Piniga iyon ang dibdib ng binata. Nanlalamig ang buong katawan niya sa mga binabanggit ng matanda. Ganon rin ang nagpakilalang ama na si Antonio na halatang nasaktan rin sa sinabi.
"Shut your mouth!" Sigaw niya. "Paano ko magiging kapatid si Aya!? That's too imposible! Ni hindi ko maisip na kapatid ko siya! You really have the audacity to fool my mind? Are you kidding me?"
Umawang ang labi ng binata pati na rin ang ama't ina niyang nakikinig lamang sa kanilang pinag-uusapan na gulat na gulat rin sa narinig mula sa matanda.
"What?" Reaksyon ng ama niya.
"Uh, Mr. Villa," giit ng kanyang ina. "Totoo ba 'yang sinasabi mo? Kung totoo man, ibig sabihin.. all this time, magkapatid pala sila??"
"Hindi," panghimasok ni Gabriel. Nanginginig na rin ang labi nito. "He's just making story. Huwag niyo siyang paniwalaan!"
"Teka," humarap ang ama niya sa matanda. "Maniniwala pa kami na ikaw ang totoong tatay ni Gabriel, pero pati si Aya na namayapa na sinasabi mong anak mo?"
Wala silang natanggap na sagot mula sa kanya.
"Hindi ako maniniwala. Hindi kami magkadugo ni Aya. Wala kang ebidensya na pwedeng ipakita sa akin na totoong tatay kita!" Diin niya.
"Handa ako sa lahat ng kailangan mo, Gabriel. Alam kong hahanapan mo agad ako ng ebidensya kaya bago ako nagpakita sa'yo, hiningi ko na ang blood sample mo. Kung naalala mo noong nakaraang buwan, kinuhanan ka ng dugo. Hindi iyon para sa blood test na kailangan sa kaso mo. Kinuntyaba ko ang kilala kong pulis na andito upang kunan ka ng blood sample para ipa-DNA test."
Naalala ko noong nakaraang buwan. Nagulat na nga lang ako bakit kailangan ako kunan ng dugo. Para sa kanya pala iyon??
Inabot sa kanya ang isang envelop at dali-dali niya itong binuksan. Dumeretso siya sa result ng test. May kung anong sumabog sa kanyang loob nang makita niya ang resulta sa papel na ito.
99% - Positive
Napaawang siya ng malala. Sunod-sunod ang pagtulo ng kanyang luha.
"T-this is fake.. this.. this is not true!" Tanggi niya. Ayaw niya pa ring maniwala.
"Naiintindihan kita kung bakit mahirap para sa'yo paniwalaan ang ganito. Ngunit gusto kong sabihin sa'yo base sa katotohanan. Magkapatid kayo sa dugo ko, ngunit magkaiba ang nanay niyo."
Napasuklay siya ng buhok sa sobrang frustrated.
Umiling siya. Sarado pa rin ang isip niya upang maniwala sa DNA result. "You.. you know what. You're just playing me. We're.. we're not siblings. That's impossible to believe." Sunod niyang pinunit ang papel.
"Gabriel, stop! Bakit mo naman pinunit!?" Pagpigil ng kanyang ina. "Hindi nagsisinungaling ang DNA test! Kaya posible na after all this scenarios, you are both siblings on your father's blood." Pilit niyang pinapaintindi sa binata ngunit nagmamatigas pa rin ito.
"Pwede niyang bayaran ang nasa laboratory para ipeke 'yong resulta! That's it!"
"Kung gagawin nila iyon, mabibisto sila agad at madadamay ang lisensya nila. Kaya imposible na peke 'yan at may pirma pa ng doctor, may logo pa ng ospital kung saan ginawa ang test!"
"But mom.. i couldn't accept the fact that Aya and i are in the same blood! Mom, if i would believe that she is my sister.. i .. i couldn't handle my conscience anymore. I thought she were just my friend! Nilalaro ba kami ng mundo? Bakit ngayon ko lang alam 'to??" Humagulgol ito sa harapan nila. Hindi na niya maiintindihan ang nangyayari sa paligid.
Lumalapit nanaman sa kanya ang konsensya. Hindi sa ayaw niyang tanggapin na magkapatid sila. Ang tumatakbo sa isipan niya ay iyong krimeng nagawa niya sa dalaga. Nagsipatungan na lahat.. nawawalan na siya ng lakas. He love her but not in blood..
YOU ARE READING
RUTHLESS: THE DARK SCHEME (COMPLETED)
FanfictionMaraming nag-aakala na ang babae ay isa lamang sa mahihinang nilalang sa mundo. Mayroong mga pagkakataon na hindi nila maiwasan ang maapi at maliitin ng mga taong nagpapakahari sa lipunan na kanilang kinabibilangan. Maraming matapang na tao sa mund...