Jealousy 32

1.5K 43 4
                                    

Rica's POV
Pagkatapos kong malaman ang lahat ay dumiretso na kami sa hospital kung saan itinakbo sina mommy, daddy, at iba pang kasama nila sa aksidente. Oo, kami. Kahit na sobrang galit ako sa kaniya ngayon ay wala na akong nagawa kundi ang magpasama kay Marco. Ang nasa isip ko na lang kasi kanina ay ang mapuntahan agad ang mga magulang ko. 'Yon nga lang, hindi ko maiwasang maging maging malamig sa kaniya. Nang subukan niya akong pakalmahin ay binalewala ko lang siya. Pati nang nasa loob kami ng sasakyan ay hindi ko siya inimik. He even tried to hold my hand but I snobbed him.
Pagkarating namin sa hospital ay agad kaming nagtanong sa front desk at itinuro naman sa amin kung saan namin mahahanap sina daddy.

"Nasaan po sila?"
Bungad na tanong ko kay yaya na kasalukuyang pinapakalma ni ate Gina. Malungkot silang bumaling sa amin.

"Ang mommy mo ay nasa isang private room na. Hindi raw malala ang mga sugat niya pero wala pa rin siyang malay."
Ani ate Gina. Nagpasalamat agad ako sa Diyos na hindi gaanong napuruhan si mommy.

"Si daddy po?"
I desperately asked. Kinakabahan ako sa ipinapakita nilang reaksyon sa akin. Itinuro nila ang loob ng emergency room.

"Kasalukuyan siyang inooperahan ngayon, anak, dahil sa malakas na pagkabagok ng kaniyang ulo. Kritikal daw ang kaniyang kondisyon sabi ng doktor. Kumpara raw sa mommy mo ay malayong mas malala ang sinapit niya."
Si yaya na ang sumagot. Nanghina ako bigla sa sinabi niya kaya agad akong yumakap kay yaya. Sinubukan kong pigilan ang umiyak pero hindi ako nagtagumpay.

"Gusto kong makita sila 'ya. Si mommy, si daddy. I wanna see them."
Pagsusumamo ko pero umiling siya.

"Pwede mo nang makita si Antonia pero si Richard, hindi pa tayo pwedeng pumasok. Ipagdasal na lang muna natin ang kaligtasan niya."
Mahinahon niyang paliwanag.

"Magiging okay naman siya 'di ba? Daddy is strong. Yaya, magiging maayos naman ang lahat, right?"
Sambit ko. Gusto kong makarinig ng magpapatatag ng loob ko.

"Oo, lalaban siya. Mahal na mahal niya kayo ng mommy mo kaya lalaban siya."
Aniya habang hinahaplos ang aking likod.

Abala raw sila ni ate Gina kanina sa paglilinis ng bahay kanina nang makatanggap n sila ng tawag galing sa kinauukulan. Ayon kay sa kwento ni yaya, hindi pa raw nakakalayo ang eroplanong sinakyan nina mommy nang biglang magkaroon ng aberya. Malapit lang din daw ang lugar kung saan bumagsak ito kaya sa pinakamalapit na hospital na sila itinakbo ng mga rescuers. Dalawa na raw ang idineklarang namatay at kasalukuyan pa ring nasa accident site ang mga rescuers para subukang sagipin ang ibang pasaherong na-trap sa loob ng eroplano.

Habang hindi pa lumalabas ang doktor galing sa ER ay pinapunta na lang muna kami ni yaya sa kwarto kung nasaan ngayon si mommy para may magbantay sakaling magkaroon na ito ng malay. Tatawagin na lang daw kami ni ate Gina kung sakaling magkaroon na ng update sa kalagayan ni daddy.

Seeing my mom lying on the bed breaks my heart. May bandage siya kamay at maging ang kaniyang mukha ay may maliliit ding galos. Halata ang pamumula ng mga ito dahil maputi si mommy.

"They're going to be okay."
Marco gently held my hand. Napatingin ako sa kaniya na kasalukuyang nakatitig sa akin ngayon gamit ang kaniyang mapupungay na mata.

Hindi ako umimik. Gustung gusto ko siyang yakapin. I need his comforting words and arms. Alam kong kaya niya akong pakalmahin. Kaso hindi ko magawang makalimutan ang mga nakita at narinig ko kanina. I can tolerate that bitch's post, but the kiss? Ang maisip pa lang na lumapat ang labi ni Marco sa ibang labi bukod sa aking labi ay nadudurog na ang puso ko. I don't care about the girls he kissed before we met. Given naman na 'yon dahil hindi naman talaga maiiwasang may halikan siya o humalik sa kaniya noon. He's an adolescent boy, a very charming and handsome one. But he was mine the day he said he loves me. Ganun din naman ako sa kaniya. I am his, my heart and my soul. Dapat walang pumapagitna sa aming dalawa. That Kathie? They're done. They may have history, but that "history repeats itself" does not apply to them. No way.

"Tayo? Hindi tayo okay?"
Tanong niya sa akin nang mapansing wala na akong imik at nakatitig na lang kay mommy. Kinalas ko ang kamay ko sa kaniya at tumayo papunta sa may bintana.

"Babe, I know this not a good situation to talk about this but could you at least tell me what's bothering you? Mula nang umalis tayo sa bahay ay malamig na ang trato mo sa akin. Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali. Tell me, please."
Pagsusumamo niya. Marco really knows me. Kahit mga simpleng galaw ko ay naiintindihan niya ang pahiwatig.

Tumingin ako sa kaniya, pilit na pinipigilan ang aking paghikbi. Kailangan naming pag-usapan ito. Marco and I always want to clear things between us. Sa mahigit dalawang taon naming relasyon ay nasanay na kaming pag-usapan agad kung ano man ang problema namin sa isa't isa. Minsan nauuwi sa mas malalang away pero kadalasan naman ay naayos rin agad.

"You and Kathie...kissed?"
It was hard for me to say the last word. Shock was evident in his eyes after I asked him.

"How di-"

"Yes or no. That's what I want to hear, Marco."
Matigas na wika ko. Nagdalawang-isip pa siyang sumagot at halos gumuho ang mundo sa sumunod kong narinig.

"Yes."
Mahinang sagot niya. Sa sobrang galit ko ay dumapo ang kamay ko sa pisngi niya. Napapikit siya at namula agad ang parte kung saan dumapo ang aking palad. I'm sorry but I don't feel sorry for that.

"Naghalikan kayo? Huh?! Hinalikan mo siya?"
Sinubukan kong pigilan ang pagkabasag ng boses ko pero hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang aking mga luha

Hinawakan niya ang braso ko.

"Look, that't not to it. Hindi  kami naghalikan-"

"E ano? Naglaplapan?!"
Singit ko sa sinasabi niya. I just wish there will be no hospital staff to enter just yet.

"No! Pwede bang makinig ka muna sa akin?"
Medyo malakas na rin ang kaniyang boses. I can sense frustration in his voice.

"Ano? Ikaw pa ang galit ngayon, ha? Sino bang nakipaghalikan sa ex niya? 'Di ba ikaw?"
I said with and equal voice as his. My tears kept falling. Kinabig niya ako at sinubukang punasan aking pisngi.

"I'm not mad. Babe, please. Please don't cry. Listen to me first."
He pleaded but I'm too upset to let him touch me. Tinulak ko siya para lumayo sa akin.

"Marco, please. Hindi ko pa kayang makinig sa paliwanag mo sa ngayon."
Mahinahon kong wika at umupo sa sofa habang pinupunasan ang aking mukha. He tried to offer me his handkerchief but I rejected it.

"Babe, you misunderstood it. Hindi ko siya hinalikan. Siya ang-"
Hindi na niya natapos ang kaniyang sinasabi nang pumasok sina tita Rose at tito Alfred.

"Kumusta ang lagay ni Antonia, hija? Si Richard?"
Bungad na tanong ni tita sa akin. Nang umalis kami sa bahay nila kanina ay sinabi niyang susunod agad sila ni tito. Tumayo ako at nagsimula nang mag-kwento sa kanila.

Nagpasalamat ako at hindi nila naabutan ang naunang eksena namin ni Marco kanina. Hindi na rin sila nagtaka sa namumugto kong mga mata dahil sa sitwasyon ng aking mga magulang. Marco seemed to want us to be alone  to talk but we were not able to. We are still not okay. I am not okay.

God, why are these things happening at the same time?

His Jealous GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon