Kabanata 33
Owner
After that day, napansin ko na ang pagiging vocal ni Eve. She always comes to my cubicle to ask if it's okay with me to eat with her. Kahit ano ano na ang ginagawa niya. Gusto niya akong sumabay sa kaniya pauwi, o di kaya ay hihintay niya ako. My officemate keeps asking me about what happened, but I can't answer them.
Nakatingin ako sa ulam sa aking lamesa. Eve came here a minute ago just to bring my lunch. Napangiti ako ng palihim habang tinitignan iyon. I read the note above.
It says, Huwag kang kiligin. Lalaki ang gusto ko, pero mahal kita kaya ako muna magiging boyfriend mo.
Mas lalong lumapad ang ngiti ko. Binuksan ko ang pagkain at masaya itong kinain. I tried to calm down my feelings because I could sense that I would cry at any time. I don't know, but I miss her a lot. I miss how we used to. I miss everything. Those gestures we had without any feeling of malice.
Pero hindi ko na nga maibabalik kung ano ang na miss ko. I couldn't get things back on track. Everything is out of my control. Even Eve, despite the fact that I wanted her to be back, couldn't. She changes; she grows day by day. Each day, I just realize that love can grow no matter how distant you are from each other. You'll grow according to your wants.
I guess I need to find more answers.
Habang nagtatrabaho, nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin dala ang sandwich at kape. Kaswal ko iyong tinanggap sa kaniya. Tila nasasanay na sa kaniya.
“Thank you,” I said softly.
She nodded. “Nandoon sa baba si Tita Ilene. Iwanan mo muna ang trabaho mo at bumaba ka na. Bukas ko pa naman kailangan ‘yan,” untas niya.
Nilingon ko siya. Her hair is tied up in a bun today, and she looks very beautiful with her clean makeup. Tinabi ko nag-aking bangs ng kaunti bago tumango sa kaniya.
“Nagkasakit pala si Tito Cike at Chloe?” tanong niya habang nagliligpit ako.
Kinuha ko ang binigay niya sa lamesa ko para doon na lang sa baba kainin bago tumayo para maharap siya. Napatuwid siya ng tayo.
Ngumuso ako. “Oo, kaya kailangan kong kumayod para sa kanila.”
She smiled at me. She looks at me intently, like I did something that made her proud.
“I'm so proud of you,” she said. “Despite the pain they caused, you are still kind to them.”
Bakit ang sakit marinig iyon? Nakakataba nga nang puso malaman that there's someone who is proud of me. Why does it hurt me?
“Thank you, Eve. Ikaw rin naman, pinatawad mo ako. You might change a bit, but you are still the selfless and understanding Everlyn, I know.”
“We grow, Felicity. That's why we are changing, but my heart will always be consistent with you. Ikaw ang best friend ko, you first earn my heart. You deserve to be treated special.”
Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Gusto ko iyong ganito kami. Gusto kong bumalik kami sa dati. Hindi iyong nag-aaway. Hindi iyong nagtatampuhan. Gusto ko ito, kalmado pero masaya.
YOU ARE READING
How Love Grows (Completed)
Teen FictionDESCLAIMER: This is not a love story; this is about friendships. The comfortable lifestyle of her former wealthy clans in town was never experienced by Felicity Lucero. For people to always perceive her as joyful, she utilized the strategy of smilin...