Dedicated to my friend na nagbabasa rin pala nito. Hi, be! ;*
In case you also want to read Vance and Shiela's story, nasa external link po or you can also check it on my profile. HER CONSTANT ENEMY. Salamat! :)))))
Rica's POV
Kinabukasan ay maaga pa rin kaming nagising kahit na halos hating-gabi na kami natulog. Siyempre, kailangang sulitin ang bakasyon kasi malapit na naman ang pasukan.
Pagkatapos mag-agahan ay dumiretso agad kami sa tabing-dagat at naabutan naming nakaayos na ang net na gagamitin sa paglalaro ng volleyball. Lahat kaming mga babae ay naka-racerback at shorts samantang ang mga lalaki naman ay naka-board shorts ulit at ang ilan sa kanila ay naka-sando at naka-t shirt naman 'yong iba. It's still 7 o'clock at hindi pa masakit ang sinag ng araw.
"Kayo muna maglaro guys. Hindi maganda ang pakiramdam ko."
Sabi ko sa kanila. Hindi ko alam kung hindi lang talaga maganda ang gising ko pero pakiramdam ko ay nanghihina ako at parang magkakasakit. Maybe because we stayed so long in the water yesterday.
Tumango naman sila.
"Dito na lang muna ako sa gilid."
Wika ko at umupo sa buhangin sa gilid.
"I'll just stay with her al-"
Pinutol ko ang sasabihin ni Marco na mukhang nag-aalala sa akin.
"No. You play with them, babe. I'll be fine here. Ako na lang muna ang magsisilbing photographer ninyo."
I smiled at him at tumango siyang parang napipilitan. Ayoko naman kasing pati siya hindi makasali dahil sa akin.
"Ok, guys! So ganito ang gagawin natin. Hati tayo. Five members each group."
Sabi ni Allan at hinati na sila sa dalawa grupo. Magkakasama sina Vance, Shiela, Rey, Jerry, at Allan samantalang sa kabila naman ay sina Marco, Leslie, Jon, Roma, at Rock.
Nagsimula na silang maglaro at nagsimula na rin akong kumuha ng litrato. Tawa sila ng tawa habang naglalaro habang kinakantyawan si Rey na hindi masyadong marunong i-control ang pagtama sa bola.Siguro ay ganun talaga. Kahit magaling mag-basketball ang isang lalaki ay hindi pa rin masisiguradong magaling din siya sa volleyball dahil magkaiba naman ang mga ito. Maging ako ay tuwang tuwa rin habang pinapanood sila. Panay ang kuha ko ng picture at paminsan minsan ay tumitigil pa sila para mag-pose.
Magaling ang magkapatid na Leslie at Allan. Balita ko, they are both into volleyball. Kambal talaga. Sina Marco at Vance naman ay pwede ring maging varsity ng volleyball sa school dahil pareho din silang magagaling. Sa tangkad nila ay madali lang silang mag-spike o mag-block. Pati rin ang kanilang mga kaibigan, siyempre, maliban kay Rey na hindi pinagpala sa larong ito. Si Roma ay hindi masyadong marunong at minsan ay takot kapag paparating na ang bola at umiiwas dito kaya todo alalay si Jon sa kaniya. Hangang hanga rin ako sa best friend ko na ang galing pumalo at mag-control ng bola. She's good! I wonder why she failed to enter our school's volleyball team last year.
Well, ako, medyo marunong din ako kasi P.E. namin ito noong Grade 9 pero hindi kasing-galing ni Shiela. I'm not into sports kasi masyado.
"Are you okay there?"
Tanong ni Marco habang nakapamaywang na humarap sa akin. Tagaktak ang kaniyang pawis at hinihingal siya dahil sa pagod.
"Oo naman! Are you thirsty? May tubig dito o."
Alok ko sa kaniya. Inabot niya ang bottled water at uminom dito.
"Thanks."
Sabi niya pagkatapos uminom.
BINABASA MO ANG
His Jealous Girlfriend
Teen FictionBatid ni Rica na ang pagiging masyado niyang selosa ay hindi maganda pero kahit anong gawin niya ay hindi niya mapigilang mainis sa mga babaeng umaaligid sa kaniyang boyfriend na si Marco. Ngunit hanggang saan hahantong ang pagdadamot niya dito? Man...