Happy Christmas!!!
Rica's POV
Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla. Tinitigan ko lang silang dalawa habang nagsusukatan ng tingin. Kung hindi ko pa naramdamang mas hinigpitan ni Marco ang pagkakahawak sa akin ay baka nanatili pa akong nakatunganga.
Tumikhim ako saka nagsalita.
"Uhm. Marco, si...kuya Alvin, dati naming kapitbahay."
Pinag-isipan ko pa ano ang itatawag ko sa kaniya. Hindi kasi ako sanay na tawagin siyang kuya.
"Si Marco po, boyfriend ko."
Pakilala ko naman sa aking boyfriend at hinawakan ang braso niya.
Naglahad ng kamay si Prince Charming...ok, kuya Alvin at tinitigan muna ito ni Marco bago inabot.
"Nice meeting you, pare."
Ani kuya Alvin. Ngumiti siya at bumaling sa akin.
"Di 'ba sabi mo noon ako lang gusto mong pakasalan? Bakit may boyfriend ka na?"
Sigurado akong biro lang niya iyon dahil ganun talaga siya pero napansin ko ang pag-igting ng panga ni Marco kaya tumawa ako.
"Noon 'yon 'no! Ang bata ko pa. And compared to you, mas malayong matino si Marco at higit sa lahat, hindi siya playboy na kagaya mo."
I proudly said. Humawak ito sa dibdib niya at umastang nasasaktan kahit nakangisi.
"Aww! Ang sakit mo namang magsalita."
Aniya. Tumikhim ang boyfriend ko.
"Let's go. Gusto ko nang maligo."
Sabi ni Marco kaya nagpaalam na ako kay kuya Alvin. Inabot ko na rin ang bola. Pabalik na kami sa kabilang pool nang bigla ulit siyang magsalita.
"Hanggang kailan kayo dito, Princess? Can we meet tomorrow? You know, I kinda miss my lovely ex neighbor."
He said kaya nilingon ko ulit siya.
"Sure. Hanggang sa susunod na araw pa naman kami dito."
Sagot ko at nagpahila na kay Marco na napapansin kong kanina pa ang higpit ng hawak sa akin na akala mo ay mawawala ako.
Si Prince Charming o kuya Alvin ay pitong taon ang tanda sa akin. Kapitbahay namin sila noon bago sila mag-migrate sa US noong grade 4 ako. He was the one who saved me noong muntikan na akong malunod noong bata ako. Simula no'n ay tinawag ko na siyang Prince Charming at pinilit siyang tawagin din akong Princess dahil ang tingin ko sa kaniya noon ay isang prinsipe na tagapagligtas ng prinsesa tulad ng mga napapanood at nababasa ko. Hanggang sa nakasanayan na namin iyon. He was my first crush kasi gwapo naman talaga siya at natatandaan ko pang ipinipilit ko noong magpapakasal kami balang araw. Hindi naging lingid sa kaalaman ko ang pagiging babaero niya dahil sinasama niya ako noon sa ilang date niya sa magkakaibang babae. Habang nakikipaglandian siya ay nandun lang ako at nage-enjoy habang kumakain ng ice cream na suhol niya para hindi ko siya isumbong sa nanay niya. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko 'yon.
"Who's that guy?"
Tanong agad ni Leslie pagbalik namin doon. Ibinigay ko sa kaniya ang bola bago sumagot.
"Childhood friend."
Sabi ko bago ako dalhin ni Marco patungo sa gilid ng pool.
"Solohin ko muna siya."
Paalam niya sa kanila kaya nakatanggap na naman kami ng kantyaw.Pagdating namin sa gilid ay agad siyang nagtanong.
"Who is he?"
He looks pissed. Kumunot ang aking noo.
"Pinakilala ko na-"
He cut me.
"I mean, how did you you know each other? Why are you calling each other Prince and Princess? And lastly, did I hear it right that you told him that you'll going to marry him?"
Sunod na sunod na tanong niya. Natawa na ako kasi sobrang cute niya kahit mukha na siyang naiinis. Ang amo pa rin kasi ng mukha niya.
"Stop laughing or I'll kiss you?"
Banta niya. Parang gusto ko tuloy ipagpatuloy pa ang pagtawa. Ang sama ko. Sa ganitong sitwasyon ay nagagawa ko pang matuwa.
Sumeryoso ako at nagsimulang magpaliwanag sa aking hari.
"Remember when I told you na muntikan na akong malunod noong bata pa ako? Siya 'yong sumagip sa akin. Because of fairytales' influence, I thought he was my Prince Charming and I was a princess. Doon nagsimula. And about the marriage, sinabi ko lang 'yon noon because he was my first crush. Kapitbahay namin siya noon pero lumipat sila sa US kaya ilang taon kaming hindi nagkita kaya ganun na lang kami makapag-react kanina."
I explained. Sinabi ko na lahat ng dapat niyang malaman.
Nagsalubong ang mga kilay niya.
"First crush? Are you still attracted to him?"
Tanong niya ulit at umiling ako.
"Hindi na 'no. Kahit noong hindi pa sila umaalis dito sa Pilipinas ay nawala na ang paghanga ko sa kaniya. At saka kahit siya ang first crush ko, ikaw naman ang first boyfriend ko."
Banat ko pero ako pa ang kinilig sa sinabi. Parang tanga lang.
"First and last."
He corrected and I chuckled. Sana nga, Marco.
I thought he will already stop asking pero hindi pa rin.
"Then why are you still calling each other those childish endearment?"
Naiiritang tanong niya. Maka-childish naman.
"Old habits die hard."
Depensa ko at bigla siyang sumeryoso.
"I don't want you calling him your Prince Charming."
Reklamo niya. I encircled my arms around his neck.
"He's just the prince. You're the king, baby I'm your queen."
I said and even sang the last sentence which is a lyrics from a popular song. Nabigla ako nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at unti unting inilapit ang aking mukha sa kaniya. Napapikit na lang ako at naramdaman ang malambot niyang labi sa labi ko. Nalasahan ko pa ang alak na ininom niya kanina pero nagpatianod na lang akao. The kiss ended so fast yet it was so sweet.
He grabbed and hugged me as soon as our lips parted.
"You really know how to use your words, babe."
Aniya at hinigpitan pa ang yakap sa akin.
"I don't want him near you."
Pahayag niya ulit.
"Bakit naman?"
Tanong ko at iniharap niya ulit ako sa kaniya.
"Basta."
Aniya. Napansin kong namumula na rin pala ang mata niya.
"Are you drunk?"
Tanong ko sa kaniya at ineksamin pa ang mukha niyang namumula na rin pala. Maputi kasi siya kaya mabilis mamula ang balat niya.
"I'm not."
Umiling siya at ngumisi.
"Di 'ba sabi ko sa 'yo huwag kang masiyadong uminom, Marco Timothy Ballesteros?"
Sabi ko na parang nanay niya.
"Sana nga hindi na lang para nabantayan kita kanina."
Sagot niya at hinawakan ang kaliwang palapulsuhan ko.
"Let's swim. I need to get sober."
Yaya niya.
BINABASA MO ANG
His Jealous Girlfriend
Teen FictionBatid ni Rica na ang pagiging masyado niyang selosa ay hindi maganda pero kahit anong gawin niya ay hindi niya mapigilang mainis sa mga babaeng umaaligid sa kaniyang boyfriend na si Marco. Ngunit hanggang saan hahantong ang pagdadamot niya dito? Man...