CHAPTER 9

7 0 0
                                    

Liwanag ng ilaw, kisame, dingding, mga damit, iyon ang unang nasilayan sa pagdilat ng aking paningin. Nanatiling nakadikit ang likod sa kama. Sinimulan kong igalaw ang aking mga kamay at paa.

Nasaan ba ako?

Ginawa kong iupo ang sarili. Nilibot ang aking paningin sa paligid. Nasa isang hindi pamilyar na silid ako. Puno ng pagtataka ang nararamdamam kung bakit ako naparito. Umiba ang paligid sa aking paningin. Wala akong ibang nakikitang tao kundi ay ako lamang ang nag-iisa rito sa loob.

Paglipas ng ilang minuto, narinig ko na lamang ang boses ni lola mula sa labas. Tumayo at umalis ako sa kama. Binuksan ko ang pinto at lumabas. Dumapo ang tingin ko kay lola na kakapasok pa lang. Nagtagpo ang mata namin dalawa at hindi ko makuha kung bakit gulat na gulat hitsura nito nang makita ako.

May namuong ngiti sa kanyang labi na para bang nais itong maiyak.

"Apo! Jusko.." agad itong lumapit sa akin. "Mabuti ay gising ka na. Ayos ka lang ba? Anong masakit sa'yo? Jusko umupo ka muna at 'wag kang gumalaw at baka mamaya—"

"La, la, ayos lang ho ako." Pakalma ko sakanya. Hinawakan ko siya sa kamay. "Kayo, ayos lang ho ba kayo? Bakit parang naluluha 'yong mata niyo?" Tanong ko sa kanya.

Naguguluhan ako, masyado naman siyang nag-aalala sa akin na para bang matagal akong nawala sa tabi niya..

"Teka, umupo ka muna." Minamadali niya akong makaupo, sumunod naman ako. "Diyan ka lang, babalik ako. Tatawagin ko lang si Aling Basha para matingnan ka niya." Deretso siyang umalis.

Aling Basha? Sino siya? Atsaka bakit hindi siya mapakali?

Ang dami kong tanong sa utak. Tumayo ako at sumilip sa bintana upang matingnan ang labas. Namangha agad ako dahil nasa tabing dagat kami nakatira. Sumasalubong ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat. Isa itong nakanipang kubo kung nasaan kami ngayon.

Ngunit ang bumabagabang sa isip ko, paano kaya ako napunta rito? Sinusubukan ko namang alalahanin ngunit hindi mailinaw sa akin ang lahat.

Lumingon ako sa pinto at nakita ko ang pagdating ni lola at isang matanda. Mas matanda pa ata si lola sa kanya.

Maigi kong sinuri ang kanyang presensya. Anong ginagawa niya rito? At siya ba 'yung sinasabi ni lola na titingin sa akin? Teka...

Bumalik na ako sa upuan ko.

"Kamusta ka?" Tanong ng matandang babae sa akin.

Tumango ako. "Ayos naman ho."

Puno ng pagtataka ang aking reaksyon.

Napa-igtad na lamang ako dahil sa gulat ng hawakan ng kanyang palad ang leeg ko. Wala naman siyang reaksyon doon. Hindi ko inasahan na ganoon ang gagawin niya sa akin. Para bang dinadamdam kung may lagnat ba ako o wala. Sinuri rin ang pintig ng aking pulso at dinadampi-dampi pa ang aking braso at ulo.

"Teka, ano ho ba ang ginagawa ninyo?" Tanong ko na may kuryosidad ngunit may galang. "May sakit ho ba ako?"

Nagtinginan pa silang dalawa. Bumaling sa akin si lola. "Apo, siya si Aling Basha, sinusuri niya lang kung maayos ka na ba. Para makasigurado tayo."

"Eh, la, wala naman akong nararamdamang masakit." Panatag ko. "Nakakagulat lang kung bakit nagdala pa kayo ng albularyo para gamutin ako."

"Aya." Pagpigil niya. Sa reaskyon nito ay mukhang may nasabi akong mali. "Hindi siya albularyo, isa siya sa magaling na manggagamot dito sa lugar natin." Dagdag niya.

Nagbitaw na lamang ako ng hininga. Ayan nanaman si lola, gawaing pang matanda nanaman ang nalalaman. Ni wala naman akong sakit? Atsaka bakit ganoon ang reaksyon niya noong paggising ko? Eh, natulog lang naman ako ng isang gabi.

RUTHLESS: THE DARK SCHEME (COMPLETED)Where stories live. Discover now