CHAPTER EIGHTTEEN

4.6K 74 13
                                    

Sunshine's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sunshine's Point Of View

"MASYADO na siyang nagiging stress these past few days kaya nangyari 'to sa kanya. Mabuti na lang kamo at naagapan ang pagdala sa kanya dito dahil kung hindi ay baka may nangyari na sa kanila." 'Yon ang narinig ko nang magising ako. Dahan- dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko sa harapan ko ang doctor na kasalukuyang kinakausap si Patrick. Mukhang hindi yata nila napansin ang paggising ko.

"Doc, hindi po kita maintindihan. Ano pong ibig niyong sabihin? Anong 'kanila'?" Kita ko 'yung pagkalito sa mukha niya. Nakikita ko rin 'yung lungkot sa mga mata niya. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Bakit ang tanga ko talaga? Mahal ako ni Patrick pero nagawa ko pa rin siyang pagdudahan.

"Hindi mo ba alam? Your wife is pregnant." Natahimik si Patrick dahil sa sinabi ng doctor. Kita ko rin 'yung gulat niyang mukha. Feeling ko naman ay mapapatingin sa akin si Patrick kaya dali-dali kong isinara ang mga mata ko at nagtulog-tulugan. Mayamaya lang ay may humawak na sa kamay ko.

"Really, Doc? S-She's pregnant? Magiging tatay na ako?" utal niyang sabi. Kahit hindi ko makita ang expression ng mukha niya ngayon, alam kong nakangiti siya base sa tono ng pananalita niya. Bakit gano'n ka, Patrick? Nakuha mo pa ring maging masaya kahit alam mong pinagdudahan at sinaktan kita? Bakit hindi ka nagagalit?

"Yes. Well, congratulations dahil wala namang masamang nangyari sa mag-ina mo. Advice ko lang, iwasang ma-stress si misis dahil 'yung baby ang maaapektuhan," sabi pa ng doctor. Hindi na sumagot si Patrick kaya sa tingin ko ay tumango na lamang ito.

"So, paano? Maiwan na muna kita. Congratulations again."

"Thank you, Doc." Ramdam kong hinalikan ni Patrick ang kamay ko saka ito hinaplos sa kanyang mukha. Imumulat ko na sana 'yung mga mata ko pero bigla siyang nagsalita kaya hindi ko na muna itinuloy.

"I'm sorry, Babe. Hindi ko naman alam na buntis ka pala, eh. Hindi mo rin naman sinasabi. Kung alam ko lang, sana pala, hindi na lang kita ipinagtabuyan kanina. I'm sorry." Hinalikan niya ulit ang kamay ko at pagkatapos ay ang noo ko naman. Kunwari ay nagigising na ako. Dahan-dahan akong kumilos at saka ko iminulat ang mga mata ko.

"Babe?" tanong niya. "Gising ka na!" masayang sabi niya. "Sabi ng doctor, buntis ka raw? Alam mo na ba 'to? Kung alam mo, bakit hindi mo man lang sinasabi sa 'kin? Sana sinabi mo na lang. Naiinggit pa naman ako no'n kay James nang ibalita niya sa 'ming magiging tatay na siya," pagkukwento niya sa akin. Nakakalungkot lang isipin na pagkatapos ng nagawa ko sa kanya ay heto siya ngayon, nakangiting nagkukwento sa 'kin.

"Ano, kumusta na pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo?"

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon