Chapter 3

6 0 0
                                    

Gab's POV

Padabog akong naglakad papasok sa training room. Napabitaw ng malakas na tunog ang pinto nung padabog ko din yon sinara. Pabagsak rin akong umupo sunod na sinuntok ang lamesang kaharap ko. Nagtaka agad sina Liard, Jonas, Carl at Toni sa mood ko. Dito kami kadalasang tumatambay at kami kami lang din ang narito.

"Balita ko, na call out ka daw." ani Carl.

"Tangina Gab, itigil na lang natin to! Baka mamaya ay maexpose na talaga tayo niyan e." -Liard

"Huwag ka ngang duwag! Ano ba ang sa tingin mo ang pinagsasabi mo? Gusto mo bang ikaw ang susunod na itotorture ko?!"

"Kalma." sagot niya. Umiwas na siya ng tingin sakin.

"What happened? Bakit napunta ka sa dean? Akala ko ba bibili ka lang? Bakit bigla ka na lang nareport. This was your first time, huh." ani Carl

"Matagal tagal na tayong gumagawa ng gulo dito sa campus at first time mong nareport sa dean, huh." sabi naman ni Jonas.

"Paano tayo marereport noon e halos lahat takot sa atin? Alam naman nila na kapag gagawa sila ng ganti, babalik rin sa kanila iyon. But now, by just a simple and brave woman, nangyari ang hindi dapat mangyari." Toni chuckled. "how could she have the guts to beat us like an expert. Tss."

Gumalaw ang panga ko. Parang wala sa oras ay gusto ko ng magbuga ng apoy. "That woman really giving me an headache.. Masyado siyang matapang para kalabanin ako."

"You mean, yung babaeng lumapit sa atin nung isang gabi? Siya yung dahilan kung bakit ka nareport sa dean??" -Carl.

Tiningna ko siya. "Who else? She's always blocking my way, tangina niya. Akala niya tatagal siya sa pagiging ganyan."

"Teka lang ha. Gab, hindi ka ba natatakot kapag malaman to ng nanay mo? or ni uncle.. Talaga bang hindi kana titigil sa pagiging hari mo dito sa campus?" tanong ni Liard.

"Hindi nila malalaman hangga't walang sinong gagawa ng balita. Kapag malaman ko kung sino ang gagawa non, alam niyo na ang mangyayari.. Hindi niya alam na kaya kong gawin sa kanya ang gaya ng ginagawa natin sa fraternity gang." sabi ko.

"May hula na ako kung sino."

Nakuha ko agad ang sinabi ni Jonas.

"Eh sino naman?" tanong ni Carl.

"Tanga! Hindi mo ba alam kung sino ang kumakalaban satin ngayon? Hindi siya lalaki, kundi isang maliit na babae lang. Siguro kayang kaya natin patumbahin iyon, bro." natatawang sabi sakin ni Jonas.

I smirk.

"Oh shit!" lumipat ang tingin ko kay Liard na ngayo'y gulat na gulat ang mukha habang nakatingin sa cellphone niya.

"Hoy ano yan?" Seryosong tanong ko. Lumapit naman sila lahat para tingnan kung anong meron sa cellphone niya. I am just waiting them to tell me.

"Gab.. May kumakalat nanaman na video group page!"

Sumandig ako at kinagat ang aking hintuturo.

"Video." ulit ko sa sinabi niya. "anong video?" i asked in serious voice.

Tumingin sa akin si Jonas. "Yung video kung saan pinatulan ka ng babae sa canteen." aniya.

Kumunot ang noo ko. Sanay na ako sa pakalat kalat na video na yan. Pero ang tinatanong ko ngayon.. sino nanaman kaya ang nagpost ng video na yon.

"Hanapin niyo kung sino ang nagpost. Bring that pest infront of me." seryoso kong utos.

Kung nakakabasag lang ang tingin ko, baka kanina pa nabasag ang dingding na tinititigan ko. Gusto talaga nilang makipaglaro sakin, huh.

RUTHLESS: THE DARK SCHEME (COMPLETED)Where stories live. Discover now