Rica's POV
I was not able to join the dinner last night. Naintindihan naman nina tita 'yon. Marco was not happy, though. Umalis siyang bagsak na bagsak ang mukha. Before they left, I wished him a happy birthday. Sa kabila ng nangyari sa amin ay gusto ko pa rin naman na kahit papaano ay batiin pa rin siya nang maayos."Let us talk tomorrow. Please rest. I love you, babe."
He said before leaving the hospital. I did not respond at hinayaan lamang siyang lumabas kasama nina tito. Pagka-alis nila ay nagkamalay na si mommy pero hindi pa rin makausap nang maayos. The doctor said, maybe because of the trauma. Hinanap niya si daddy at nang sabihin namin ang kalagayan nito y halos magwala siya sa kakaiyak.I cried with her. Sobrang sakit sa puso habang nakikita ko siyang hawak hawak ang kamay ni daddy habang kinakausap siya at hiinihiling na gumising na. Mabuti na lang at nakaalalay sina yaya sa amin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala sila ni ate.
"Everything's gonna be alright."
Shiela sincerely said while tapping my arm. Ayoko sanang pumasok kanina pero pinilit ako ni yaya Susan. Aniya ay malapit na raw magtapos ang school year namin kaya dapat ay wala akong ma-miss na klase. She said that dad will not be happy if ever he learns that I missed my classes and failed my exams. Mabuti na lang at walang JS prom ang school namin at ang recognition at graduation na lang hinihintay na event."Hindi ko na talaga alam."
Sabi ko sa kaniya matapos kong ikwento ang kalagayan rin namin ni Marco. With the problems I have right now, I doubt if I can concentrate with my studies. Sa lahat yata ng klase ko buong maghapon ay hindi ako nakikinig. Lumilipad ang utak ko sa kalagayan ng mga magulang ko.Malungkot niya ako akong tiningnan at maya maya ay lumampas sa akin ang kaniyang tingin.
"He's here."
Aniya kaya napalingon ako sa may pintuan ng cafeteria kung saan siya nakatingin. I saw Marco and Vance entering. Alam ko na agad kung saan sila patungo.Ibinalik ko kay Shiela ang aking atensyon.
"Hi."
Bati sa amin ni Vance at agad tumabi kay Shiela. Hinila rin ni Marco ang upuan sa aking tabi nang walang imik."Dude..."
He then said. Their eyes seemed to communicate and after that, Vance nodded. May ibinulong ito kay Shiela at sabay silang tumayo."We'll leave you. May pupuntahan lang kami ni Vance."
Shiela announced. Baka may date silang dalawa dahil espesyal ang araw na ito. It's Valentines Day! Marco and I went to an amusement park then ate dinner together last year. Ngayon? Hindi ko alam.Bumaling siya sa akin.
"We'll visit tito and tita later, okay?"
Ngumiti siya sa akin. Tumango ako bago sila umalis.The place became so awkward after they left. Daldalan lang ng mga estudyante sa ibang table ang maririnig. Si Marco ay tahimik lang.
I know he wants us to talk. I also do. Kumpara kagabi ay mas handa na akong marining ang mga sasabihin niya. I may still be a jealous and possessive girlfriend but I learned that clear communication is a must for a relationship to work. Papakinggan ko ang paliwanag niya at kung kapani-paniwala naman ay makikinig ako. It doesn't matter if he'll lie or not. Basta ako, susubukan kong um-intindi para maayos na namin agad ito. I just wish to fix this as soon as possible. Hindi kasi namin naayos kagabi.
"Kathie is at the parking lot. I want the three of us to talk."
Mahinahing sambit niya. The mere mention of that bitch's name by him made me mad. Naiinis ako at kailangan ko pa talagang makausap at makita ulit siya. A picture of them kissing suddenly popped on my mind kaya mas lalo akong nanggalaiti.I tried to calm myself and nodded. Nauna na akong tumayo bago pa magbago ang isip ko. I just want to clear everything yet. Ayoko nang may sumabay pang problema sa pinagdadaanan ko ngayon tungkol sa pamilya ko.
BINABASA MO ANG
His Jealous Girlfriend
Teen FictionBatid ni Rica na ang pagiging masyado niyang selosa ay hindi maganda pero kahit anong gawin niya ay hindi niya mapigilang mainis sa mga babaeng umaaligid sa kaniyang boyfriend na si Marco. Ngunit hanggang saan hahantong ang pagdadamot niya dito? Man...