CHAPTER 10

6 0 0
                                    

Lumipas ang mga araw at ako na lamang naiwan sa bahay. Lumabas si lola at pupunta raw siya sa lungsod. Sa sobrang bagot ko ay lumabas ako sa kubo upang pumunta sa tabing dagat. Malapit lang naman iyon mula sa amin. Hindi naman siguro bawal kung sa tabing dagat lang ako pupunta. Ano namang gagawin ko rito sa loob.

Pinagmamasdan ng aking paningin ang magandang tanawin ng dagat habang naglalakad sa buhangin. Lumilipad na rin ang mahahaba kong buhok at ang puti kong bistida ng dahil sa malalakas na hampas ng hangin. Ngayon na lang ako muling nakalanghap ng ganitong klaseng pakiramdam.

Ang isla kung nasaan kami ngayon ay pwede siyang mapuntahan ng mga turista. Ngunit nasa kabilang bundok naman ang mga madadaming tao. Ngunit rito ay kakaunti lang ang dumadayo.

Tumitig ako sa kawalan. Pilit kong inaalala ang ganap ko noong bago pa ako ma-comatose ngunit hindi ko talaga magawa. Pinipilit kong alalahanin ang aksidente na sinasabi ni lola. Kahit ilang taon pa ang lumipas imposible naman sigurong makalimutan ko agad. Hindi naman ako na-amnesia. Naaalala ko pa naman lahat. 'Yung mga naging kaibigan ko sa school, 'yung buhay namin noon.

Ano bang nangyayari sa akin? Parang may kung anong gustong ipakita ang utak ko sa akin ngunit ang labo. Parang meron pero ayaw lang pumasok sa isipan ko.

Napahinga na lamang ako. Sumuko na sa kakaisip. Naglakad na ako palayo sa tabing dagat upang makabalik na sa kubo. Ngunit may nahagip ang mata ko na isang tao na mag isang umuupo sa ilalim ng punuan habang nakatingin sa dagat. Malayo pa ito mula sa akin kaya hindi agad malinaw ang mukha niya sa akin. Mag-isa siya, at wala pang katao-tao sa paligid. Parang malayo ang iniisip niya.

Sa patuloy kong paglalakad ay nakita niya ako. Nanatili siyang nakatingin sa akin na para bang kinikilala pa ang pagkatao ko. Sinusundan niya ako ng tingin. Umiba ako ng direksyon, malayo sa gawi niya. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Lola na huwag makipaghalubilo sa taong hindi ko kilala.

Wala na akong interes na kilalanin ang mukha niya. Umiwas na lang ako ng tingin dahil kinakabahan na ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay may masama siyang gagawin sa akin. Pakiramdam ko lang naman. Nang makalampas ako at tinatakpan na ako ng mga matatabang puno ay muli akong sumulyap sa gawi niya at nagulat na lamang ako na nakatayo na ito at nakatingin na sa akin. Sinusundan niya ba ako??

Dali dali na akong naglakad pabalik sa kubo. Kumakabog ang dibdib ko. Sino ba siya?? Umiba agad ang pakiramdam ko. Parang ayoko ng lumabas muli. Nakakanginig siya ng paa! Bakit ganoon 'yon?? Presensya pa lang kinabahan agad ako.

Kinagabihan ay inutusan ako ni lola na dalhin ang isang supot ng mais sa kapitbahay namin. Ala sais na at lumulubog na rin ang araw. Ngunit malayo pa pala ang lalakarin ko. Malayo-layo kasi ang distansya ng mga bahay rito. Sumakit kasi ang paa niya kaya pinautos niya na lang sa akin.

Ano ba naman 'to! Natatakot na tuloy ako lumabas mag-isa. Baka mamaya bumalik 'yong lalaking gusto akong sundan kanina. Siguro ilusyon ko lang 'yon. Wala naman atang masamang tao rito.

Nakarating na ako sa bahay na papadalhan ko ng mais. Isa pala itong kariderya at may mga tao rin na kumakain rito. Dali dali naman akong naglakad pauwi dahil dumidilim na. Ngunit sa bawat hakbang ko ay umiiba rin ang pakiramdam ko. Parang may kung sinong sumusunod sa akin. Pumikit ako at huminga ng malalim sunod na lumingon sa aking likuran. Nilibot ko ang paningin ngunit wala naman akong nahagip. Puro malalayo ang mga tao mula pa doon sa kariderya.

Humakbang muli ako. Ano ba 'to, ba't ako kinakabahan! May mga ilaw naman sa paligid. Umalis na ako mula sa pag-iisip. Tumuloy na ako sa paglalakad. Hindi pa rin ako mapakali at lumingon muli ako ngunit hindi pa buo ang paglingon ko nang may makita akong tao sa aking likuran. Sumabog ang damdamin ko at sunod na tumakbo at nagtago sa isang sulok na hindi niya makikita. Nanginginig na ang paa ko. Bumibilis na rin ang bawat paghinga ko.

RUTHLESS: THE DARK SCHEME (COMPLETED)Where stories live. Discover now