CHAPTER 11

4 0 0
                                    

Lola Amelia's POV

"Basha! Basha hindi ko na kaya ito, ayoko ng magsinungaling sa apo ko!"

Napaupo siya. Binisita ko siya rito sa bahay nila. Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang hirap na nito. Nagbabakasakali ako na baka may iba pang paraan.

"Oh, ano? Oh baka gusto mong mabawi ang buhay ng apo mo?"

Mabilis akong umiling. "Syempre, hindi!"

"Wala pang isang buwan Amelia. Kaya wala kang gagawin kundi ang gumawa ng kwento. Hangga't hindi pa umabot ang buwan, hindi niya dapat malaman ito."

"Hindi na ako mapakali. Pero nakita niya ang larawan nilang dalawa na nakatago lang sa mga gamit niya. Basha, kinakabahan ako. Nakita niya ang mukha ni Gabriel. Ano ba ang magiging kahihinatnan non?"

Napatingin siya sa akin. Wala naman akong naalala na labag iyon sa usapan ayon sa ritwal kapag sa larawan lang.

Flashback five years ago

"Basha, tulungan mo'ko! 'yong apo ko. Kailangan ko siyang mabuhay muli at mangyayari lamang iyon sa paraan ng tulong mo." Atat na atat kong sabi.

"Bakit? Anong nangyari kay Aya?"

"Namatay siya, Basha. Pinatay siya! Alam kong may kakayahan kang ibalik muli ang buhay ng tao. Kailangan ko ang kapangyarihan mo. Masyado pang maaga para mawala si Aya. Ayokong manatiling mag-isa. Parang awa mo na, tulungan mo ako." Makaawa ko.

"Hindi ko maibibigay ang tulong na iyong nais kapag lumipas na ng isang araw na patay ang katawan niya. Sigurado akong maglalaho na ang kaluluwa niya sa paligid at mahihirapan tayo muling tawagin ito."

"Kaya pa, kanina lang. Nasa bahay namin siya ngayon. Wala pang bente kwatro oras. Kinuha ko siya dahil alam kong may paraan ba upang muli siyang mabuhay!"

"Dalhin mo siya rito bago pa lumalim ang gabi."

Walang pagdadalawang isip na dinala namin siya sa isang tagong isla kung nasaan ang kanyang sugar. Naniniwala ako sa kapangyarihang taglay niya. Kung may paraan, gagawin ko. Sa paraan ng ritwal ay masisigurado na babalik ang buhay niya. Sana nga mangyari iyon. Hindi ko kakayanin ang mag-isa kung wala si Aya. Hindi pa ako handa na mawala ang apo ko. Ako muna, bago siya.

Nasa isang saradong silid kami. Maraming kandila ang nakapalibot sa kama kung nasaan nakahiga ang walang buhay na katawan ni Aya. Pinapanood ko lamang ang nangyayari.

"Amelia," tawag niya sa akin, napalingon naman ako. "Sinimulan ko na. Ngunit may nakikita ko na hindi sapat ang kapangyarihan kong panatilihin na maging maayos ang daloy kung eepekto ang ritwal na ating gagawin."

Kumunot ang noo ko. "A-anong ibig mong sabihin?"

"May kapalit at maraming kondisyon ayon sa librong ito."

May pinakita siya sa akin na libro. Isa itong mahiwagang libro. Kumikinang ito. Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari dito.

"A-anong kondisyon at kapalit?"

"Magagawa nating maibalik ang buhay niya ngunit kapalit ng kanyang ala-ala. Kaya kailangan ko ang pasensya mo kung nais mong maibalik ang buhay ng iyong apo. Hindi niya maaalala ang mga nangyari sa buhay niya simula sa taon ng kanyang pagkadalaga hanggang sa huling taon niya rito sa mundo."

Napaisip ako. "Naalala ko na 2010 siya nagkaroon ng unang dalaw, ibig sabihin simula sa taong 2010 at hanggang ngayong taon na ito ay hindi na niya maalala ang pangyayari sa buhay niya? Pati ang nangyari na naging dahilan ng kanyang pagkamatay?"

Tumango naman siya. "Maaring ganoon ang mangyayari. Hindi ko alam kung matatanggap mo ba ito, ngunit wala na tayong magagawa. Makikita mo ang resulta kapag nagkamalay na siya."

RUTHLESS: THE DARK SCHEME (COMPLETED)Where stories live. Discover now