CHAPTER 8

10 0 0
                                    


"WHAT??" I whisp in grief .

"I'm sorry. Inatake rin siya ng asthma ng dahil sa nangyari sa kanya at hindi agad 'yon naagapan kaya doon bumigay ang kalusugan niya. Naubusan siya ng hininga."

I froze. I was aware that she had asthma. Ngunit wala akong kamalay-malay kung sino ang taong naabuso ko. Unti-unting nanlabo ang aking mata sa luha. Hindi ko magawang tanggapin ang pagkawala niya. Ang sakit sa damdamin bakit ngayon ko pa nalaman kung sino siya.

"Tangina, tumakas na tayo, Gab!" Bulong niyang sabi habang nanatiling nakatitig ako sa pinto ng emergency room.

Nilalamig na rin ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung anong susunod kong gagawin. Dala ng konsensya ay hindi ako umalis. Hinihintay na ako ni Jonas ngunit hindi pa rin ako gumagalaw. Nasa isip ko lang ngayon na ako ang dahilan kung bakit nawala si Aya. Nakapatay ako ng tao na hindi ko naman ginusto...

That wasn't my intention to fulfill her will to die. Sinabunot ko ang sarili at nagsimulang bumuhos ang luha sa aking mata.

"Tara na! Ano pang iniyak-iyak mo riyan?Pinapahamak mo ba ang sarili mo!?"

Hindi ko siya pinapansin at nanatiling nakakulong ako sa aking emosyon.. malakas na tumitibok sa sakit ang dibdib ko. Tangina, tangina anong gagawin ko!? Namatay siya ng dahil sa akin!!

"Gab!" Muling tawag sa akin ni Jonas.

Hinarap ko siya.

"Umalis ka kung gusto mong umalis." Seryosong sagot ko.

"Tangina, seryoso ka ba? Umalis na tayo bago pa sila dumating!"

Natanggal ang atensyon namin sa isa't isa nang may marinig kaming umiiyak. Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko ang lola ni Aya na umiiyak habang naglalakad para pumasok sa emergency room. Ganon na lamang ang pagbasag ng damdamin ko. I feel the guilt.. i feel my conscience!

Mula sa labas ay nakita ko ang walang malay na katawan ni Aya habang nakahiga sa kama. Nasilayan ko siya sa glass ng pintuan. Niyayakap siya ng kanyang lola habang nagdadalamhati sa walang buhay niyang apo. Nadudurog rin ako habang pinapanood 'yon.

Ni wala akong balak na patayin siya.. kung alam ko lang.. tangina kung alam ko lang! Bakit dumating pa ang araw na 'to!

Wala sa sarili akong umuwi ng bahay. Tulala at ubos na ubos. Pumasok ako sa kwarto ko. Lahat ng mura ay nasabi ko na sa sarili ko.

Gab.. Gab, hindi mo dapat ginawa 'yon!! Hindi ko siya nakilala. Ibang iba na ang hitsura niya kumpara noon noong huli ko siyang nakita.

Literal na nasa huli ang pagsisisi. Wala na akong makuhang enerhiya matapos ang nagawa ko. Pagkatapos nito, siguradong may kaso na ang haharap sa akin. Bahala na, para kay Aya, isusuko ko ang sarili sa pulis.

Pagpasok ko pa lang sa bahay ay sumalubong si mom and dad.

"Where have you been? Ba't ganyan ang hitsura mo?" Striktong tanong ni dad.

Hindi mabilang ang kabog ng dibdib ko. Nanatiling walang gana ang aking reaksyon.

"Talagang hindi ka umuwi kagabi?" Sermon naman ni mom. "Ano? Ba't hindi ka makasagot?"

Tangina, sermon nanaman. Kaya nga pinipili kong lumabas dahil ayoko silang makita sa iisang bubong. Hindi naman ako bata para gawin pa nilang tuta.

I feel frustrated. "Pwede ba? Kakarating ko lang, oh. Wala na ba kayong ibang masabi kundi puro ganyan? Hindi na ako bata para tanungin niyo pa kung nasaan ako galing tapos sesermonan niyo'ko. Alam ko ang ginagawa ko sa buhay ko kaya labas na kayo doon."

RUTHLESS: THE DARK SCHEME (COMPLETED)Where stories live. Discover now