I need you girl! Hahaha.
Hello! Marco and Rica are back! Someone's also back! Enjoy reading. :)PS: Happy Mother's Day to your awesome moms!
Rica's POV
Pagkatapos ng ball ay simula na ng bakasyon namin kinabukasan. Before Christmas Day, our family went to Japan for a week. Sobrang nawili ako sa pamamasyal at pamimili doon. I also enjoyed playing with the snow. Sigurado rin akong nakapagrelax sina mommy at daddy sa stay namin. Sila kasi ang nagyaya na magbakasyon kami para makapagpahinga raw sila mula sa travaho at ako mula naman sa school works.We celebrated Christmas sa Palawan kung nasaan ang isang tito ko sa mother side at ang pamilya niya. I've spent Christmas with Marco the previous years at medyo nalungkot ako dahil hindi ko siya nakasama noong pasko. Siyempre, dapat ay nandoon ako kina Tito Gilbert dahil parang family reunion na rin namin 'yon. Umuwi rin sina lolo at lola mula sa US kasama ang pamilya ni Tito Cesar na bunso sa tatlong magkakapatid na sina Tito Gilbert na panganay at si mommy na nasa gitna.
Good thing there's Facetime kaya kahit papaano ay parang kasama ko na rin ang boyfriend ko. Nag-out of the country rin kasi sila. They went to South Korea kasi 'yon daw ang request ng kapatid niyang si Zab sa parents nila. Medyo nainggit ako kasi gusto ko ring mag-SoKor pero nag-promise naman sina mommy at daddy na doon ang susunod naming pupuntahan kapag may time ulit sila.
I missed him so much. Kahit palagi kaming magkatext, magkatawag o hindi kaya ay magka-Facetime ay kulang pa rin para sa 'kin. Still, I was longing for his touch and kiss. Ilang linggo lamang 'yon pero parang ilang taon na para sa akin. Kung pwede lang mag-teleport papunta sa Seoul ay ginawa ko na.
Good thing we were together in welcoming the new year. Parehong umuwi ang mga pamilya namin at pumunta siya sa bahay namin bago mag-12. Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap pagkakita ko sa kaniya. Sa mga natirang araw ng bakasyon ay magkasama kami araw-araw at namamasyal o di kaya ay nakatambay sa bahay namin o 'di kaya ay sa kanila.
Nailabas na rin ang results ng UPCAT last December at pasok ang GWA ni Marco at Vance sa degree program na gusto nilang dalawa at sa Diliman campus kaya sobrang tuwa nilang dalawa at siyempre ako bilang girlfriend ni Marco. Ilang buwan na lang ay college na sila. Hindi na kami pareho ng school. Kaya lang hindi ko muna dapat isipin 'yon dahil may pinoproblema pa ako ngayon.
"Parang ayokong mag-debut."
Pahayag ko habang nasa canteen kaming apat nina Marco, Shiela, at Vance. Kumunoot ang noo ni Shiela."Why?"
She asked after taking a sip on her strawberry shake. Nagkibit-balikat ako."Hassle. Intimate celebration with my relatives and friends is fine with me. Pero si mommy kasi sobrang excited na at nagsisimula nang maghanap ng organizer."
I answered. Naramdamang ko ang pagpunas ni Marco sa gilid ng labi ko. Ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat. Sinawsaw ko ulit sa ketchup ang fries at sumubo."Then sumunod ka na lang. Besides, that's just once in a lifetime celebration. Good for you, more than a month na lang 18 ka na. I wanna have my debut na rin. I have so many ideas na."
Wika ulit ni Shiela. Mas matanda kasi ako ng dalawang buwan sa kaniya. Grabe, 18 na pala ako sa February."I'll give you the number of my cousin. She's a wedding and birthday organizer."
Singit naman ni Vance kaya binigay ko sa kaniya ang phone ko para malagay niya ang numero ng pinsan niya."I'll tell mom. Thanks, Vance!"
I uttered at nilagyan ng fries ang bibig ni Marco na nagpapasubo kanina pa.I'm sure it will be a long preparation. Sa pagpili pa lang ng 18 candles, 18 roses at iba pang guest ay nahihirapan na ako. Paano pa kaya sa motif, invitation, cake, dress, foods, at iba pa? Siyempre kahit may organizer ay kailangan ko pa ring makialam dahil ako ang celebrant.
BINABASA MO ANG
His Jealous Girlfriend
Подростковая литератураBatid ni Rica na ang pagiging masyado niyang selosa ay hindi maganda pero kahit anong gawin niya ay hindi niya mapigilang mainis sa mga babaeng umaaligid sa kaniyang boyfriend na si Marco. Ngunit hanggang saan hahantong ang pagdadamot niya dito? Man...