[huy anong balita kay aya?]
[bakit anong meron?]
[gaga sinugod niya sina Gab kanina!]
[seryoso kaba Eva?!]
[seryoso ako guys! Gusto ko sana siyang pigilan kanina kaso nagmatigas talaga!]
[saan siya ngayon?]
[hindi ko alam una na akong umuwi! Hindi naman ako kasing tapang ni Aya para humarap sa kanila!]
[Omg! Anong pumasok sa utak ni Aya at talagang sineryoso niya yung sinabi niya?]
[kinakabahan ako.. Sana may nagawa man lang ako para pigilan siya lalo. Baka nagpisikalan na sila doon]
[Kapag iyon talaga bugbog sarado ang mukha bukas... Nakoo humanda sa akin yang Gab nayan!]
[Otro pa to.. Manahimik ka na lang nga. Balak mo pang harapin si Gab e aatras ka lang naman pala. Pwe!]
[I'm okay guys. Buo pa naman ako.] nagsend ako ng reply sa group chat namin nang mapansin na ako ang pinag uusapan nila.
[WHAT THE HELL, AYA? PWEDE BA HULI MO NA YAN? KAMI ANG NAG AALALA SAYO OH. ANONG NANGYARI? I'M SURE NASAKTAN KA NIYA.]
[It's not big deal. Malayo sa apdo.] tugon ko.
[Finally nagparamdam ka akala ko nabugbog kana @Aya!]
[Kahit hindi niya sabihin, expected na yan.. Ang ayaw ni Gab sa lahat ay yung pinapakealaman siya kaya malamang nakatanggap ka na ng hampas niya @Aya. Jusko naman. Nakakakaba naman to]
[Totoo bang nasaktan ka niya @Ayaneze Zamora?]
[As we always expected, but i hit him back just to be fair.] muli kong tugon.
Halo halong reaksyon ang natanggap ng message ko na iyon.
[Forda slaaayy]
[Wala talaga siyang pinipiling tao para saktan niya. Grabe naman nakakaturn off talaga. Kapag ginalit mo iyon, di talaga maiiwasan na makatanggap tayo ng bugbog don.]
[I think that's too delicate @Aya]
[Gantihan niya ako ulit.. Ipapa guidance ko na talaga yon.] reply ko.
[I don't think mangyayari yan]
[At bakit hindi? Sumusobra na siya, i won't tolerate that kind of behaviour. Nasa paaralan tayo para mag aral at hindi iyong mang aabuso lang. Kung pwede lang iabot ko pa to sa korte e]
[We are just hoping na magiging safe ka.]
[I'll do guys. Don't worry about me anymore. I can protect myself.]
Binitawan ko na ang aking cellphone. Nakaupo ako ngayon sa aking study table. Napatitig ako sa dingding sa harapan ko. Bumalik sa isipan ko ang nangyari kanina.
"Ang ayoko sa lahat ay yung nangingialam.. If you don't want to experience the torture that you deserve... stop interrupting my way. You are not stupid to understanding, right?"
"Watch your word, stupid! Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin sayo kahit babae ka pa at wala akong pakealam-"
"Com'on.. Report me or whatever you want. Do you think that's the way to scare me? I just want to inform you, i am still inosent in their eyes.. No matter how you are going to report me, you're just wasting your time."
Umiling ako saka humugot ng malalim na hininga.
"Bakit siya ganon? Nakakapang taka.. Base sa sinabi nila.. Hindi siya tumitigil hangga't hindi siya nakakagawa ng ganti sa kaaway niya.." i exhaled. "so immature." bulong ko.
YOU ARE READING
RUTHLESS: THE DARK SCHEME (COMPLETED)
FanfictionMaraming nag-aakala na ang babae ay isa lamang sa mahihinang nilalang sa mundo. Mayroong mga pagkakataon na hindi nila maiwasan ang maapi at maliitin ng mga taong nagpapakahari sa lipunan na kanilang kinabibilangan. Maraming matapang na tao sa mund...