Bumuga ako ng malalim na hininga pag uwi ko sa bahay. Hinang hina ang katawan ko habang naglalakad papasok ng pintuan ng bahay. Sumalubong agad sa akin si lola.
"Oh aba, ba't ang gulo ng hitsura mo?" Alala niyang bungad.
Pilit akong ngumiti. Pinipilit kong itino ang hitsura't tindig ko upang hindi na siya ganon mag alala.
"Pagod lang ho ako, la."
"Pagod? May sugat ka!"
"Wala ho ito. Na.. nasugatan lang ho ito sa training namin kanina sa P. E. Magpapahinga na lang ho muna ako." Pagsisinungaling ko.
Labag man sa kalooban ko ang mag sinungaling, ngunit hindi ko naman kayang sabihin sa kanya ang totoo. Pupuno nanaman ang katanungan mula sa kanya.
"Oh, sige. Jusko namang bata ka. Akala ko ay napaano kana."
Hinalikan ko siya sa pisngi sunod na pumasok na sa kwarto.
Si lola lang ang kasama ko sa buhay. Sakanya ako lumaki. Iniwan ako ng totoong magulang ko at nag iisa akong anak nila. Naghiwalay ang mga magulang ko at nagkaroon ng kani-kanilang pamilya. At ako na totoo nilang anak, iniwan nila na mag isa. Iyon ang rason kung bakit naging matapang ako. Naging malakas akong harapin ang lahat. Sa sobrang hirap ng buhay ko bakit pa ba ako magpakahina?
Pabagsak akong humiga sa aking kama. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang pangyayari sa araw na ito. Nakaharap ako ngayon sa kisame, malayo ang iniisip.
"May ganoong klaseng nilalang pala ang nabuhay sa mundong 'to? Akala ko sa mga teleserye lang nangyayari 'to.." bulong ko sa sarili ko.
See you in fraternity house.
Dumaig pa rin sa isip ko ang sinabi niya. Totoo bang.. may isang lugar sila kung saan doon nila tino-torture ang binibiktima nila? For what?? Anong purpose? For satisfaction? Gano'n ba talaga iyong norm ng grupo nila? Ang manakit ng kapwa??
Tangina, i can't believe this is happening. They can even do that such evil thing!? Ginagawa ko lang naman ang protektahan at itigil ang mga ginagawa nila ngunit ito pa ang nalaman ko?
Are they part of those gangsters?
Bigla na lang akong nakaramdam ng kaba. Umupo ako. Huminga ako ng malalim. Pinipilit kong ilayo sila sa isip ko. Dapat hindi sila nang aapi ng tao!
Bumaba ako ng tingin nang biglang nag ring ang cellphone ko na nasa aking bag. Kinuha ko iyon at nang makita ko ang tumawag, nagtaka ako dahil number lang ito. Sinagot ko.
"Hello?"
"Oh, hi." I heard a deep voice.
Hindi ko naman binigay ang number ko sa kahit sinong lalaki. Dahil puro babae naman ang kaibigan ko!
I cleared my throat. Kinabahan ako sa tunog ng boses niya.
"S-sino 'to?"
I heard him chuckled. "Did you miss me?"
Saglit akong napatigil. Iniisip ko kung kaninong boses ito.
"Who are you??" Timpi ko.
"I'm your favorite enemy."
Nanlaki ang mata ko at mas lalong kumabog ang aking dibdib. Mas lalo kong nakilala ang boses niya.... Shitt... P-paano... Paano niya nakuha yung number ko!?
I immediately ended the call. Lumunok ako ng marami. Nagulat ako when he calls me again. I ended the call again and block his number.
Nagtataka pa rin ako kung nasaan niya nakuha yung number ko. Si Gabriel! That was his voice! Hindi ako nagkakamali! Siya lang naman ang naging kaaway ko sa campus! Parang pakiramdam ko he was starting stalking me...
YOU ARE READING
RUTHLESS: THE DARK SCHEME (COMPLETED)
FanfictionMaraming nag-aakala na ang babae ay isa lamang sa mahihinang nilalang sa mundo. Mayroong mga pagkakataon na hindi nila maiwasan ang maapi at maliitin ng mga taong nagpapakahari sa lipunan na kanilang kinabibilangan. Maraming matapang na tao sa mund...