CHAPTER FIFTEEN

4.7K 102 19
                                    

Sunshine's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sunshine's Point Of View

MASYADONG madrama? Overreacting? Gano'n na ba ako sa ginagawa ko ngayon? Oo, nandito nga ako ngayon sa bahay ni Princess, lumalayo kay Patrick. Wala akong ibang mapuntahan, eh. Nakakainis lang kasi talaga. Siguro nga nagiging OA na ako, pero wala akong pakialam. Ikaw kaya, makita mo 'yung boyfriend mong may kahalikang ibang babae, 'di ka rin kaya magmumukmok at iiyak nang bongga kagaya ng ginagawa ko ngayon?

"Ayaw umalis, eh. Gusto talagang pumasok," sabi sa akin ni Princess nang makapasok na siya sa kwarto.

"Hayaan mo siya," matigas kong sagot. 'Di na rin naman siya sumagot pa at tumahimik na lang.

Alam niya ang nangyari, sinabi ko kasi kanina. Siya ang tinawagan ko nang magkaproblema kami kanina ni Patrick.

"Alam mo, magpahinga ka na lang muna. Masama kasi para sa bata 'yang ginagawa mo, eh. Nagpapaka- stress."

Ngumiti lang ako sa kanya saka pa humiga nang maayos sa kama niya. Pero pagkalapat na pagkalapat lang ng ulo ko sa unan ay siya rin namang biglang pagbuhos ng ulan. Automatic rin akong napatayo.

"Si Patrick!"

"Nasa labas lang. Sabi niya kasi, hindi siya aalis hangga't 'di ka nakakausap." Tumayo ako at dumiretso sa may bintana. Binuksan ko iyon nang kaunti at sumilip kung nando'n ba si Patrick sa labas pero parang wala namang katao-tao. Wala rin 'yung kotse niya so siguro, umalis na siya.

Huh! 'Di raw aalis!

"Wala naman siya, eh."

"Gano'n? Oh siya, matulog na lang tayo. Bukas na lang kayo mag-usap dalawa," sabi niya sabay pwesto sa kama. Tabi kasi kami matutulog ngayon.

"Sorry Princess, ha? Sorry kung nang-iistorbo pa ako sa 'yo. Saka, salamat na rin."

"Nako, wala 'yon! Ikaw pa! Malakas ka sa 'kin, eh." Ngumiti na lang ako doon sa sinabi niya at pumikit na para matulog.

Siguro nga, parte na talaga ng tao ang salitang sakit. Kahit sino, makakaranas niyan. Pero may bukaspa. Lagi ko lang tatandaan 'yan. Baka sakaling pagdating ng bukas aymaging okay na rin ang lahat. Sana.

▫▫▫🎈▫▫▫

Nagising ako kinabukasan dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Pagkabangon ko ay siya rin namang pagpasok ni Princess sa kwarto.

"Gising ka na pala. Good morning!" nakangiting bati niya.

Ngumiti rin ako pabalik. "Morning."

"Gutom ka na ba? Tara, kain na muna tayo," aya niya. Mabilis ko namang iwinagayway ang mga kamay ko.

"Nako, 'wag na. Sa bahay na lang siguro ako.

Salamat," sabi ko.

"Ikaw bahala." Nagkibit-balikat na lang siya saka lumabas ng kwarto at sumunod naman ako. Pagkababa namin ay nagpaalam na ako sa kanya. Baka kasi hinahanap na ako ngayon sa bahay. Nakapatay pa naman ang phone ko kaya 'di ako matatawagan. Sinamahan niya ako hanggang sa may gate. Pagkabukas na pagkabukas ko sa may gate ay nakasalubong ko kaagad ang tingin ng ilang taong napapadaan banda sa 'kin.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon