Rica's POV
Hanggang sa matapos ang misa ay lutang ako. Iniwasan kong lumingon sa likod dahil natatakot akong makita nila ako. O baka naman nakita na nila ako kanina pa pero wala lang ako para sa kanilang dalawa?
Hindi ako sigurado pero ang alam ko lang sa ngayon ay ayaw ko munang makaharap si Marco. Hindi pa ako handa.
Kung hindi lang ikakasal si ate Gina ay hindi naman talaga ako uuwi ulit sa Pilipinas. Para saan pa, 'di ba? Maayos na kami ni mommy sa Amerika.
She coped up with a life without my father after some series of therapies. Dahil sa suporta ko at sa tulong na rin nina lolo, my mom eventually got better. Matapos ang ilang taon na pagtatangis sa hindi inaasang pagpanaw ni daddy ay bumuti rin ang kaniyang kalagayan. Minsan ay ibinabahagi pa rin niya sa akin ang pangungulila niya kay daddy pero tanggap na niya na wala na ito. Inaabala niya ang kaniyang sarili ngayon sa pagbi-bake, one of her hobbies ever since. She's happy doing what she loves to do. She even postponed going back here in the Philippines because of her shop.
I am so proud of my mother. Sa kabila ng dagok sa aming buhay ay hindi siya sumuko. Ang makitang okay na siya at nagbibigay ng ligaya at kapayapaan sa aking puso.
Ako naman ay nagtatrabaho na bilang arkitekto sa isang Filipino-owned architectural firm na nakabase sa US. I'm still starting in this field because I just finished my studies recently pero masasabi kong ang dami ko nang natutunan. There were so many opportunities that came to me while working in the company. Isa sa mga ito ay ang pagiging bahagi sa isang malaking proyekto gaya ng pagdi-disenyo ng isang malaking hotel na pag-aari ng sikat na Hollywood actor.
I'm happy with my profession. Pangarap ko na ito simula pa lang. Kung nabubuhay si daddy ay siguradong proud siya sa akin. He was so supportive with my interest in drawing and designing even when I was still a kid.
Para masiguradong hindi magku-krus ang landas namin ay tinapos ko maging ang kahuli-hulihang kanta. Isa ako sa iilan lamang na nahuling lumabas ng simbahan.
Diretso ako sa paglalakad papuntang area pero napatigil ako nang mapansing si Marco ay nakatayo sa tabi ng aking sasakyan. Nagtago agad ako sa isang malaking halaman at pinagmasdan siya.
Kitang kitang ang pagsara niya ng pintuan ng shotgun seat bago pumunta sa driver's seat at pumasok dito. Siguro ay inalalayan niya ang kaniyang...mag-ina kanina. Mag-ina...
Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kirot na naramdaman. Why do I feel hurt because of that thought?
You have no right to feel that way, Rica Angela! Remember what you did?
Sermon ko sa sarili kong habang pinapanood ang itim na Corvette paalis. After it disappeared in my eyesight, I deeply sighed. Nanghihina ang tuhod kong pumasok na rin sa aking sasakyan. Ito 'yong regalo sa akin ni daddy noong eighteenth birthday ko. Maging ito ay inalagaan nang maayos nina yaya Susan.
Bago paandarin ang sasakyan ay napasandal ako sa upuan. I did not expect to seem him this soon. Inaamin ko ring hinangad ko na hindi na lang ulit mag-krus ang landas namin.
Sa mga nakalipas na anim na taon ay wala akong naging balita sa kaniya. Hindi dahil sa wala talaga ako paraan para malaman ang mga kaganapan sa buhay niya kundi dahil pinili kong huwag nang makibalita pa. I stalked him for almost a year, you know. I gathered news about him from Shiela and even used my US friends' social media accounts just to visit his profile.

BINABASA MO ANG
His Jealous Girlfriend
Novela JuvenilBatid ni Rica na ang pagiging masyado niyang selosa ay hindi maganda pero kahit anong gawin niya ay hindi niya mapigilang mainis sa mga babaeng umaaligid sa kaniyang boyfriend na si Marco. Ngunit hanggang saan hahantong ang pagdadamot niya dito? Man...