Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sunshine's Point Of View
"GUYS, hindi na akomagtatagal, ha? Baka kasi hinahanap na ako sa 'min. 'Di pa naman ako nagpaalam kanina," paalam ko sa kanila. Nagmo-movie marathon na kami ngayon. Pasado alas diyes na kasi kaya uuwi na ako. Si Princess, kanina pa siya nakauwi pagkatapos lang din kumain.
"Sige, Sunshine! Ingat na lang sa pag-uwi." "Balik ka ulit dito!"
"Next time, magdala ka na ng chicks, ha?"
Natawa na lang ako doon sa huling nagsalita. Sino ba sa tingin niyo ang mahilig sa babae?
"Kahit kailan ka talaga, Darwin! Puro na lang babae ang laman ng utak mo," saway sa kanya ni Miko. Tumawa lang siya.
"Hatid na kita," presenta naman ni Patrick sabay lahad ng kamay. Kinuha ko naman iyon at sabay kaming naglakad.
"Hoy! Bilisan mo lang, ha? Baka kasi kung ano pang kababalag—"
"Ulol!"
Natigil lang sa pagsasalita si Darwin nang batuhin siya ng throw pillow ni Patrick sa mukha. Nailing na lang ako dahil sa kanila. Kahit ganito ang pinaggagagawa nila, natutuwa pa rin ako sa bonding nila.
"Pagpasensyahan mo na si Darwin. Gano'n lang talaga 'yon," sabi niya nang makalabas na kami ng gate.
"'Di ba, siya ang bunso niyo?" "Oo. Bakit?"
"Wala lang. Napansin ko lang, kung sino pa 'yung bunso, siya pa ang mahilig at matinik sa mga babae." Well, 'di ko rin naman kailangan pang pagdudahan pa ang bagay na iyon. Gwapo rin naman kasi si Darwin, eh.
"Hahaha. 'Yon nga ang ipinagtataka ko, eh. Paano kaya nangyaring siya 'yung matinik sa mga babae? Eh, kita namang mas lamang ang ka-gwapuhan ko kaysa sa kanya?" Napahawak pa siya sa baba niya na para bang nag-iisip. Phew! Humangin yata.
"Hindi ka mayabang, 'no?"
"Bakit, mayabang na ba ang tawag sa nagpapakatotoo? Kung gano'n, eh 'di mayabang nga ako." Eh?
"Mayabang ka nga," natatawa ko na lang na sabi sa kanya.
Inalalayan niya akong makapasok sa kotse niya bago pa siya umikot sa kabila at sumakay na rin. Hindi pa man siya nakakapagpaandar ng sasakyan ay nagsalita na ulit ako.
"Mabait naman pala sila, eh."
"I told you. Mababait talaga ang mga 'yon, topakin nga lang kung minsan," nakangiti niyang sagot at kasabay no'n ay ang pag-andar ng sasakyan.
"Babe?"
"Hmm?"
Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya. Masyado lang kasi akong nagagandahan sa tanawin sa labas ng kotse niya. Ang gaganda tingnan ng mga ilaw sa daan.
"I love you."
Bigla akong napatingin sa kanya. Pero wala sa akin ang tingin niya, nasa daan lang. Pero kita ko 'yung ngiting gumuhit sa labi niya. And with that, napangiti rin ako. Siguro, noong nagsabog ng kagwapuhan ang langit, gising na gising siya at sinalo na niya ang lahat. Kahit saang anggulo kasi tingnan, ang gwapo niya. Kahit 'yung nakatalikod lang siya, masasabi mo na agad na gwapo ang taong ito. Almost perfect. Hiyang-hiya nga 'yung balat ko sa kaputian niya, eh. Ni hindi nga yata siya nakaranas ng pimples dahil sa sobrang kinis ng mukha. 'Yung ilong, anong panama naman ng sa akin?