Jealousy 27

2.4K 77 4
                                    

Rica's POV
"Ah oo! Napadaan lang ako kasi pinsan ko ang isa sa mga nakalaro nina Marco."
Malambing na sagot ni Kathie sa aking tanong. Nakakapagtaka dahil sa pagkakaalala ko ay hindi naman siya ganiyan magsalita noong huli kaming nag-usap. Tumango tango ako.

"Sino doon, 'yong bumangga kay Vance?"
I asked and she immediately shook her head.

"What?! Hell no! I mean...hindi siya 'yong pinsan ko. My cousin was the one with our surname at the back of his jersey, Lardizabal."
Aniya. So Lardizabal pala ang last name niya? Katrina Lardizabal.

"Ah, okay. Natanong ko lang, baka kasi siya 'yong pinsan mo."
I uttered. Bumaling ako kay Marco.

"Babe, hindi pa ba natin pupuntahan sina Vance sa clinic?"
Tanong ko sa kaniya.

"I'll change my clothes first, hintayin mo ako rito."
Bulalas niya at tinanggal na ang pagkaka-akbay sa akin.

"Okay. Make it fast, alright?"
Bilin ko sa kaniya at para naman siyang batang tumango. Paalis na sana siya pero may bigla akong naalala.

"Wait, Marco! Hindi pa pala tayo nakapag-picture na suot ko 'to."
Sabi ko sa kaniya. Inilabas ko ang iPhone ko at bumaling kay Kathie na hindi pa pala umaalis.

"Uhm, pwedeng humingi ng favor? Can you take a picture of us? Mas maganda kasi kapag hindi selfie para kita ang buong suot namin."
I requested since ayaw pa naman yata niyang umalis at siya ang pinakamalapit sa amin.

Napansin ko ang pagkairita sa kaniyang mukha pero pilit niyang itinago ito at matamis na ngumiti.

"Sure!"
Sagot niya kaya iniabot ko na ang aking cellphone sa kaniya at tumabi kay Marco.

"This is awkward."
Bulong niya sa akin pero binalewala ko iyon. What's wrong with asking your boyfriend's ex to take a photo of the two of you?

Inilagay ko ang aking kamay sa kaniyang baywang at siya naman ay umakbay sa akin.

"Okay! Smile!"
Sigaw ni Kathie at pareho kaming ngumiti ni Marco.

"Nakatalikod naman para kita 'yong surname at number. Sorry, Kathie, last na 'to!"
Sabi ko at pareho kaming tumalikod ni Marco. Hinawi ko paharap ang aking buhok para hindi humarang.

"Done!"
Maya maya ay narinig kong sabi na ni Kathie. Lumapit ako sa kaniya at inabot ang phone ko mula sa nanginginig niyang kamay.

"Thank you!"
Pasasalamat ko at nginitian siya kahit alam kong sobrang naiinis na rin siya sa akin. Sorry, pero sinimulan niya ako kanina at kapag naiinis ako, iniinis ko rin ang nang-iinis sa akin.

"Magpapalit na ako. Behave."
Bulong ulit sa Marco sa akin bago niya kami iwan ni Kathie.

"You're a bitch."
Agad na sabi niya sa akin pagkalayo ni Marco.

"Yes, I am...but only to the bitches like me."
Matapang na sagot ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

"Ang landi mo. Sobrang PDA ka, alam mo ba 'yon?"
She crossed her arms at tinaasan din ako ng kilay. Aba! Ako pa ngayon ang malandi?

"Malandi? Teka, sino ba ang kumakapit sa kamay ng boyfriend ng may boyfriend? Hindi ba ikaw?"
I hissed. Tumawa siya ng mahina at muling nagsalita.

"Nagseselos ka ba sa akin? So you're a jealous girlfriend?"
Aniya at agad naman akong umiling.

"I'm not jealous, I'm territorial. Jealous is being envious of something you don't have. Territorial is protecting what's already yours. Akin si Marco kaya ayokong hinahawakan siya ng kung sinu-sino lang."
Diretsong sabi ko. Pinapainit talaga ng babaeng ito ang dugo ko.

His Jealous GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon