Kabanata 31

17 10 0
                                    

Kabanata 31


House

Bakit ba ako nahihiya? Though we are friends, we are not as close as before. Okay, lang sana kung close kami, but God! Oh my, please! What did I do?

 

Hindi na ako ulit pumasok sa opisina niya. May pinapasa silang papeless sa 'kin para iabot sa kaniya, pinapasa ko 'yon kay Annica. Hindi naman, 'yon nag rereklamo. Ayaw ko nang dagdagan pa ang kahihiyan na ginawa ko. Baka kung papasok pa ulit ako, may sasabihin na naman siya at ako ang matatalo.

 

I know Eve; she's very well spoken. Sa kaunting talakayaan, madali lang niya kakainin.

 

If kung si Eve nga talaga ang natawagan ko kagabi, so what ‘di ba? Hindi naman siguro ako ipapahamak ng sarili ko. Wala akong matanadaan na sinabi ko. Oh gosh! I should really stop drinking! It's not good anymore!

 

Very unhealthy and embarrassing.

 

I check my phone to see if my instinct is true. Na si Leana talaga ang tinawagan ko. But it becomes more tense when it's an unknown number. Nagulat ako, kaninong numero ito? Naalala ko pa kung ano-anu ang mga sinasabi ko kagabi, pero huwag mong sabihin na kay Eve ito? Kay Eve ito!!! 

 

Ito rin ‘yong numerong nag text sa akin noon. Hindi ko nga lang pinansin ‘yon. Mostly, the texts are asking me if I am okay. Impossible naman, baka narinig niya lang ako. 

 

Sa paglipas ng ilang araw, iniiwasan ko parin siya. Kahit minsan nagkikita kami sa pantry, or di kaya magkasabay kami sa lift. Hindi ko siya pinapansin, siguro rumerespito ako sa pagyuko dahil boss namin siya. Kapag nagtatanong siya simple lang ang sagot ko at tatahimik na.

 

Isang linggo ko 'yon ginagawa, pero imbes na maging kampante ako. Ako yata ang napapagod sa ginagawa ko. Para siya ang nasisiyahan dahil minsan kung nakikita sa kaniya ang ngiti sa kaniyang labi.


"How's your day?" tanong niya sa 'kin ng magkasabay kaming sumakay sa elevator.

Nagulat ako doon, kaya tumikhim ako para matakpan ang aking gulat.

"Okay naman, Miss Sylvia."


Hindi ko siya tinignan. Naramdaman kong natatawa siya pero pinipigilan niya lang. Ayaw kong pansinin 'yon. Wala akong pake sa kaniya.

Ano na naman kaya ang nakakatawa? May nakakatawa ba sa sagot ko ha, Eve?


"Aren't you tired? You have been doing that for a week now? I know you wanted to talk to me. You can now, though," she said.

 

Ulol.

 

Umirap ako doon. But I pretend to smile and look at her as if I don't get what she meant.


"Ang alin, Miss Sylvia?"


Nanliit ang mga mata niya at hinarap ako.


"What is the difference between Miss Sylvia and my name now? I know how much you love to call my name." 

 

Amputa. Feeling!

 

We're not friends anymore, duh. Hindi ito si Eve. Iba ang ito sa best friend ko.

How Love Grows (Completed)Where stories live. Discover now