Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sunshine's Point Of View
ALMOST a month din noong huling nagparamdam sa akin si Bryan. After that call, hindi na rin siya ulit tumawag pa. Buti naman. Ok na kasi ako, eh. Ok na ako kay Patrick at ayokong bumalik pa siya sa buhay ko.
Kinabukasan lang din no'n ay nakapag-usap na ulit kami ni Patrick nang maayos—yung wala akong inis na nararamdaman. Sinabi ko sa kanya kung sino ang tumawag kaya tinanong niya ako.
"Mahal mo pa ba siya?" Hindi ko alam kung bakit niya ako tinatanong ng ganito at hindi ko rin alam kung ano bang isasagot ko. Ano nga bang isasagot ko?
"Hindi ko alam," tanging nasabi ko lang. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam. Simula kasi nung nagparamdam siya kanina, may kung ano akong naramdaman—maliban sa galit, na hindi ko maintindihan. Bigla akong kinabahan na ewan.
"Hindi naman ako magagalit kung sasabihin mong 'Oo', eh." Napatingin ako sa kanya. "Kasi alam ko naman na ako lang ang pipiliin mo than any other guy, diba? So, wala akong dapat na ipangamba kung sasabihin mo mang mahal mo pa siya. At saka, mas lamang naman ako kasi mahal na mahal mo ako, siya mahal mo lang." Napangiti pa siya. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako nang sagad sa sinabi niya, eh. Napangiti ako.
"Yes, Babe. Ikaw lang ang pipiliin ko."
▫▫▫🎈▫▫▫
"Sunshine, hija, may bisita ka!" rinig kong sigaw ni Mama. Huh? Sino naman kaya bisita ko? Tumayo ako ng kama at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko, isang lalaking nakatalikod ang naabutan ko. Teka, parang familiar ang taong 'to.
"Darwin?" tawag ko. Di ako sigurado pero feeling ko siya nga yun. Tapos ay humarap siya. Sabi na, eh! Pero teka, what's with his face?
"Oh, ano namang masamang hangin ang nagtulak sa iyo at napunta ka pa talaga dito? At saka, pa'no mo nalaman ang bahay ko?" sunod-sunod kong tanong pero lumapit lang siya sabay hawak sa balikat ko.
"Sunshine, si Patrick..." sa tono pa lang ng pananalita niya ay kinabahan na ako bigla. Idagdag pa yung pag-aalalang nakikita ko sa mukha niya. Bakit, anong nangyari kay Patrick?
"Bakit, anong nangyari sa kanya?" kinakabahan kong tanong.
"Kailangan mong sumama sa akin," and with that, hinila na niya ako palabas ng bahay. Hindi na ako nagtanong pa at nagpahila na lang ako sa kanya. Takte! Anong bang nangyari kay Patrick? Bakit ayaw niyang sabihin? Kinakabahan na ako, eh.
"Darwin, anong ginagawa natin dito?" takang tanong ko. Akala ko kasi baka may kung anong hindi magandang nangyari kay Patrick at isinugod sa hospital. Akala ko doon ang punta namin ngayon. Pero bakit dito niya ako itinigil sa may park? Anong gagawin namin dito? Or baka naman... Baka naman niloloko lang talaga ako ni Darwin in the first place? Ayst! Bakit ba ako nagpa-uto sa lalaking 'to?
"Yeah. Yeah. You got me. Ang galing mo rin, noh? Nauto mo ako," singhal ko sa kanya. "Alam mo Darwin, kung wala kang magawa sa buhay, 'wag mo naman akong idamay sa trip mo. Lakas din ng tama mo, eh, noh?" inirapan ko pa siya. Tss. Kasi naman, feeling naman niya sobrang close na talaga namin para ganito-hin ako, eh.