Chapter 1

40 1 0
                                    

Chapter 1

"Sure ka na ba sa course mong iyan, anak? You know na ayaw naming magsisi ka. We want you to enjoy every second of your life." Sabi ni Mama kaya naman ngumiti ako.

"Ma, sure na sure na ako dito." Kako kaya naman bumuntong hininga siya.

"Yan na kase ang gusto, hon. Hayaan mo na yang anak mo. Malaki na siya maggra grade 12 na eh." Sabi naman ni Papa kaya mas lumapad yung ngiti ko.

My parents are very supportive of what I always want. Only child lang naman kase.

"Oh, muntik ko ng makalimutan. Your Tita Kiara is inviting us papunta sakanila ngayong bakasyon. Alam mo naman na, birthday ng pinsan mo tsaka matagal mo na siyang hindi nakita." Sabi niya and my eyes twinkled.

"Sure sure." Kako naman kaya napangiti siya.

"Kailan ba?" Tanong ko.

"Bukas na." She said as I nodded and called Chrizzna.

"Napatawag ka? Anong meron?" Tanong niya. Mukhang kakagising lang ni ateng.

"Nakila Jace ka ba?" Tanong ko.

"Nakila Jarius ako. Bat ako pupunta kila Jace? Sira." Tumawa siya kaya napairap ako.

"Aba malay ko teh. Eh parang anak ka na nga ni Tita Ariya eh." Sabi ko kaya napatawa siya.

"Nandiyan ba si Jace?" Tanong ko. Sure ako kumukunot na noo neto kase tinanong ko kung nasaan yung boyfriend niya.

"Bakit mo hinahanap?" Maangas na tanong niya kaya napatawa ako.

"Teh, ipapaalam lang sana kita. Labas sana tayo eh." Kako naman.

"Gaga ka ba? Bat sakanya ka magpapaalam di ba dapat sa mga magulang ko?" Tanong niya kaya napabuntong hininga ako. Para namang di obvious.

Pag kase gumagala kami dapat nagpapaalam kami kay Jace kase minsan halos mamatay matay na daw yon sa kakahanap kay Chrizz pag di niya alam kung san napunta.

"Gaga malamang dapat magpaalam sakanya. Sakanya ka hinahanap ng mga magulang mo eh tsaka mamaya pagalitan na naman kami sa kung saan saan ka daw namin dinadala tangeks." Sabi ko naman.

"Whatever. Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya.

"Basta ako na bahala." Kako naman.

"Sige, pasundo." Sabi niya tsaka ko binaba yung tawag.

"So ano gagawin natin dito?" Tanong niya nung makadating kami sa convenience store.

"Magchi chismisan." Kako at tumawa naman siya.

"Anong meron sa buhay mo ngayon?" Tanong niya at napangiwi ako.

"Pupunta daw kami sa LU bukas." Kako at tumaas ang kilay niya.

"Bukas na?" Tanong niya habang kumukuha ng C2 at tumango naman ako.

"Yep." Kako at kumuha ng tubig.

"Ano ulit pangalan nung naka talking stage mo na taga LU?" Tanong niya at kumunot ang noo ko.

"Achilles." Kako at tumango tango siya.

"What if makita mo siya doon?" Sabi niya.

"So what?" Tanong ko at tumaas ang kilay niya.

"Pogi ba?" Tanong niya at tumango naman ako.

"Yeah, blue eyes." Kako at ngumisi siya.

"Ooh. May lahi?" Tanong niya at tumango ako.

"London boy kinda stuff." Kako at napaawang ang labi niya.

Sudden Disturbance (TRF #5) Where stories live. Discover now