Aya's POV
Dumilat ako at pansin ko ay nakahiga na ako sa kama. Narinig ko na lamang ang ingay mula sa labas. Boses ni Lola ang naririnig ko at parang may kaaway siya kaya agad akong gumalaw at tumayo. Bago ko pa mabuksan ang pinto ay ginawa kong makinig sa usapan nila.
"Lumisan na ang kapangyarihang nanatili sa kanyang katawan. Kaya wala ka ng pag-asang iligtas pa ang iyong apo, Amelia."
"Hindi mo dapat sinasabi 'yan. Gawin mo ng paraan, Basha! Ayoko pang mawala ang apo ko!"
"Nilabag niyo ang dapat na hindi mangyari! Binigyan na kita ng pagkakataon ngunit hindi niyo iyon sinunod! Sinabi ko na sa'yo na bantayan mo si Aya. Wala na akong magagawa. Wala ng kakayahan ang kapangyarihan ko na panatilihin ang buhay niya. Tumatakbo na ang oras at mangyayari na ang kabilugan ng buwan. At kapag naubos ang oras, kailangan mo na ring tanggapin ang katotoohanan na mawawala na si Aya sa mundong ito paglipas ng isang linggo."
Nagsimulang kumikirot ang damdamin ko sa narinig. Umawang ang labi ko. Hindi ko magawang maintindihan ang sinasabi nila. Nais kong malaman ang ibig nilang sabihin kaya lumabas ako at humarap sa kanila.
"Bakit ho ako ang pinag-uusapan niyo?" Nagulat sila sa biglaang paglitaw ko. "Atsaka anong sinasabi niyong kapangyarihang meron ka upang panatilihin ang buhay ko?" Tanong ko sa matandang babae na nagngangalang Basha. "Anong sinasabi niyo?" Pabalik-balik na ang tingin ko sa kanilang dalawa. Naghihintay ako ng kasagutan.
Hindi sila umimik na parang nagdadalawang isip pang sagutin ako.
Humarap sa akin si Aling Basha. "Nawalan ka ng malay." Aniya. "Senyales na umeepekto ang pagbawi ng kapangyarihan ng aking ritwal sa katawan mo."
"A-ano??" Kumunot ang noo ko. "Ano ang sinasabi niyo?"
"Kaya nangyari iyon dahil sensyales na hindi niyo sinunod ang isang kautusan sa ginawa kong ritwal sa'yo upang muli kang mabuhay.. Wala ng dahilan upang hindi mo ito malaman. Dapat nga ay patay ka na ngayon, Aya. Dahil pinatay ka ng taong kaharap mo kanina. Alam kong mababalik rin ang ala-ala mo pagkatapos nito. Ngunit sinayang niyo ang pagkakataong binigay ko sa inyo."
Nanatili nakaawang ang labi ko. Gulong gulo ang utak. Hindi ko alam ang sinasabi nila. Si Lola ay umiiyak na. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Naiiyak na rin ako. Nadudurog dahil nararamdaman ko na parang totoo ang sinasabi nila.
"A-apo.. mahirap mang paniwalaan ngunit tama ang lahat ng narinig mo.. pasensya na at hindi ko masagot ang lahat ng tanong mo noon. Dahil natatakot ako na baka ay babawiin ka muli sa akin. Pero ngayon hindi ko akalain na mangyayari ulit na mawalay ka sa akin." Nadudurog ako dahil umiiyak na siya. Hindi ko pa rin makuha. Bakit ba ganito?
Bumitaw ako mula sa pagkakayakap. Nais kong maliwanagan. "Sabihin niyo ho sa akin. Ano po ba ang nangyayari? Mamatay ako? Bakit??"
"Ipaliwanag mo na sa kanya. Wala ng saysay ang pagtago mo ng sekreto dahil wala na ring buhay ang ginawang ritwal." Ani Aling Basha.
Nag-ipon ng lakas ng loob si Lola. Handa ng sagutin ang mga tanong ko. "Iyon ang ayaw kong mangyari sa iyo, apo..." Tiningnan niya ako sa mata. "Muli kang nabuhay dahil sa isang ritwal gamit ang kapangyarihan. Ngunit upang hindi ka na babawiin sa akin ay dapat hindi mo makita si Khio sa loob ng isang buwan. Iyong taong pumatay sa'yo..."
"Si Khio? Pinatay niya ako? Teka.. paano nangyari iyon? Wala akong maalala. Hindi niya ginawa sa akin iyon at kahit kailan hindi niya iyon magagawa! Sinisiraan niyo ba siya sa akin kaya niyo nasasabi 'to??"
Umiling siya. "Apo, hindi. Naiintindihan kita dahil nawalan ka ng ala-ala sa mga panahong nangyari iyon. Sinasabi ko sa'yo ito upang mawala na ang mga tanong mo sa utak. Pinatay ka ni Khio, Aya. At iyong bangungot na ikinuwento mo sa akin.. hindi iyon bangungot lang kundi iyon ang totoong nangyari limang taon ang lumipas. Nagawa niya iyon sa iyo dahilan ng pagkamatay mo..."
YOU ARE READING
RUTHLESS: THE DARK SCHEME (COMPLETED)
FanfictionMaraming nag-aakala na ang babae ay isa lamang sa mahihinang nilalang sa mundo. Mayroong mga pagkakataon na hindi nila maiwasan ang maapi at maliitin ng mga taong nagpapakahari sa lipunan na kanilang kinabibilangan. Maraming matapang na tao sa mund...