Rica's POV
Habang naglalakad kami papunta sa mga kasamahan niya, kinurot ko yung braso niya.
"Aray!"
Reklamo niya na medyo natatawa pa.
"Aray ka jan! Naiinis ako sa'yo!"
Singhal ko. Inilipat niya ang kamay niya sa balikat ko.
"Sila yung lumapit. You saw it."
Depensa niya. Tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko at hinarap siya.
"Pumayag ka dahil sexy sila kamo! Tuwang tuwa ka pa habang chinachansingan ka nila e!"
Inirapan ko siya at nauna nang maglakad. Paubos na rin pala ang mga tao. Tanging mga players na lamang ng school at iilang estudyante ang natitira.
Binilisan niya ang paglalakad para maabutan ako na malapit na sa upuan nila.
"Sus! Sexy ba yung mga 'yon? Parang hindi naman. Malayong mas sexy ka sa mga 'yon 'no!"
Maang-maangan niya. Siyempre kinilig ako sa banat niya pero hindi ko dapat ipahalata. Galit ako sa kaniya. Galit dapat.
"Tse! Hindi mo ako madadaan sa pambobola mo!"
Inunahan ko ulit siya at nang makarating ako sa teammates niya, binati ko sila.
"Nice game guys! Ang galing nyo lahat. Congrats!"
I said with a happy tone. Nagpasalamat naman sila. Pagkatapos ko silang batiin e kinuha ko na yung bimpo ni Marco sa bag niya. I threw it on his face.
"There! Punasan mo 'yang pawis mo. Nakakadiri!"
I said with an irritation on my face, but of course, hindi 'yon totoo. Kahit naman pagpawisan ang mokong, sobrang bango pa rin. Minsan nga naiisip ko na i-collect 'yung pawis niya sa isang botelya para gawing perfume. Gross pero ang bango kasi talaga.
"Teka, di ba sabi mo sa kanila kanina ikaw ang-"
Natigil ang pagrereklamo niya ng biglang lumapit si Vance sa amin.
"Uy! Victory party daw mamaya sa bahay nina coach!"
He said while taking off his jersey. Bigla namang tinakpan ni Marco ang mata ko.
"Fuck you!"
Bulyaw niya at narinig ko naman ang malakas na tawa ni Vance.
"What, dude? Magpapalit lang naman ako ng shirt."
I heard him say.
"Yuck! That's gross! You are so nakakadiri talaga!"
Tinanggal na ni Marco ang palad niya sa mata ko. Naka-white shirt na si Vance at nandito na rin pala si Shiela.
"Gross ka jan! 'Tong Conyo girl na 'to. If I know, pinagnanasaan mo ako kanina. And besides, I'm just giving you guys a free live show."
Tumawa ulit napakalakas si Vance kaya nakatikim siya ng malakas na hampas ng bag galing kay Shiela.
"Your mouth is full of kabastusan! You should drink holy water! And don't you dare call me Conyo girl ulit! I have a name."
And here they are again. Ang sutil at ang pikon. Tatalbugan pa yata yung pagtatampo ko ng pag-aaway nila.
"E what do you want ba? Shishi or Lala?"
Pang-iinis ulit Vance and he even imitated the way she talks kaya nagpasya nang magpaalam si Shiela.
"Jerk!"
She shouted and then bumaling na siya sa amin ni Marco.
"I can't stand seeing this abnormal's face anymore. My driver is already outside, that's why I'm going na!"

BINABASA MO ANG
His Jealous Girlfriend
Teen FictionBatid ni Rica na ang pagiging masyado niyang selosa ay hindi maganda pero kahit anong gawin niya ay hindi niya mapigilang mainis sa mga babaeng umaaligid sa kaniyang boyfriend na si Marco. Ngunit hanggang saan hahantong ang pagdadamot niya dito? Man...