GABRIEL'S POV
5 years ago.
Nakatitig ako sa labas ng balkonahe. Today is my special day because it's my birthday. Ngunit wala akong narinig na bati mula sa pamilya ko.
Naintindihan ko naman, sino ba naman ako para batiin nila. Hindi naman nila ako tinuturing anak. Narinig ko nga noong nag uusap sila na inampon lang nila ako upang may maipakilala silang anak. Straight years na nabubuhay ako, hindi ko naman naramdaman na special pala ang araw ng birthday ko. Hanggang sa nasanay na lang ako.
Wala. I never felt to be love by someone. Especially a love from a parents. I just have friends. But i think, i'm still alone even though i have them. Puro galit at poot lang ang nakatambay sa puso ko. Simula nung nalaman kong hindi ako tunay nilang anak, nanghina ako. Kaya pala hindi nila ako kayang mahalin na parang totoong anak.
Galit na galit ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Pamilya? Mayroon nga.. ngunit hindi ko naman ramdam na mayroon pala.
Alam ko naman na ginagamit lang nila ako. Tumanda silang mag-asawa na walang nabuong anak. Kaya para sa reputasyon, kailangan nila ng isang ako. Isang ako upang magkaroon sila ng tagapagmana, ngunit kawalan sa pagbigay ng pagmamahal.
Hanggang sa ganito ang kinalakihan ko. Lahat nilalaro ko. Lahat ng taong kinakalaban ako, nilalabanan ko na rin ng sakitan. Mapa babae man o lalaki. Hanggang sa dumating sa punto na may nabuo akong grupo na kasundo ko sa lahat. Nangyari na lang ang nangyari. Hanggang umabot ng limang taon ang pagiging gago ko, na normal na lamang para sa akin.
***
Kilala ko ang mga kaibigan niya. Alam ko naman na hindi sila makaka ayaw kapag hindi nila naibigay ang gusto ko. Halatang takot na takot sila nung lumapit ako. Kalaunan, nakuha ko rin ang number niya.
Gusto kong maisip niya kung sino ang kinakalaban ng babaeng iyon
Ito ang gusto kong ginagawa, ang takutin siya. Ginamit ko ang number ni Liard upang i-message ang number niya dahil napansin ko na naka-block na ako sa kanya. Hindi ko na matawagan.
Hindi ka makakatakas sa akin.
"Don't try to block me. Just wanna say, see you tommorow, little rat." Masama ko siyang tiningnan.
"You literally put that drug inside her bag? Are you sure that was safe? Walang nakakita sa'yo?" Tanong ni Liard.
"Gago ka ba? Malamang nag-iisip ako. Gagawin ko ba ang ikakapahamak ko?" Sagot ko.
"Good. Naninigurado lang."
Huminga ako at sumandig ng maayos. Humigop ako ng usok ng sigarilyo at binuga ng malakas. Nasa fraternity house kami ngayon.
"So, what's our next step to take down that woman?"
"Sigurado ako umiiyak na siya ngayon." I smirk.
"We did it. Talagang mae-expel na siya ngayon." Tumawa sila, i just smirk.
I raised my brows. "Like what i told you. Magagawa 'yan ng paraan." Tumingin ako sa malayo. Natutuwa ako nangyayari sa kanya ngayon.
Ni hindi ko siya kilala. Sino nga iyon? Si Zamora? Apelyido niya ba 'yon?
Wala akong pakialam kung sino siya.
No one can ever beat me.
Matagal ko ng planong gawin ang mga bagay na naiisip ko lang noon. But now, it's time to punish her. Hindi pa ako tapos. Matitikman niya ang kakaibang ganti na kailanma'y hindi niya naranasan.
Sinadya naming abangan siya sa labas ng campus at mabuti ay nakita namin siya agad. This is what i like, ang nakikita siyang hirap na hirap.
Begging me to stop and crying infront of me was giving me the energy to continue playing with her emotions. Conscience? Why would i? Kahit anong drama pa ang ibubuga niya, why should i care?
YOU ARE READING
RUTHLESS: THE DARK SCHEME (COMPLETED)
FanfictionMaraming nag-aakala na ang babae ay isa lamang sa mahihinang nilalang sa mundo. Mayroong mga pagkakataon na hindi nila maiwasan ang maapi at maliitin ng mga taong nagpapakahari sa lipunan na kanilang kinabibilangan. Maraming matapang na tao sa mund...