya nung nag break kami ng gago kong ex. Actually siya yung sobrang pinagseselosan nung ex ko, I tried distancing myself from Clint para lang sakanya pero putangina siya pala yung magloloko walang magandang dulot na gago.

He's a self-centered, narcissist, playboy who only knows how to break hearts. I don't know how I fell into his trap pero tangina niya to the end of the world. He's one of the people I hate the most in this world. Walang magandang dinulot. Papakiligin ka tapos lolokohin ka din naman sa huli. Putragis na yun.

"Des! Lika dito!" Clint shouted as I sighed and went back to the living room kung nasaan siya.

"Ano ba problema mo?" Tanong ko tsaka naman niya tinuro yung TV at mung binaling ko yung tingin ko sa TV biglang nag init ulo ko nung nakita ko yung pagmumukha nung asungot na ex ko. I grabbed one of the pillows and was about to hit Clint with it but I stopped when I heard something unexpected from the TV.

"Yes, I have a girlfriend. Her name is Desiree Akiria Aguilar"

Sudden Disturbance (TRF #5) Where stories live. Discover now