"Like what we told you last time, stop making reprisals on what he did to you. Sinisira mo lang yung sarili mo, Aya.. Dapat ilugar rin nating yung magiging matapang natin paminsan." mahinahong sermon sakin ni Bridget, yung presidente ng class.
Noong nalaman nila na nagkaroon na ako ng bad record sa dean, halos lahat ay nadismaya, nagulat at nalungkot para sa akin. Habang ako, hanggang ngayon ay speechless pa rin. Ayoko talaga magkaroon ng bad record. Gumaganti lang ako para hindi na siya maging sobra sa lahat. Pero bakit ako pa ang talo dito. Pero kahit kailan, hindi ko pa rin pagsisisihan na pinatulan ko siya at naging matapang akong awayin siya. Sadyang magaling lang siyang umarte dahil may bala siya laban sakin kanina.
"Nextime, just let them be.. Lesson learned mo na ito, Aya. Hayaan mo na lang kaya. Huwag mo lang antayin na ma expel ka pa dito sa campus bago mo pa marealize na mali ang taong kinakalaban mo. Marunong siyang mang uto lalo na kay Mrs. Villanueva.. Masyado yang silang close at sobrang taas masyado ang tingin niya kay Mrs. Sanchez na magulang niya. Kaya sigurado ako, mas kakampihan niya ang sinasabi ni Gab kaysa sayo." ani Jaz.
Huminga ako saka sinandig ang siko sa armchair. Hinilot ko ang aking sentido sunod na pasuklay na sinabunot ang buhok sa inis. Nakasimangot lamang ang mukha ko ngayon.
Tiningnan ko si Jaz. "Hayaan? Pinagmukha niya akong may kasalanan sa harapan ng dean! Puro kasinungalingan ang sinasabi niya sakin! Sa tingin niyo ganon akong tao para hayaan siya?"
"At ano nanaman ang binabalak mo? Aya-"
"Lalabanan ko siya ng patago.. Sige, gantihan pala ang gusto niya. Gagawin ko ang lahat para lang malinis ang pangalan ko sa dean. Sa tingin niya sa ganong ginagawa niya ay sapat na iyon para matatakot na ako?"
"Aya, please."
"Jaz, hindi ko na siya papatulan ng personal. Pero yang iwas iwas sa kanya hindi ko gagawin yan. Kapag mahuli ko siyang may tinatarget nanaman, may plano na ako kung paano ko siya magantihan ng patago." kalmado kong saad.
Parehong silang napapikit sa dissapointment. Mukhang wala na silang magawa sa sinabi ko. Pero kita ko ang pag aalala nila sa maaring mangyari.
Naka uwi na ako sa bahay, mag isa lang ako dito dahil umuwi sa kabilang bahay si lola. Alas singko na rin ng hapon. Pagod na pagod akong humiga agad sa aking kama. Dumilat ako na kanina'y nakapikit at tumitig sa kisame.
He is different to normal people. Parang gusto kong malaman kung ano ang personal background niya. Or kung saan nga ba talaga napabilang ang grupo niya kung bakit ganoon ang kadalasang ginagawa nila sa campus.
Since at first, he'd already doing this kind of abusive actions.. Wala siyang pagdadalawang isip na manakit sa kung sino ang kumakalaban o umiistorbo sa kanya. Iyan ang narinig ko base sa sabi sabi ng mga kapwa kong estudyante sa campus. Hindi naman nila sasabihin iyon kung hindi nila nakita, hindi ba?
Napaupo ako sa kama sunod na tumayo para umupo sa aking study table. Binuksan ko ang laptop ko. Pumunta ako sa isang group page kung saan kadalasan may nagpopost ng video habang nahuhuli silang may tinatarget.
Napansin ko sa page na iyon ay lahat deleted na ang video. So ibig sabihin, dinelate nila iyon dahil pinagbantaan ba sila? O natatakot na baga makita ng grupo nila.
Nakuha ng atensyon ko ang isang post..
1m ago kaya dali dali ko iyon binasa.
Sana may makakabasa agad nito dahil i want to delete it later as soon as posible. Kanina nakalabas na ako ng campus dahil tapos na ang class namin but there is a group of man na sumalubong sakin. Mga lima sila. Hindi ko alam kung anong kailangan nila sakin. Nilampasan ko lang sila but then they suddenly held my arms that's why i immediately stopped from walking. Sobrang kaba ko don. Hanggang sa nakilala ko ang mga mukha nila at sobrang nagulat ang mata ko dahil sila pala yung palaging kinatatakutan sa campus. Tinanong nila ako if gusto ko bang ihatid nila ako. And of course i refuse kasi alam kong hindi safe kapag sasama ako sa kanila dahil hindi ko naman sila mga kaibigan. At naalala kong may issue yan sila at myembro raw sila ng fraternity hazing? I am not sure of that, clarify me na lang sa comment section kung sino yung may alam. Nakakatakot sobra. Nagmakaawa ako na huwag na nila akong paglaruan o saktan. Nagiging malambot pa rin ang pakikitungo ko sa kanila para makaiwas ako sa pamimisikal nila. And base sa sabi sabi, they will immediately punch your face with no reason if you tried to fight them back. For safety niyo yan kaya tayo na lang ang iiwas. Buti na lang pinagbigyan nila akong na pakawalan. Hayy super scary. Kapag nakita niyo ang grupo nila, iwasan niyo agad baka kayo next ang target.
YOU ARE READING
RUTHLESS: THE DARK SCHEME (COMPLETED)
FanfictionMaraming nag-aakala na ang babae ay isa lamang sa mahihinang nilalang sa mundo. Mayroong mga pagkakataon na hindi nila maiwasan ang maapi at maliitin ng mga taong nagpapakahari sa lipunan na kanilang kinabibilangan. Maraming matapang na tao sa mund...