Chapter 31

15 1 0
                                    

Chapter 31

(Continuation of Prologue)

Agad na tumaas ang kilay ko at tinignan ko si Clint. "Anong pinagsasasabi niyang putanginang kaibigan mo?" Inis na tanong ko sakaniya.

Napakibit balikat siya. "Aba malay ko. Manonood lang naman sana ako ng news kanina tapos may interview pala siya." Sabi niya.

"I heard rumors that you are actually planning on taking a break from modelling. Is that true?" Tanong nung interviewer.

Jax smiled. "Yes." He replied. "I have to focus on my family's company and I also have a lot of stuff that I need to do." Dagdag pa niya.

Clint looked at me. "Ano kaya sa tingin mo ang "stuff" na kailangan niyang gawin?" Tanong niya sa'kin.

Tinignan ko naman siya nang masama. "Aba malay ko."

"Girlfriend ka raw niya e." Sabi niya at nandilim ang paningin ko sa sinabi niya.

"Tigil-tigilan mo ako kung gusto mong kumain ngayong gabi." Umirap ako tsaka naglakad pabalik sa kusina.

Nurse Ria immediately approached me as soon as I arrived at the hospital after that day. "Doc, totoo ba na boyfriend mo si Jax Ferrer?" She asked.

My eye almost twitched in annoyance. "No." I calmly said and put my lab coat on.

"Then, paano po kayo magkakilala?" Tanong niya.

I thought for a bit. Ano ba'ng sasabihin ko? That he was my ex? E'di tatanungin lang din naman niya kung bakit nag-break.

I went with a safe option. "His brother is a friend of mine." I said.

"So, boyfriend niyo po?" Ulit na tanong niya.

Huminga ako ng malalim. "Hindi nga, nurse Ria." Angal ko.

Pinanliitan niya ako ng mata. "Weh?" Puno ng pagdududa ang tanong niya.

Ngumiti ako ng peke. "Yes, nurse." Kako at sinabit ang stethoscope sa leeg ko bago umalis.

Nadaanan ko si Callie. "Des!" Tawag niya.

Binilisan ko naman ang paglalakad. "May gagawin pa ako!" Sabi ko naman at dumiretso sa ER.

"Hi, little man." I approached the little boy. "What's your name?" I asked.

He smiled at me. "I'm Creyton po. I'm seven po." He said as I smiled.

"Hello, Creyton. I'm Doctor Desiree, I will be your doctor for today, okay?" I said as he nodded.

"What seems to be the problem?" I asked his parent.

She bit her lip. She looks like she's about my age or even younger. "Nakararanas po siya ng pananakit ng dibdib." She stated as I nodded.

I crouched down to the patient's level. "Rating your pain from one to ten, one as the lowest and ten as the highest. Gaano kasakit?" Tanong ko.

He raised his hands and showed me eight of his fingers. "Eight po." Sabi niya. "Masakit po kase talaga minsan tapos po mahirap din po huminga minsan." Dagdag pa niya.

"Gaano kadalas mo nararanasan ito?" Tanong ko.

"Medyo madalas po. Tapos po minsan, nagigising ako kase mahirap po huminga." He said.

"How long has this been going on?" Tanong ko sa magulang niya.

"Last last year pa po, noong nagreklamo siya na sumasakit ang dibdib niya at nagtutuloy-tuloy pa rin po hanggang ngayon." She stated.

Sudden Disturbance (TRF #5) Where stories live. Discover now