CHAPTER 14

11 0 0
                                    

"Mahirap humarap at humingi ng paumanhin sa inyo, lola. Alam kong mahirap na akong patawarin.. alam ko po.. inaako ko lahat.. ngunit isa lang ang nais kong aminin sa inyo.. mahal ko ho 'yong apo niyo.. pasensya na ho.. huli na ako upang maiparamdam iyon sa kanya. S-sorry sa lahat ng nagawa ko.. pinagsisihan ko na ho lahat.." mas bumigat ang pagbagsak ng kanyang luha.

Putuloy ang pagpiga ng kanyang damdamin. Alam niya na siya ang mali sa nangyari. Parang wala sa oras ay nais niya na ring mawala. Nais na niyang isuko ang sarili sa liwanag. Napapatanong na lamang siya sa sarili kung bakit nangyari ang ganoong mga pagkakataon na nakaya niyang gawin iyon.

"Ang tanda ko na upang makipagtalo pa, iho. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa'yo ngayon. Gusto kitang saktan, patayin, bugbugin. Sana naintindihan mo lahat kung paano siya nakabalik. Masyado kang makasarili. Binawi mo lahat ng posibilidad sa mundo."

Hindi na nakayanan ng binata ay napayuko na lamang siya at umiyak ng umiyak. Sinasaksak ang bawat pintig ng kanyang puso.

Ngayon lamang sila nagharap-harap ng ganito dahil wala namang eksenang naganap sa pagitan nila noong makulong siya sa kadahilanang umalis agad ang matanda upang pabuhayin si Aya.

"Akala ko mangyayari na. Akala ko makakasama ko na siya. Simula noong iniwan siya ng mga magulang niya ako na ang kasama niya, at alam mo 'yan. Pinagkatiwala kita kay Aya noon. Lumuwas ka ng Maynila at maganda naman ang paalam niyo sa isa't isa ngunit ang bilis ng pangyayari na bigla ka na lang nagbago ng anyo. Napaka hudas mong tao! Bakit mo nagawa iyon sa apo ako!?" Naiiyak na sabi ni Lola Amelia.

Umiling ang lalaki. Kahit mismo sa sarili niya hindi malinaw ang dahilan kung bakit nakaya niyang gawin ang bagay na iyon. Nabulag lamang siya at malaki ang epekto ng bisyo sa kanya. Sa sobrang naging pabaya siya sa kanyang sariling kabutihan ay napunta na siya sa imoral na kamalian. Para bang nais na na ring patayin ang sarili niya. Wala na siyang laban. Dahil pagkatapos nito ay mahuhulog rin naman siya sa kulungan sunod sa kamatayan at wala na rin siyang pagkakataong maging masaya pa.

"H-hindi ko po alam, la.. kasalanan ko lahat.. Lola, kung alam ko lang na ganoon ang mangyari, hindi na ako nagpakita sa kanya. Mahirap rin po para sa'kin na tanggapin ang pagkawala niya. Nawala ho ako sa sariling katinuan noon. Nagkaproblema sa pamilya ko at sa personal kong buhay. Parang may kung sinong bumubulong sa'kin upang mawalan ng konsensya. At si Aya ho ang nagpabalik sa akin sa katotohanan. Ngunit sobrang huli ko na upang iligtas siya.."

Tinatanong niya nga rin sa sarili kung bakit sa dinami-dami ng pagkakataong magising siya sa katinuan, bakit sa sukdulan pa ng laban? Laban sa isang babaeng kailanma'y kanyang naging karamay. Parang may magic ang paligid na nilalaro ang oras nilang dalawa. Ang galing tumayming ng mundo. Bumalik nga siya sa katinuan ngunit may nabawi namang buhay ng taong noo'y iningat-ingatan niya.

"Kahit kailan hindi ko makalimutan ang panahong niligtas mo si Aya mula sa kadiliman.. Iyon ang simula na malaman ko kung gaano mo binibigyang halaga ang apo ko... Sa bawat lungkot niya sa buhay, nariyan ka upang iligtas siya mula sa kalungkutan.. Malaking bagay ka para sa kanya kaya hinahayaan kong iwan siya sa'yo noon habang umaalis ako upang maghanap buhay. Pinagkatiwala kita sa apo ko ngunit trinaydor mo lang ako. Hindi ko akalaing napatay mo siya ng ganon-ganoon lang. Totoo nga ang sabi ng iba na nagbabago nga ang tao, bakit ang lala ng sa'yo? Nakayanan mong manakit at pumatay ng babae?"

"Hindi ko siya nakilala. H-hindi ko naman ho intensyon—"

"Ngunit nasaktan mo siya! Binugbog mo! At kung alam mo lang at nakita mo na hanggang ngayon buhay pa rin ang mga peklat na galing sa mga kamay mo! Tinatanong niya, hindi ko masagot dahil pinoprotektahan ko pa siya ngunit naging sayang lang dahil nagpakita ka!"

Namumula na sa hinagpis ang mukha ni Gabriel. Naghahabol na rin siya ng hininga dahil tinatakpan ito ng kanyang mabibigat na pag-iyak. Wala ng masabi ang bibig niya at umiiyak na lamang siya.

RUTHLESS: THE DARK SCHEME (COMPLETED)Where stories live. Discover now