Jealousy 34

1.3K 36 5
                                    

Rica's POV

Sa araw na 'yon, akala ko magiging okay na ang lahat. Naayos namin ni Marco ang aming problema. The pain in my heart was lessen. I was hopeful for the recovery of my father, that his consciousness will return, soon. But when we went back to the hospital, I heard the most painful words from my mom.

Four heart-wrenching words...

"Your dad left us."

That time, halos magunaw ang mundo ko. Hindi ko magawang maniwala. Mahal niya kami e. Alam niyang hindi naming kakayanin kapag nawala siya.

No...daddy will never leave me and my mother. He loves us so much that he will fight until the end just to be with us. But he did not...

According to his doctor, he survived the operation but the severe internal bleeding caused his death.

"Mommy, kumain ka na please."
Pamimilit ko kay mommy habang hawak-hawak ang plato na may lamang pagkain. Umiling lamang siya at humarap ulit sa bintana ng kwarto nila. Kakalibing lang kay daddy kanina at nandito pa sa bahay halos lahat ng kamag-anak namin. All of those from my father's side came here for us while some of my mother's relatives did not make it. Marami rin sa mga kaibigan ng aking kga magulang ang nakidalamhati sa amin.

"Sige na po. Magkakasakit kayo niyan. Magagalit sa akin si daddy kapag nakita niyang hindi ko kayo naaalagaan nang mabuti."
I uttered while trying to keep my tears from falling. Sobrang sakit na nakikita ko ngayon ang aking ina na sinisira na rin ang sarili dahil sa pagkawala ng aking ama. Ang dating masayahin at pala-kuwentong si mommy ay nawala na. Tila ba ibang babae na ang nasa harap ko ngayon. Nangangayayat at walang sigla siya.

Pagkatapos bawian ng buhay si daddy at hindi na namin siya maka-usap nang maayos. Mga kapatid ni daddy ang halos nag-asikaso ng lahat dahil nagkulong lang si mommy dito sa kanilang kwarto. Ayaw niyang makita si daddy, hindi pa rin niya matanggap ang lahat. She did not even cry until a while ago, when we were at the cemetery.

"I will eat later. I want to be alone, Angela."
Malamig niyang sagot. Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang kaniyang hiling. Tumulo lamang ang aking mga luha nang maisara ko na ang pinto.

I am hurting so much. I lost my dad and I feel like I lost my mother as well. She prefers grieving alone. Sana ay magkaramay kami ngayon. Kung hahayaan niya lang akong damayan siya.

I respect her decision, though. Siguro ay ayaw niyang ipakita sa akin, sa amin, ang sakit na pinagdadaanan niya ngayon. Pero sana maisip niya na hindi niya kailangang itago sa amin ang kaniyang pag-iyak at pagluluksa. We can comfort each other. We are together with this. Kaming dalawa. Sina yaya, si momsy na ina ni daddy, sina lolo at lola, sina tito at tita...

If I could just take all her pain. Kahit ako na lang sana ang magdala ng lahat. Kahit ako na lang ang masaktan at malugmok. Dahil kung sobra na ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil nawalan ako ng ama, paano pa kaya siya na nawalan ng asawa? Her other half, her partner, her life.

Napapatanong na lang talaga ako sa Diyos kung bakit kinailangan niyang kunin si daddy sa amin. Why him? Why this early? Bakit biglaan na lang?
Sabi nila, everything happens for a reason. But right now, I can't still see the reason. Maybe someday I will. Pero ngayon, hindi pa rin mag-sink in sa akin na iniwan na kami ni daddy. Na kailanman ay hindi na siya babalik.

"Bakit ang daming pagkain, Marco?"
Tanong ko habang tinitingnan ang napakaraming pagkain na nasa lamesa. Pagkatapos ng klase naming kanina hinila niya ako at dinala sa isa sa pinakapaborito kong restaurant.

"Pumapayat ka na. You need to eat a lot to gain back some weight."
He explained. I looked at him and I saw how sincere he is. Hindi na niya ako hinintay na sumagot at agad na ipinagbalatan ng hipon gamit lamang ang kaniyang kutsara at tinidor. Naglagay na rin ako ng iba pang ulam sa aking plato.

His Jealous GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon