Jealousy 25

2.6K 80 7
                                    

Rica's POV
Kathie was her girlfriend before me. Marco said they became couple when they were in grade 8 and they lasted for five months. Hindi ko alam kung bakit sila naghiwalay at kung sino ang nakipaghiwalay. 'Yon lang ang informations na sinabi sa akin ng boyfriend ko at hindi na ako nagtanong pa.

Past is past. Kung ano man ang namagitan sa kanila noon, sisiguraduhin kong hindi na mauulit pa 'yon. I love Marco and he loves me. I trust him. Basta huwag na huwag lang susubukan ng Kathie na 'yon na umepal. Nararamdaman ko kasing maitim ang budhi niya base sa nakita ko kanina. Malakas kaya ang instinct ko kapag tungkol kay Marco na.

"Mom! Hindi ba masyadong engrande? I mean, kahit simpleng debut lang naman ayos na sa akin e."
Reklamo ko pagkatapos marinig ang mga plano nila ni daddy. Pumayag na akong mag-debut pero nalulula naman ako ngayon sa mga sinasabi nila. Sobrang lawak at sobrang mahal ng balak nilang venue. Kaya raw ang maximum na 600 guests. E sinu sino naman ang iimbitahan ko? 1/4 na 'yon ng population ng school namin.

"What's wrong with that? You're our only child and you deserve the best! Besides, hindi naman namin ninakaw ang gagastusin namin sa debut mo. 'Di ba, hon?"
Sagot niya at humingi pa ng suporta sa tatay ko. Tumango naman si daddy habang nakaharap sa laptop niya. Linggo kasi kaya tatlo kaming nakaupo ngayon sa sala namin.

"Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin 'mmy. Pero-"
Magrereklamo pa sana ako pero pinutol ako ni daddy.

"Pagbigyan mo na ang mommy. Magtatampo 'yan sa 'yo kapag hindi mo pinagbigyan ang gusto niya. She's been planning this since the day we learned she's pregnant of you."
Sabi niya at tumawa. I also chuckled that's why my mother rolled her eyes to the both of us. Ang cute ni mommy!

"Kung ayaw mo doon, okay lang naman. Basta-"

"Oo na mommy, doon na. Alam mo namang hindi kita matiis."
I cut her. Nahihimigan ko na naman kasi ang patampo effect sa boses niya e. Lumiwanag naman ang mukha niya at pumalakpak na parang tuwang tuwa.

"Good! Pag-isipan mo na ang gusto mong theme at motif. Pati na rin ang mga bisita mo. Tatawagan ko na ang ibinigay mong number ng pinsan ni Vance mamaya para makausap siya."
Masayang wika niya at tuloy tuloy na siya sa pagsasabi ng mga plano niya at mga dapat gawin. Nangingiting umiiling si daddy at pinagpatuloy ang pinagkakaabalahan niya kanina habang nakikinig sa pagdadaldal ng nanay ko. Ako naman ay sunud sunod lang ang tango sa mga sinasabi niya. Sobrang exicted na talaga si mommy. Ako rin naman, excited na. Pwede na akong makulong, soon!

Pagkatapos naming mag-usap tungkol sa debut ko ay nakatanggap ako ng text mula sa mom ni Marco.

Tita Rose: Hello, Rica! Are you available this evening, anak?

Agad akong nagtipa ng sagot.

Ako: Yes po, tita. Bakit po?

"We made fresh lumpia for merienda!"
Dumating sina mommy at yaya galing sa kusina dala dala ang dalawang plato ng niluto nila at usang pitcher ng juice.

"Kukuha lang ako ng gagamitin nyo."
Paalam ni yaya at bumalik na ng kusina pagkalapag ng pagkain. Si mommy naman ay tumabi kay daddy sa kabilang sofa.

Biglang nag-vibrate ang phone at nakita kong galing ulit kay tita Rose ang text.

Tita Rose: Magdi-dinner kasi kami nina tito mo mamaya. I just wanna ask if you can join us.

Dumating si yaya dala ang tatlong platito, tinidor, at baso. Agad akong nagpasalamat at naglagay ng lumpia sa platito ko bago nag-reply.

Ako: Sure po, tita! Ano pong dapat isuot? :)

I answered and after a minute ay may message ulit siya.

Tita Rose: Susunduin ka ni Tim mamaya. A simple dress will do.

His Jealous GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon